Eleventh Dream

35 6 1
                                    

@XENA'S POV@

"Teka ate, new year na sa susunod na araw, nagparamdam na ba ulit si Mr. L?" tanong bigla ni Lea.

"Oo, nagtext nga sakin, eh" sagot nya.

"Anong sabi? kelan nagtext?" tanong ko.

Bigla syang umupo sa tabi namin at lumingon lingon muna sa paligid bago magsalita.

"Natatakot na ko sa kanya" bigla nyang sabi.

"Bakit naman po ate?" tanong namam ni Lea.

"Kasi, nung 25 mismo, mga 10 am nagtext sya, sabi nya wag ka masyado kiligin, tapos biglang hindi na ulit nagtext" paliwanag nya samin.

"So you think, alam nya yung nangyare sayo?" tanong ko, tumango naman sya.

"Best, praning ka!" sagot ko naman.

"Best, hindi ako praning, feeling ko nga kilala ko talaga sya" sabi nya pa sakin.

"So may hinala ka na ba kung sino sya?" tanong ko.

"Wala, pero I believe and I can sense na malapit ko na syang makilala" sagot na naman nya sakin.

Hay baliw na sya, pero I'm also curious, sino nga kaya si Mr. L?

"Ito na pala si kuya Grae, eh" Biglang sabi naman ni Lea.

Nakita naman namin si Grae na papalapit na samin.

"Oh Grae, ano plano mo sa new year?" tanong ko.

"Wala pa naman, bakit?" tanong nya rin.

"Samin ka na lang ulit magcelebrate kuya" sabi naman ni Lea.

"Oo ba, sige" sagot naman niya agad kay Lea.














"Lei, tulungan na kita" biglang dating ni Grae mula sa labas.

Nag-aayos kami ng mga gamit, ginigilid kasi namin yung mesa sa sala, sabi ni tita, eh.

"San ka galing?" tanong ni Lei sa kanya.

"Huh, ano ahm, dyan lang sa labas" sagot nya.

"Hinahanap ka kaya ni Lea dyan sa labas, wala ka naman" sabat ko naman.

"May binili lang kasi ako sa may malapit" sagot nya,

"Okay, sige na nga" sagot naman ni Lei.

"By the way, do we already have some fireworks?" tanong nya, umiling naman kami ni Lei.

"Sakto, bumili ako, nandun sa may kotse" sabi nya.

"Ah, kasi Grae, hindi kami pinapayagan ni mama na humawak ng mga paputok, nanunuod lang kami sa labas" sabi ni Lei sa kanya.

"Ah, ganun ba, di ako na lang ang magpapaputok" sagot naman nya.

Nung halos 11:00 pm na, nakataambay na kami sa may sala.

"Naku Grae, mag-ingat ka sa pagpapaputok huh" bilin ni mama sa kanya.

"Opo, don't worry tita" sagot naman nya.

Mga bandang 11:30 naging excited na yung mga tao at nagsisipaputukan na sila.

"Tara, labas na po tayo" Aya ko sa kanila.

Paglabas namin, puro putok at malamang amoy ng paputok ang naaamoy namin.

Nakatingala pa kami kasi madami na rin ang nagfa-fire works display na.

"Grabe mas masaya makalanghap ng paputok, kesa makulong sa tahimik at boring kong condo" sigaw ni Grae.

"First time mo makaranas ng ganto?" Tanong ko naman.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon