Fifty second Dream

34 3 1
                                    

@SHANE'S POV@

"Shane, nasan ka na?!" Bungad ni Xena nang sagutin ko ang tawag ni Aicy sakin.

"Chill girl, I'm on my way, masyado mo yata akong namiss kung maka sigaw ka dyan!"

"Shut up Shane, dalian mo na lang!" Utos nya saka na pinatay ang tawag.

I'm now driving on my way to Xena's apartment, girl bonding daw. Pano ang last na pagkikita namin ay nung kasal pa nila tito at tita, and that was months ago. Halos super busy kasi naming lahat, wala na kaming time para magbonding, buti pa sila Xena, Lei at Aicy magkakasama sa isang company!

"Hay salamat, dumating na rin sya" bungad ni Patty sakin.

"Good morning rin Patty, good morning girls" pambabara ko na lang sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Kara at kumuha ng kape na nasa table, anim yun at lahat halos kalahati na, pero yung dalawang tasa puno pa.

"Teka, nasan nga pala si Lei?" Tanong ko nang mailapag ulit ang tasa sa center table.

"Tulog pa puyat, eh, pabayaan muna natin" sagot naman ni Xena na naglapag ng chips sa mesa.

"Movie marathon na, dali, gusto ko na panuorin yung conjuring 2!" Excited na sabi ni Kara, napakahilig talaga nito sa horror, kaya ayaw isama nila Aicy to manuod ng sine, eh!

"Alam mo Kara, kung sa sine ka na lang nanuod ng conjuring mag-isa may mga karamay ka pang trip ang horror, alam mo namang ayaw namin ng horror, eh!" Saway ni Aicy sa kanya, napasimangot na lang tuloy sya.

"Wait, kukunin ko lang yung mga CD na hiniram ni Lei kay Caleb" sabi naman ni Xena saka tumayo at pumasok sa room ni Lei.

Paglabas nya agad nyang binukasan ang tv saka ito lumapit sa may DVD para ilagay ang CD, ililipat na sana nya ng biglang mag flash ang news na nakakuha sa atensyon naming lahat.

"International sensation Landon Grae, nandito nga ba sa bansa!?" Napako ang tingin namin sa report na nagsalita at hinintay na ipakita yung video futtage nila sa pagdating ng international sensation na sinasabi nila.

"Ayon sa source, sumakay sa isang flight patungo sa Pilipinas ang international sensation ng walang kasamang body guards, bagamat hindi pa tiyak kung sya nga ba iyon at kung nandito nga sya sa bansa, maraming Pinoy fans nya ang natuwa sa balita" Walang video futtage ang pinakita, isang picture lang nang lalaking naka white shirt na may mask at hawak na maleta at nasa airport lang ang nakita namin sa tv screen. Nagkatinginan kaming lima, si Xena bigla na lang umupo sa tabi ko.

"Nandito na sya" mahinang sabi nito habang nakatingin pa rin sa tv.

"Alam na kaya nila Rhon?" Tanong naman ni Patty.

"Si Lei" sabi ko naman.

"Kailangan nya tong malaman" dagdag naman ni Aicy.

"Girls, chill, walang video na pinakita diba?" Pagpapakalma samin ni Kara, "Saka sabi pa hindi daw tiyak, meaning not sure! Balibalita lang"

"But, what if nandito na nga sya?" Tanong ko naman kay Kara.

"Eh, di mag-usap na sila once in for all" simpleng sagot nito saka muling uminom ng kape.

"Eh, pano kung hindi na kagaya ng dati yung nararamdaman nya para kay Lei, masasaktan lang yung kaibigan natin pag nagkataon" mahabang sabi naman ni Patty.

"Eh, pano naman kung si Lei ang iba na ang nararamdaman?" Saad naman ni Aicy, napatahimik kami sandali at nag-isip.

"Puntahan natin sila Rhon" suggestion ni Xena na tumayo na at handa nang umalis.

"Xena, may out of town tour sila, at pag balik naman nila, magsisimula na silang mag handa para sa anniversary concert nila" pagpapaalala ko naman sa kanya, kaya napa-upo na lang ulit sya.

"Oh, nandito na pala kayong lahat" bungad ni Lei na dumiretso sa tabi ni Kara at kinuha yung kape na wala pang bawas. "Best, bakit di mo naman ako ginising?" Tanong nya pa kay Xena.

"Ah, hindi, kadarating lang din naman namin, mga 20 minutes ago" singit ko naman sabay ngiti, tumango naman sila Aicy sa sinabi ko.

"Oh, ano na gagawin? Hindi ba tayo aalis? Gagala o kakain sa labas?" She asked full of energy na kala mo hindi bagong gising.

