Thirty ninth Dream

21 1 0
                                    

@LEI'S POV@

"Ano na Lei, aantayin mo pa bang tamaan yan ng kidlat dyan? Sige pag yang gwapong nilalang na yan natamaan ng kidlat, lagot ka kila Patty pati na rin kay Rhon!" pangungunsensya pa nitong si Xena sakin,

"Kawawa naman si papa Grae pag nagkasakit sya, sinong mag-aalaga sa kanya?" Dagdag nya pa.

"Best, papasukin mo na, nakakaawa na yung tao" pamimilit pa nya.

"Bahala ka best, pag sya nagkasakit, nilagnat, nahospital at namatay, kargo ng konsensya mo yun, ah!" Sabi na naman nya.

Gagang to, lalagnatin at maoospital lang pinatay nya agad? Kaloka tong si Xena saksakan ng OA!

Nakatitig lang ako kay Grae na nakatingin ngayon sakin habang basang basa pa rin sa ulan. Habang itong katabi ko hindi ko na naiintindihan ang pangongonsensyang sinasabi nya dahil sa lakas ng ulan. Habang nakatingin ako sa lalaking nakatayo sa labas ng bahay namin, there is a part of me saying takbuhin ko sya at pasilungin, pero meron namang nagsasabing mapapagod din sya at aalis.

"Girl, tama na yang pakipot at pamanhid effect mo, babain mo na yung tao tutal gusto mo naman na syang makausap diba?" sermon na naman ni Xena.

Kaya bago pa humaba ang sermon nya, at bago pa mangyare ang mga kalokohang sinasabi nya habang kinokonsensya ako, tumakbo na ko pababa at agad na kumuha ng payong at nilabas si Grae na kanina pa nakababad sa labas.

"Tanga ka talaga,eh, noh bakit mo ba to ginagawa? pinaparamdam mo sakin na special ako, tapos at the end of the day malalaman ko kasinungalingan lang ang lahat? ano ba kasing gusto mong mangyare?" sunod sunod kong sermon sa kanya paglabas ko "Pwede ka namang umalis at wag magpabasa sa ulan pero hindi mo ginawa! Sira ulo ka talaga! Kung ano yung tama yun pa yung hindi mo ginagawa!"

"Can we talk inside? nilalamig na kasi ako, eh" pakiusap nya habang seryosong nakatingin sakin.

Oops, nakalimutan ko. Sorna!

"Tara na nga" sabi ko, nanginginig pa sya nang makapasok sa bahay, ang tigas kasi ng ulo, eh.

Pero kung ako iniinis ng ulan, nagtagumpay sya, nananadya kasi talaga sya, eh, pagpasok ba naman kasi namin, maya maya lang tumila na sya agad.

"Ahm, guys, una na ko sa hospital, isasama ko na si Lea, sabi ni Ian, eh" sabi bigla ni Xena sabay hila kay Lea palabas ng bahay.

Pag-alis nila nakalimutan ko nilalamig na pala si Grae, kaya agad akong umakyat sa kwarto ko. May malalaki kasi akong t-shirts and I think kakasya sa kanya yun.

"Wala ka bang extra na pants?" tanong ko sa kanya gamit ang emotionless expression ko.

"Kukunin ko lang sa kotse" paalam nya saka lumabas para kunin ang pants nya.

Pumunta naman ako sa kusina para ipagtimpla sya ng Kape, wala kaming hot choco o kung ano na pwede syang mainitan, eh, kaya kape na lang.

Paglabas ko ng kusina bihis na rin sya. Pinapatuyo nya yung buhok nya gamit yung towel na binigay ko sa kanya, nang magtama ang mga mata namin, nakaramdam ako ng parang something sa tyan ko, hindi ko alam kung gutom ba ko o sobrang busog.

"Lei, okay ka lang?" Tanong nya pa habang nakatitig sakin, hatala pa sa mukha nya ang pag-aalala.

"Inumin mo, para mainitan ka" sabi ko at nilapag yung tasa sa harap nya.

"A-ahm, Lei?" nag-aalangan nyang tawag sakin.

Tumingin lang ako sa kanya.

