Twenty first Dream

30 4 0
                                    

@LEI'S POV@

OA na kung OA, pero wala, eh, galit talaga ako sa kanya.

Nung isang gabi na kinausap ako ni Xena about him, napa-isip din naman ako, hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako nagalit sa kanya ng sobra.

Is it about sa pagtulong nya sakin ng palihim?

Sa pagsisinungaling nya?

O dahil pinaniwala nya ako, na may secret admirer ako na mayaman at kaya akong tanggapin kahit na ganito lang ako?

OR

Oh my gulay, tama nga kaya si Kara?

NOOOOOOOOOOO WAAAAAYYYYY.

Hindi Pwede!

Ayaw ko!

Dahil ayoko umasa!

Yes mahilig ako mag imagine, pero hindi ko naman hinihiling at hindi naman ako umaasa na lahat ng iniimagine ko ay matutupad at mangyayare sakin.

Siguro nga kaya ako nagalit sa kanya dahil pinaasa at niloko nya ko. Pinaasa nya ako na pwede nga mangyare sakin ang Cinderella story na paburito ko. Umasa tuloy ako, kaya nang malaman ko ang totoo, ayun nasaktan, kaya nga siguro wagas ang galit ko sa kanya.

"Hoy bakla ka, namiss ko to, ah" biglang sabi ni Xena.

Anak naman ng tutubi oh, nananahimik ako, eh.

"Ang alin na naman?" Asar kong tanong.

"Ito, yung pag deday dream mo, akala ko kasi tumigil ka na, mula kasi nung naging kaibigan natin ang the Prince hindi na kita ulit nakitang nag day dream, eh" sagot nya.

"Tigil tigilan mo nga ako Xena, magtrabaho ka na dyan" saway ko sa kanya.

"Sus, ikaw din kaya, try mo magpunas ng tables" sermon nya rin sakin.

"Nalinisan ko na lahat, kumikinang na nga, eh" sagot ko naman.

"Nga pala best, next week birthday celebration si Rhon sa kanila" pagbabalita ko sa kanya.

March 28 ang birthday ni Rhon, bago mag 28, wala na kaming pasok.

"Kelan?" tanong nya habang nagpupunas at hindi tumitingin sakin.

"Sa 28, Saturday night sa bahay daw niya" sagot ko.

"Okay, may gift ka na sa kanya?" tanong nya sakin.

"Wala pa nga, eh, sinabihan ko nga sya na wala tayong pera, sabi nya presence na lang daw natin ang gift natin sa kanya" paliwanag ko.

"Oh edi maganda makakaiwas sa gastos" sagot naman ng gaga.

"Ang sama mo best" sabi ko naman na sinagot nya lang ng smirk na nakakaloko.

Nang makauwi ako sa bahay, saka ko lang na check yung phone ko.

Ang daming missed calls ni Rhon.

Nag-alala tuloy ako bigla kaaya tinext ko sya agad, wala kasi akong pang tawag, sorry naman agad, poor lang tayo.

"Uy Rhon, sorry busy kanina, saka naka silent phone ko, bakit nga pala tumatawag ka?" message sent.

"I need companion, pwede ka ba?"

"Kelan, ngayon?" message sent.

"Oo sana, daan na lang ako sa inyo, I'm on my way"

Hala sya nagtatanong pa lang kung pwede ako papunta na pala?

10 minutes pagkatext nya sakin nagtext na sya na nasa labas na sya ng bahay namin.

"Lea, bahala ka muna dito sa bahay, samahan ko lang sandali si Kuya Rhon mo, ah" bilin ko kay Lea na nag-aaral sa sala.

Dream LandWhere stories live. Discover now