Forty ninth Dream

37 3 3
                                    

@AKI'S POV@

"Isa pa guys, last" sigaw ni Rhon.

Nagrerehearse kami dito sa studio nya mula pa kanina, at kanina pa yang isa pa nya, hindi na nga naubos, eh.

"Bro, Guesting lang yung pupuntahan natin, bakit kung maka rehearse naman tayo parang concert?" Tanong ni Caleb kay Rhon.

"Let me guess, manunuod utol ni Ian noh!?" Sabat ni Arkin.

"Umamin ka nga Rhon, nanliligaw ka ba sa kanya? O kayo na?" Sabat ko naman bigla.

"Hindi noh! Tigil tigilan nyo nga ako!" Saway nya.

"Kung hindi, bakit parehas kayong hindi nagkukwento kung anong pinag-usapan nyo nung celebration ng graduation nila?" Tanong naman ni Ian.

"Oo nga tol, bakit nga ba? Ano ba kasing napag-usapan nyo?!" Tanong ko ulit.

"Wala nga, hay naku, mag break na nga muna tayo, gutom lang yan" sabi nya saka na umalis sa posisyon nya.

"Bro, ano ba kasi ang nagyare?" Pangungulit ko pa rin ng makaupo ako sa tabi nya.

"Bro, maglihim ka na sa lahat, wag lang samin" sabi naman ni Caleb.

"Tutulungan ka naman ni Ian, eh, umamin ka na kasi samin!" Sabi naman ni Arkin.

"Hoy Arkin, hindi ako nangingialam sa love life ni ate, curious lang talaga ko sa pinag-usapan nila nung araw na yun!" Sabi naman ni Ian.

"Bro, bakit nga ba kasi ayaw mo sabihin?" Sabi naman ni Caleb.

"Oo nga, ayaw nyo umamin pero kapag magkasama kayo, para kayong mag-on!" Sabi naman ni Ian.

"Isa pa, yung mga tinginan at tawanan nyo, ibang iba, eh!" Dagdag pa ni Caleb, pero lahat ng tanong namin ngiti at iling lang ang tugon ni Rhon, ginagago yata kami nitong taong to, eh.












@RHON'S POV@

Habang pinuputakte ako ng tanong nitong apat na kutong lupa dito sa harap ko, tinetext ko si Lei na pinuputakte rin pala ng tanong nung limang chismosa nyang mga kaibigan.

"Sige sabihin na natin, for sure kasi hindi nila tayo titigilan, eh!" Basa ko sa reply nya sakin. Kaya seryoso ko silang tinignan.

"Manahimik kayo, wala akong gustong marinig na kahit ano mula sa inyo, walang magrereact at walang magsasalita, ang dapat nyo lang gawin ay makinig, naintindihan nyo ba?" Paliwanag ko, nagsipag tanguan naman sila.

Habang nagkukwento ko, nakikita ko sa mga reaksyon nila na gusto nila magsalita, pero dahil sa takot nila sa mga titig kong pamatay, hindi nila binubukas ang mga bibig nila.

"Oh, okay na kayo? Yun na yung buong kwento, satisfied?" Tanong ko nang matapos akong mag kwento.

"Bro, kayo bang dalawa sigurado sa pinasok nyo?" Tanong agad ni Caleb.

"Oo nga, sobrang gulo kasi ng sitwasyon nyo, pareho kayong may tinaya na mahalaga sa inyo" dagdag naman ni Arkin.

"Ang mahirap pa dyan, pag nalaman ni Grae, paniguradong guguho ang mundo nya, to think na five months na kayong parang mag-on pero hindi ni Lei" kumento naman ni Aki.

"Isa pa, naisip nyo ba yung pupuntahan ng relasyon nyo na mas magulo pa sa abstract at mas mahirap pa sa calculus?" Sabi naman ni Ian.

"Grabe naman yang mga reaksyon na yan, akala ko naman susuportahan nyo kami"

"Brad, hindi naman sa hindi namin kayo sinusuportahan" sabi ni Arkin na umakbay pa sakin "Ang samin lang, dahil sa gulo ng status nyo, at the end of the day, meron at merong masasaktan sa inyo"

"Isa pa brad, matalino, gwapo, at mayaman ka, kaya for sure mas madami ka pang babaeng pwedeng magustuhan, at makuha, pero akit dun pa sa babaeng alam naman nating lahat na mahal na mahal ng kapatid mo?" Sabi naman ni Aki.

"Bro, wag mo sanang masamain ang mga sinasabi namin sayo, pero iniisip ka namin kaya kami ganito" sabat naman ni Caleb "Kung papasok ka sa relasyong magulo at walang kasiguraduhan, para kang nakipag kasundo kay kamatayan, na kahit alam mong pag namatay ka sa kanya ka pupunta, umasa ka paring sa langit ka nya dadalhin" sabi naman ni Caleb.