"I'm really sorry" sabi nya at kita ko sa mukha nya ang sincerity at pagsisisi. Huminga ako ng malalim at handa na sana syang paulanan ng tanong ng magsalita sya ulit.

"I know na wala namang mababago yung sorry ko, pero gusto ko lang na mapatawad mo ko bago ko umalis" sabi nya habang nakatingin lang ako sa may mesa.

I thought tapos na sya pero hindi pa pala.

"May aaminin lang ako sayo" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya, and his seriously looking at me.

"Bukod kasi dun sa palihim na pagtulong ko sayo, may isa pang bagay na hindi ka alam, nung araw na ipakilala mo ko sa mama mo I lied, ako si Xander, ako yung nagligtas sayo that night" Pag-amin nya sakin.

"May isa lang akong tanong" seryoso kong sabi.

"Ano yun?" tanong naman nya agad.

"Bakit mo ba ginawa lahat ng yun?" tanong ko na kinagulat nya.

Nakita kong napalunok sya dahil sa pagtaas baba ng adams apple nya at halata rin ang pag-iisip nya ng isasagot nya sa tanong ko.

Hello? bakit naman kailangan nya pa yung pag-isipan?

Alangan naman ginawa nya lang yun dahil trip nya lang?

"Wag ka naman sana magsinungaling sa bagay na to, al--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Akala ko naaalala mo pa si Xander, ano ba sabi nya nung gabing yun?" bigla nyang tanong kaya napaisip ako.

»»»flashback«««

"Mga gung gong, ako si Xander at yang babaeng yan ay si Agnes, kaya bitawan nyo yang babaeng yan dahil mamahalin ko pa yan!" sigaw nya.

Teka ano bang pinagsasabi ng taong to?

May superhero na Xander ang pangalan?

Tapos ano?

Kelan pa naging Agnes ang pangalan ko?

Saka mamahalin pa daw nya ko?

Mamanyakin din ata ako ng tagapagtanggol ko, ah?

"Pano kung ayaw namin?" tanong ni Joker.

"Bibitawan nyo ba sya o mamamatay kayo?" tanong nya sa tatlo.

Binitawan nila ako, pero hindi para umalis at tumakas kungdi para sugurin si Xander daw kuno.

"Miss, umalis ka na, tumakas ka na!" sigaw nya sakin habang nakikipagsapakan sya sa tatlong mga sira ulo.

Gusto kong gawin ang inuutos nya sakin pero nahihilo na ko, hindi ako makahinga ng maayos. Tinignan ko ulit yung superhero na Xander daw ang pangalan, pinatumba nya yung tatlong adik at nakikita ko syang naglalakad palapit sakin. Inangat nya yung ulo ko at narinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko.

"Miss Lei?" ang huling salitang narinig ko dahil nawalan na ko ng malay.

»»»end of flashback«««

"Hindi ko alam kong totoo ba yun o hindi" sabi ko agad sabay iwas ng tingin sa kanya, medyo nahiya ako sa naalala ko, feeling ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko. Kaloka, mukha na ba kong kamatis?

"Mahal kita kaya ko nagawa lahat ng yun, gusto ko makita kang masaya kahit na hindi ako yung dahilan. Gusto kong makitang nakangiti ka kahit na sa malayo lang" sabi nya bigla, hindi ko alam pero parang napangiti ako sa mga sinabi nya.

"Sige na kailangan ko na umalis, sakin nalang tong t-shirt mo, ah, remembrance" sabi nya at tuluyan nang umalis.

Sira ulo ba sya? Sabi nya mag-uusap kami? Hindi nga pag-uusap yung nangyari, eh, sya lang kaya ang halos nagsalita! Wala nga kong nasabing mahaba!

Hindi nya dala yung kotse nya kaya nang lumabas ako ay nakita ko pa syang naglalakad palayo. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may mga tubig na gustong kumawala mula sa mata ko habang pinapanuod ko syang lumakad palayo sakin. May parte sa utak kong sinasabing pigilan ko sya, pero may parte rin dito na nagtatanong kung bakit ko yun gagawin!

Bwisit na Grae to, aalis ka nalang iiwan mo pa kong nagugiluhan! Akala ko pag nakausap na kita lilinaw na lahat, pero bakit parang lalong gumulo?

Dream LandWhere stories live. Discover now