Sixteenth Dream

34 6 2
                                    

@GRAE'S POV@

Pagkalabas ko sa campus, nagstay ako dito sa park na malapit lang din sa dito.

Nakatalikod ako sa may gate ng park ng may kumalabit sakin.

"Ikaw sya?" Mahinahong tanong ni Lei.

"Lei? anong ibig mong sabihin?" patay malisya kong tanong.

"All along, akala ko kaibigan kita, akala ko hindi ka magtatago ng sekreto sakin, kasi nga kaibigan na ang turing mo sakin" mahinahon nyang sabi ulit, pero parang any minute para syang bulkan na sasabog, medyo kinabahan ako sa pinapakita nyang emosyon sakin ngayon.

"Lei, I don't know what your talking about"

"Grae nakita kita, I saw you with my own two eyes, ikaw yung naglagay ng envelope sa locker ko" pasigaw nyang sabi sakin.

Nagulat naman ako sa narinig ko, hindi ko man nakikita ang sarili ko, I'm sure namumutla na ko. Gulay, nakita nya ba talaga ko? Kasi kung oo, I'm so dead!

"Bakit mo to ginagawa?"mahina nyang tanong pero bakas pa rin ang inis sa tono nito.

"Kasi Lei, gusto ko lang makatulong"

"Grae, I do really appreciate your good intention, pero bakit kailangan mo pa gawin yun ng patago?"

"Lei kasi, kasi alam ko na pag galing sakin tatanggihan mo, eh"

"Kaya pala pinipilit mo ko na tanggapin lahat ng tulong na binibigay nung Mr. L na yun. Kaya pala nung nagpatulong ako sayo sa paghahanap sa kanya, kulang na lang hindi mo na ko kausapin at todo iwas ka. Kaya pala nakakapagtaka, kung bakit alam nya lahat ng nagyayare at mga kailangan ko. Kaya pala hindi ko sya mahanap hanap, kasi all this time kasama ko lang sya, kasama ko lang yung taong hinahanap ko." Sunod sunod nyang sabi.

"Lei, sorry talaga, natutorpe lang kasi talaga ako, napangunahan ng takot"

"So hindi mo talaga kami kinaibigan ni Xena dahil gusto mo kami maging kaibigan, kung hindi dahil sa plano mo?"

"Lei hindi, gusto ko talaga kayo maging kaibigan" sabi ko pero hindi nya na ata ako gusto pang pakinggan.

"Wag ka na magpapakita sakin, dahil ayoko ng kaibigang sinungaling, manloloko, at mapagpanggap. Simula ngayon, hindi tayo magkaibigan, kalimutan mo nang naging parte ka ng pamilya ko" Sigaw nya saka na tumakbo palayo sakin...

Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na yun. Hindi ko alam kung susundan ko ba sya, o kung hahayaan ko muna syang makapag-isip. Pero parang gumuho yung mundo ko nang tumalikod at tumakbo sya palayo sakin.

I want to follow her, pero baka lalo lang magkagulo, that's why I just grab my things at umuwi na sa unit ko, doon ako nag-isip ng mga bagay na pwede kong gawin para naman hindi na magalit si Lei sakin.

Nakapikit lang ako ng tumunog bigla ang phone ko.

"Tol, musta naman ang pagiging secret admirer mo?"

"Tol wala, nahuli ako, nakita nya pala ko kanina habang naglalagay ng sulat sa locker nya"

"Hala! so nag alburoto yun for sure"

"Sinabi mo pa, tinapos nya na ang kung anong ugnayan meron kami"

"So anong balak mo?"

"Wala pa, sa ngayon, ituloy nyo muna ang ginagawa nyo, kayo na munang bahala sa kanya"

"Don't worry tol, kaming bahala, saka, she's so kind, kaya hindi malabo gustuhin talaga namin syang maging kaibigan"

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon