Thirty third Dream

22 3 0
                                    

@LEI'S POV@

Pagdating ko sa kwarto ko nagulat ako sa nalaman ko.

Nawalan sya ng mama at the age of 10, tapos yung tatay nya nasa ibang bansa, so sinong kasama nya dito sa Pilipinas at sa bahay nila?

Sinong gumagabay sa kanya?

Nag-iisip ako ng tumunog ang phone ko at makita ang pangalan ni Rhon.

"Nandito ko sa tapat ng bahay nyo, can we talk?"

"Pababa na ko" sagot ko saka binaba na ang phone.

Pagbaba ko nasa sala si mama at Lea.

"Oh san ka pupunta anak?" tanong ni mama.

"Nasa labas si Rhon ma, mag-uusap lang po kami sandali" paalam ko.

"Sige, maginggat kayo" bilin pa ni mama.

Paglabas ko nadatnan ko si Rhon na nakasandal sa may pinto ng drivers seat habang nakapamulsa at nakatingin sa paa nya. Pagkakita nya sakin, pinagbuksan nya agad ako ng pinto, pagpasok ko sa kotse nya nakasimangot ako.

"Anong problema, bakit ka nakasimangot?" tanong nya.

"Madami akong problema" sagot ko sa kanya agad ng hindi man lang sya nililingon.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta" sagot nya lang at hindi na ako pinansin.

Pagtingin ko sa bintana, tinatahak namin ang way papunta sa unit nya. Pagdating namin sa parking area, dumiretso kami sa rooftop.

"Bakit na naman tayo nandito?" tanong ko na akala mo ay may bad memories ako sa lugar.

"Bakit, may bad memories ka ba dito?" tanong nya na may halong pang-aasar. Sira ulo talaga tong taong to.

"Oo" sagot ko naman.

"Grabe ka naman" sabi nya saka humawak pa sa dibdib nya at umarte na parang naoffend talaga sa sagot ko.

"Bakit nga ba kasi tayo nandito?" tanong ko nalang ulit, mupo sya sa sahig at tinatap yung left side nya signaling me to seat with him, kaya umupo ako dun sa left side nya.

"Si Grae, hindi pa ba kayo okay?" tanong nya, umiling ako as an answer.

Napabuntong hininga sya bigla kaya napatingin ako, nakita kong may pasa sya sa left side ng bibig nya.

"ARAY!!!" sigaw nya nang pindutin ko yung pasa.

"Ay sorry, masakit ba?" tanong ko na may halong pang-aasar pa.

"Ay hindi, kaya nga ko nagreact, eh, baliw ka talaga" sagot nya, ba ako pa ang baliw, ah.

"San mo ba kasi yan nakuha?" tanong ko ulit at pipindutin ko sana ulit yun pero iniwas nya na yung mukha nya.

Bilis nya umilag, ah.

"Kay Grae, nasapak nya ako nung malaman nyang binalak kitang ligawan" sagot nya.

Okay, bakit ba kasi nagtanong pa ako, eh, matuto ka na lang kasing manahimik Lei!

"Bakit mo nga ba kasi ako dinala dito?" pagbabago ko na lang sa usapan.

"Gusto ko lang sabihin na, sana mapatawad mo kaming tatlo" pag-uumpisa nya, napatingin tuloy ako sa kanya.

"Kayong tatlo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Si Ian at Grae" mahina nyang sagot.

"Bakit?"

"Hindi mo ba talaga sya kayang tanggapin?" tanong nya bigla.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon