Fifth Dream

49 7 0
                                    

@LEI'S POV@

"Ah Miss ipapacheck ko lang yung bill ni Mrs. Lilia Gimo" sabi ko sa cachier.

I decided to check the bill, sabi kasi ng doctor kanina pwede na lumabas si mama bukas ng hapon.

Pagkaabot sakin ng nurse nung kopya ng bill nanlumo ako sa nakita ko, 10k agad? wala pa syang isang araw na nandito sa hospital, ah? Pano pa yung mga gamot nya, for sure mas mahal pa yun sa kape sa kitkat!

Tinapa naman oh, mamumulubi ako dito, eh!

Kinabukasan bumungad sakin ang mukha ng apat ko pang kaibigan.

"Morning girl" bati nila sakin.

"Ang aga nyo naman"

"Ganun talaga, kinulit kasi kami ni Xena, eh" sagot ni Shane.

"Nga pala, sabi ng doctor okay na si tita, pwede na daw tayo umuwi, may mga prescription lang na binigay, here" sabi ni Patty sakin.

"Thanks Patty, pakibantayan nyo naman na muna si mama, asikasuhin ko lang yung bills para makauwi na din tayo"

"Girl, samahan na kita" sabi ni Aicy na nasa tabi ko lang,

"Wag na Aicy, dito na lang kayo, ako na bahala" sabi ko saka lumabas.

Pagdating ko sa cashier, "Ms, Bill out for Mrs. Lilia Gimo"

"Ma'am okay na po yung bills nyo, may nagbayand na kanina saka pinabibigay nya din tong  mga gamot" sabi ng nurse saka inabot yung mga gamot sakin, tinanggap ko naman yun kahit na nagtataka ako.

"Miss ano daw name nung nagbayad?" tanong ko sa nurse pagkakuha ko sa inabot nyang gamot.

"Ah, hindi na po sya nagpakilala, pero kaibigan nyo daw po, eh, saka pogi po" sagot nya sakin, gumiti ako sa kanya at nagpasalamat saka na tumalikod.

Nakakaloka yung pag describe nung nurse na yun dun sa lalaki, ah, parang may halong pagnanasa.

Pero sa totoo lang, sino naman ang lalaking yun? Wala naman akong kaibigang lalaki?

"Ui girl" tawag ni Kara, pero parang wala ako sa sarili kaya tuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy Lei, tulala? Nag deday dream habang naglalakad?" tanong nya nang mahawakan nya ang braso ko.

"Ay hindi, ah,"

"Ano okay na? kulang ba yung pambayad mo kaya ka tulala?" biglang tanong nya sakin.

"Yun na nga, eh" sabi ko, naupo ako sa may waiting area at naupo naman sya sa tabi ko.

"Bakit nga? Wala ka pa bang pambayad?" diretsa nyang tanong sakin.

"Paid na yung hospital bills namin, tapos may mga gamot na din dito si mama"

"Okay so whats bothering you?" nagtatakang tanong nya.

"May nagbayad nung bill, at ng gamot para kay mama"

"Talaga? Sino?" tanong nya pero hindi ko alam kung sino, kaya kibit balikat nalang ang naisagot ko. Inaya ko na lang syang bumalik na sa room ni mama para makauwi na kami.

Habang tumatagal hindi ko pa rin maisip kung sino ang taong nagbayad ng bill namin, pero big thanks to him.





Weeks passed,




"Class you need to buy the new book na nasa may tindan ng mga supplies, yung nasa tabi ng cahier natin, we need it for next lesson. Kaya next meeting dapat lahat kayo meron na" bilin ng prof namin sa english.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon