Sixth Dream

35 6 0
                                    

@LEI'S POV@

"Okay, see you on Monday na lang best" paalam ko kay Xena, nag over time kasi kami.

Saturday night ang pinakahihintay kong gabi, dahil bukas Family Day na!

"Hi Miss ihahatid ka na namin, san ba ang punta mo?" biglang sulpot ng tatlong lalaki, pero hindi ko sila pinansin.

"Miss, wag ka namang masungit, nagmamagandang loob na nga kami, eh" sabi nung isang lalaki, pero  tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi sila pinansin.

"Miss, wag ka namang bastos, kami na nga tong nagmamagandang loob oh" sabat naman nung isa saka ako hinawakan sa braso.

"Ano ba, bitawan mo nga ako!" sigaw ko pero yung isa hinawakan ako sa kabilang braso ko.

"Ano ba, bitawan nyo ko sabi, eh" sigaw ko pero bakit parang walang nakakarinig sakin?

"Ano ba, bitawan nyo na ko!" pagpupumiglas ko pero hindi pa rin ako makawala sa kanila.

"Tulong! Tulong! Tulungan nyo ko, ano ba!!" patuloy kong sigaw na para bang lalabas na yung lungs ko sa kakasigaw, pero parang wala namang ibang taong nandito kung di ang tatlong mga sira ulong ito at ako.

Naiiyak na ko dahil pilit nila akog tinutulak sa isang bakanteng lote at ang higpit pa ng hawak nila sakin, ayoko pa po mamatay, lalo na kung ang rerape sakin ay kasing pangit ni joker, penguin at ni hudas!

Ayoko ring mabalita at malagay sa front page ng dyaryo na ang nakasulat babaeng minor de edad, narape sa bakanteng lote.

Yuck lang, kadiri pakinggang, ayoko pa mamatay!!

"Bitawan nyo nga sya!" sigaw ng isang lalaki, salamat naman at may naligaw dito para tulungan ako.

"Bakit, sino ka ba si Batman?" tanong nung kamukha ni Hudas.

"Baka naman si Superman?" sabi naman nitong si Joker.

"Hindi si Spiderman ata yan, makapula, eh" sabat naman nitong si Penguin.

"Mga gung gong, ako si Xander at yang babaeng yan ay si Agnes, kaya bitawan nyo yang babaeng yan dahil mamahalin ko pa yan!" sigaw nya.

Teka ano bang pinagsasabi ng taong to?

May superhero na Xander ang pangalan?

Tapos ano?

Kelan pa naging Agnes ang pangalan ko? Sa mamahalin pa daw nya ko?

Mamanyakin din ata ako ng tagapagtanggol ko, ah?

Diyos miyo tulungan nyo ko!

"Pano kung ayaw namin?" tanong ni Joker.

"Bibitawan nyo ba sya o mamamatay kayo?" tanong nya sa tatlo.

Binitawan nila ako, pero hindi para umalis at tumakas kungdi para sugurin si Xander daw kuno.

"Miss umalis ka na, tumakas ka na!" sigaw nya sakin habang nakikipagsapakan sya sa tatlong mga sira ulo.

Gusto kung gawin ang inuutos nya sakin pero nahihilo na ko, hindi ako makahinga ng maayos, tinignan ko ulit yung superhero na Xander daw ang pangalan, pinatumba nya yung tatlong adik at nakikita ko syang naglalakad palapit sakin, inangat nya yung ulo ko at narinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko.

"Miss Lei?" ang huling salitang narinig ko dahil nawalan na ko ng malay.

Nang magkamalay ako, nagising ako sa isang maganda at maaliwalas na kwarto. Bumangon ako at tinignan ang buong paligid.

Dream LandWhere stories live. Discover now