Eight Dream

39 6 0
                                    

@LEI'S POV@

"Girls, take the rest of the day off, tutal anniversary na ng Kitkat bukas, kita kita na lang tayo dito para mag celebrate" sabi ni ma'am Karen, yung owner ng Kitkat.

"Okay po ma'am, see you tomorrow!" sabi naman din naming mga staff.

"Best, gusto ko sana pumunta sa inyo, kaso masakit na katawan ko, see you tomorrow na lang" paalam din ni Xena sakin.

Nang magkahiwalay na kami sa tapat ng shop, nakasakay na agad si Xena, palayo na ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko,

"Oh Grae" Sabi ko ng makita ko syang bumaba sa kotse nya.

"Bakit sarado yung shop?" tanong nya sakin.

"Ah, pinagday off muna kaming lahat, anniversary kasi ng Kitkat bukas magcecelebrate kami"

"Ah, so san ka pupunta?" Tanong nya.

"Malamang sa bahay"

"Ah, sakto, can I invite you?" tanong nya.

"For what?"

"For a bonding trip?" patanong nyang sagot na parang hindi sigurado kung para san nya ko niyayaya.

"Bonding talaga? Sure tara" sagot ko naman.

Pagsakay ko sa kotse nya may picnic basket akong nakita.

"San ka nagpicnic? Sino kasama mo?" curious kong tanong.

"Ikaw" sagot nya, napangiti naman ako ng bahagya, hindi pa kasi ako nakakapag picnic, eh.

Pagdating namin sa lugar, ang ganda ng view, nakaka amaze. Parang walang ibang nakakaalam sa lugar na to kung di sya lang.

May nag-iisang malaking puno, tapos sa likod nito may isang magandang view, ang ganda talaga.

Parang flower garden, madami kasing bulaklak, tapos parang may bundok sa malayo. Basta ang ganda, hindi kasi ako magaling mag discribe, eh.

"Grae ang ganda dito" sabi ko pagkalatag nya ng mat, agad kaming naupo.

"Pano mo nalaman ang lugar na to?" tanong ko sa kanya,

"Kay papa, lagi nya kong dinadala dito lalo na pag week ends" sagot nya,

"Madalas ka ba dito?"

"Oo, lalo na tuwing bakasyon, nakakatulog nga ako dito minsab" sagot nya sakin.

"Alam mo, gantong ganto yung place na iniimagine ko, yung place kung san kami laging tatambay ng The Prince of my life" Masaya kong kwento sa kanya.

"Gustong gusto mo talaga sila noh?" tanong nya, tumango naman ako habang nakangiting nakatingin sa malayo.

"Bakit mo naman sila nagustuhan?" tanong nya, napatingin ako sa kanya, at dahil The Prince ang topic, umandar na ang kadaldalan ko.

Lahat halos ng alam ko about The Prince nakwento ko na sa kanya.

"Okay, enough of that The Prince thingy, mag kwento ka naman tungkol sa sarili mo" sabi nya.

Dahil masunurin ako, kinuwento ko naman sa kanya ang talambuhay ko.

"Ikaw, nasan parents mo?" bigla kong tanong sa kanya.

Ang sarap na ng higa namin habang nakatingin sa mga ulap na natatakpan ng mga dahon ng puno.

"Papa died when I was 7 years old, nung 8 naman ako nagpakasal ulit si mama, para masuportahan ako" sagot nya,

"So, nasan sila?"

"Nandito rin sa Manila, pero I chose to live on my own, kaya kinuha ako ni mama ng condo"

Dream LandМесто, где живут истории. Откройте их для себя