Twenty fifth Dream

19 4 0
                                    

@RHON'S POV@

Almost two weeks na mula magsimula ang bakasyon nila Lei, matagal tagal din akong hindi pa kinocontact ng kapatid ko.

Kung malaman nya bang binalak kong ligawan yung babaeng mahal nya rin, baka hindi nya na ko pansinin at itakwil pa ko nun. Pero, ano nga kaya ang gagawin nya pag nalaman nyang mahal ko rin si Lei?

Iniisip ko palang na kamustahin sya bigla na lang tumunog ang phone ko at nag flash ang pangalan nya.

"Oh Bro, tatawagan na sana kita, bakit ka napatawag?"

"Bro papunta ko sa unit mo may kailangan akong sabihin sayo"

"Ano maman yun?"

"Bro kung madaling sabihin sa telepono sana hindi na ko pupunta sa unit mo diba?"

"Ay okay, sorry, ah, sige na baba ko na, antayin na lang kita"

Pagbaba ko nang phone naligo ako sandali after a minute, may nag doorbell na, sya na ata yun. Bilis nya, ah, mukhang importante nga yata yung sasabihin nya.

Pagsilip ko sa pinto, sya na nga.

"Pasok bro, ano ba yang sasabihin mo, mukhang napaka halaga nga, dahil sinadya mo pa ko dito sa bahay ko"

"Bro si Lei kamusta sya?" tanong nya sakin na parang nag-aalala.

"Bakit alam mo na ba?" nagtataka kong tanong. Pero pano nya nalaman? Imposible namang sasabihin ni Lei sa kanya diba?

"Ang alin? may dapat ba kong malaman?" tanong nya in a serious tone at mukhang nakalimutan nya na yung sasabihin nya sakin.

"Huh, bro wala,wala ka naman dapat malaman, pero teka ano pala yung sasabihin mo?" pag-iiba ko sa topic.

"Ah, last February kasi, pinahanap ko yung papa nila Lei" sagot nya habang nakaupo kami sa sala.

"Anong nalaman mo tungkol sa papa nila?" Tanong ko habang pinapatuyo ng towel ang buhok ko.

"Bro Marcos Gimo ang pangalan ng papa nila" medyo malakas at parang gulat nyang sabi.

"Okay, ano pa?" walang gana kong tanong habang nagsusuklay at nakaharap sa salamin.

"Nagkaanak sya ng lalaki kay Adrianna Dale" sabi nya ulit.

"So may step-brother sila?" tanong ko ulit.

"Oo bro, Adrianna Dale ang pangalan ng mama nung step-brother nila" sagot nya na may diniin pa yung pagkabanggit nya pangalan nung babae.

Natigil ako sa pagsusuklay ko nang magfunction sa utak ko ang pangalan ng nanay ng step-brother nila Lei.

"Teka, alam mo na ba yung pangalan ng step brother nila?" tanong ko, tumango sya.

"Sya ba?" tanong ko ulit, Alam kong alam nya na kung sino ang tinutukoy ko at tumango sya as an answer.

"Sigurado ka ba dyan?" panigurado ko pang tanong sa kanya, naupo na rin ako sa harap nya.

"Yan din ang tanong ko dun sa investigator, at oo ang sagot nya sakin"

"Anong balak mo ngayon?" Seryoso kong tanong.

"Hindi ko pa alam bro"

"Hindi mo ba sasabihin kay Lei?" Tanong ko, pero bago pa sya makasagot, may bigla na lang nagsalita mula sa likod namin.

"Sasabihin sakin ang alin?" biglang tanong ng biglang sulpot na si Lei.

"LEI?" sabay pa naming sabi ng kapatid ko.

Napatingin pa kami sa isa't isa saka sya tinignan ulit, para kaming natakot bigla.

"Grae?" nagtatakang tanong ni Lei nang makita si Grae.

Dream LandWhere stories live. Discover now