"Ah, oh, ahm, oo nga, mag momall tayo, ligo ka na best dali!" Sabi naman ni Xena sabay hatak pa kay Lei patayo at tinulak ito papasok sa kwarto nya.

"Akala ko ba movie marathon? What do you want to say Xena, mag momovie marathon tayo sa sinehan? May pera ka ba? Akala ko ba nagtitipid ka?!" Sunod sunod na tanong ni Patty kay Xena.

"Girls chill, magpapalamig lang tayo sa mall, bibili ng lulutuin natin for lunch, dinner and para sa midnight snack natin later, tapos uuwi na" paliwanag naman ni Xena.

"Eh, yung kay Grae, hindi mo ba sasabihin?" Tanong ko naman,

"Baka mamayang midnight na lang, para kung maging awkward man, tulog na lang diba?!" Sabi nya pa sabay kindat samin.

Kagaya ng sinabi ni Xena, namasyal lang kami sandali at dumiretso sa grocery. Nung pauwi naman na sana kami, nag-aya sa bilihan ng mga headset si Lei. Pumasok kami sa loob ng isang shop at dimiretso sa mga lagayan ng headset na katabi ng mga albums at Cd's.

"Ay oh, ang ganda nitong mukhang zipper" sabi nya, hinalungkat nya pa yung ilalim para humanap pa ng ibang kulay. Nung nakita nya na ang green na hinahanap nya, nilapag nya yung ilang headsets na nakaharang sa may lagayan ng cd. Nung ibabalik naman nya na ito natigilan sya sa nakita, dinampot nya ang CD na may black cover at may picture ng gwapong lalaki na nakaupo sa sahig at nakatingin sa kawalan.

"Landon Grae" basa nya sa naka sulat sa album. Tinitigan nya lang to, nasa likod nya kami kaya hindi namin mabasa kung anong iniisip nya, ni expression nya hindi rin namin makita.

"Ah, Lei, tara na, masakit na paa ko" aya naman ni Aicy kaya napatingin sya samin. Binalik nya sa lagayan yung hawak nya saka na naglakad papunta sa counter para bayaran yung binili nya.

Awkward kaming bumalik sa apartment nila Xena. Naka upo kaming lahat sa dining table habang si Xena at Patty ay busy magluto ng lunch.

"Bumalik ba, nabuhay o nadagdagan?" Biglang tanong ni Aicy habang nakatingin kay Lei na tinutunaw sa tingin ang basong nasa harap nya, "Kung hindi mo yan ilalabas, kami ang maglalabas, so better mag kusa ka na Lei!" Dagdag nya pa, si Lei naman napatingin lang sa kanya.

"Lei, kung noon sya ang nagparamdan sayo na mahal ka nya, bakit hindi naman ikaw ang gumawa nun ngayon?"

"Pano ko naman yun gagawin? Hindi ko nga alam kung nasan sya" sabi nya saka huminga at sumandal sa upuan "Ni hindi ko nga rin alam kung ganun pa rin ba ang nararamdaman nya para sakin, it's been 5 damn years, madami nang nangyare at nagbago, and kahit sa kanya malaki na ang nagbago sa buhay nya, baka nga hindi na ko nun kilala"

"Malay mo naman, hindi naman natin malalaman ang sagot kung hindi tayo magtatanong" seryosong saad ni Kara.

"Oo nga Lei, for once, pwede bang aminin mo samin kung ano ang nararamdaman mo, kahit ngayon lang" sabi naman ni Patty na nakatayo sa likod ni Aicy na may hawak pang sandok.

"Gusto ko sya, namimiss ko sya, at hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakakalimutan. Kahit na nandyan si Rhon, sya pa rin ang nasa isip ko at ang sakit lang isipin na binitawan nya ko agad ng ganun kadali" mahaba nyang sabi kasabay nun ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nya.

"Ito best, ah, pano kung bumalik sya? Pano lang naman, anong gagawin mo, lalo na pag nagkaharap ulit kayo?" Tanong naman ni Xena.

"Hindi ko alam, honestly, hindi ko pa alam, kung kanina nga picture pa lang nya ang nakita ko hindi na ko nakagalaw, eh, pano pa pag kaharap ko na sya?" Sagot nya lang, sandali kaming nabalot ng katahimikan, buti na lang at agad yung binasag ni Patty.

"Alam nyo, tama na yang love life topic, gutom lang yan, tara ikain na lang natin yan!" masiglang sabi na lang ni Patty sabay lapag ng mabangong tinola sa mesa na agad naman naming tinikman.

Dream LandWhere stories live. Discover now