Tinignan ko si Ian.

"Wala kang sermon?" Tanong ko, tinitigan nya muna ko bago ibuka ang bibig nya.

"Kung mahal mo ang buhay mo, bakit mo isusugal yun sa larong alam mong ikaw ng talo? Parang ganun din ang sitwasyon mo, tinataya mo ang buhay mo sa laro na si kamatayan lang naman ang nananalo" he seriously said.

Bakit ba ang lalalim ng mga sinasabi nila sakin? Problema nila?! Magulo na nga yung status namin ni Lei, pati ba naman sermon at suggestions nila magulo?!














@LEI'S POV@

"Ikaw gaga ka, basta basta ka na lang nagdedesisyon!" Sigaw ni Aicy sakin na may kasama pang hampas.

"Pumayag kang maging kayo na parang hindi kayo kahit na alam mong hindi mo alam kung ano at sino ang gusto mo? Gaga ka nga talaga" sermon din ni Xena sakin.

"Gusto ko sana kayong suportahan sa desisyon nyo, pero dahil hindi ako tanga at padalos dalos kagaya nyo, hindi ko ibibigay ang blessings ko sa relasyon nyong kasing gulo ng utak nyo nang umpisahan nyo!" Sabi naman ni Shane. In fairness kung manermon tong si Shane, ah, dinaig ang speech ni Xena.

"Girl, Kilala ka namin, hindi ka padalos dalos sa mga desisyon na ginagawa mo, pero bakit ngayon? bakit dito minuto ka lang nag decide?" Tanong ni Kara, "Kung galit ka kay Grae, hindi revenge ang sulosyon, silang magkapatid ang masasaktan mo pag nagkataon"

"Kara is right, pero girl tandaan mo, kung ano man ang dahilan mo, alalahanin mo yung mga taong masasaktan mo, girl, sa ginagawa mo para kang naglaro ng blade na kabilaan ang talim, alam mong masusugatan ka, nilaro mo pa rin" sabi naman ni Patty.

"Ay ganda nun Patty ay, I like that!" Sabi naman ni Xena, abnormal.

"Lei, yung totoo, bakit ka pumayag?" Seryosong tanong ni Aicy, napayuko ako at huminga ng malalim bago sagutin ang tanong ni Aicy.

"Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag, pero kasi, nung mga panahong yun, gusto ko lang rin siguro talaga subukan, gusto ko lang pagbigyan si Rhon, kasi sa lahat ng tao, sya ang may karapatang magmahal at mahalin rin"

"Lei, sayo na mismo nanggaling, he deserves to love and to be loved, kaya kung hindi pagmamahal ang maibibigay mo, better yet stop it" sabi naman ni Patty.

"Girl" sabat naman ni Kara na tumabi sakin at pinatong pa ang kamay sa balikat ko "Alam mo ba yung kasabihang choose one, or take no one? Try mo iapply sa sarili mo"

"Lei, ang nakikita kasi naming pwedeng kalabasan ng desisyon mo iba sa nakikita mo at sa nakikita ni Rhon" sabi naman ni Xena. "Oo, pwedeng napapasaya mo sya habang magkasama kayo, pero pano kung marealize mong mahal mo talaga si Grae at nagkataong bumalik sya? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Rhon, pati na rin ni Grae pag nalaman nya yung sitwasyon nyo ng kuya nya?"

"Ito Lei isang tanong isang sagot, si Rhon o si Grae?" seryoso at diretsang tanong ni Shane, mapatingin lang ako at napa-isip habang hinihintay nila ang magiging sagot ko.

Hindi ko talaga alam, si Rhon laging nasa tabi ko, pero si Grae iniwan ako, pero mahal ko ba si Rhon? Eh, si Grae mahal ko ba sya?

"Hindi ko talaga alam, hindi ko alam kung mahal ko na ba si Rhon o si Grae, kaya bakit ako pipili?" Naguguluhan kong sagot na may pagkamot pa sa batok.

"Pipili ka kasi baka at the end of the day you'll end up having nothing" sagot ni Aicy.

"At kung tatanungin kami kung sino ang mahal mo, by the looks of it, we already know the answer" sabi naman ni Patty.

"Sino?" Nagtataka kong tanong, tinapunan naman nila ko ng pamatay nilang tingin, eh, sa hindi ko alam kung sino talaga ang mahal ko.

"Girl, kung mahal mo si Rhon, nung unang beses syang umamin sayo, sinagot mo na sya" sagot ni Shane sakin.

"At kung hindi mo mahal si Grae, hindi ka maguguluhan sa nararamdaman mo" dagdag naman ni Kara.

Dream LandWhere stories live. Discover now