Forty fifth Dream

31 1 0
                                    

@AKI'S POV@

Dahil sa sobrang rare ng blood type ni Lei, kinaylangan naming humanap ng ibang donor, kaya tinawagan na lang ni Rhon si Ms. A para humingi ng tulong, sakto namang kablood type ni Lei si Ms. A kaya nagdonate rin ito. Isa na lang ang hahanapin namin.

Dahil sa pangangaylangan ni Lei ng dugo, agad nyang naubos yung dinonate ni tito at nakasalin na yung dinonate ni Ms. A, dapat bago maubos yun makahanap na kami agad ng donor. Nagulat kami ng may lumapit samin at nag-offer na magdonate, type 'O' din daw kasi sya. Kahit hindi namin kilala, pumayag na rin kami, para kay Lei!

Gustuhin man naming hintaying gumising si Lei, pinasundo na kami ni Ms. A, may appointment pa kasi kaming dapat puntahan.

After the incident, pinapansin at nakakausap na ni tito si Lei. Well, alam naman naming hindi ganun kadali nyang mapapatawad si tito pero at least, may progress diba?

Nandito pala kami sa unit ko, mga wala daw kasing laman ang fridge nila Arkin, Rhon, Ian at Caleb kaya sila dito sakin sumugod.

"Teka, balita ko may tour ulit kayo? Saan naman this time?" Tanong ni Xena na nguya ng nguya ng favorite chips ko.

"Europe, wanna come?" Sagot ni Arkin na may halong pang-iinggit, mga galawan nito, if I know gusto nya lang makasama si Xena!

"No thanks, baka di pa ko maka graduate kapag sumama ako" mataray namang sagot ni Xena.

"Eh, gano naman kayo katagal doon?" Usisa naman ni Lei.

"Bakit Lei? Mamimiss mo ba agad ako? Wag ka mag-alala three to four months lang naman akong mawawala, eh" Pang-asar na tanong ni Rhon. Ngimiti si Lei, pero yung halatang fake, "Don't be so sad, pag balik ko naman mahal pa rin kita, eh" pahabol nya pang sabi in a joking way, pero halata ko namang may laman yun! Lokong Rhon to, ah!

"Hindi ikaw, yung kapatid ko! Ikaw Rhon kalalaki mong tao feeler ka! Mahalin mo sarili mo" Pambabara naman nito kay Rhon sabay irap pa.

"Hay naku, tama na yan baka may malamon pa ng buhay dito, ganito na lang, pagbalik namin mag-outing tayo!" Suggestion ni Caleb na gustong gusto naman ng lahat.

Nagset na kami ng mga lugar na pupuntahan at kung sino ang mga kasama.

"Eh, teka, siguro naman nandito kayo sa graduation namin" biglang sabi ni Xena. Nagkatinginan kaming lima.

Ang totoo kasi nyan, yung Europe tour namin ay umpisa na sa February next year at tatagal ng three to four months, kaya baka wala kami sa graduation nila.

"Ah, susubukan namin" sagot agad ni Ian with a confident smile pa, ogok na to!

"Anong susubukan? Kelan ba yang tour nyo?" Tanong naman ni Lei,

"After ng Valentine's concert namin" sagot naman ni Caleb.

Biglang nanahimik yung buong unit ko, tunog lang ng t.v and naririnig ko, nakakabingi nga, eh!

"Ah, Lei, sila Kara hinihintay na tayo, tara na!" Biglang aya ni Xena sa kaibigan. Nagpaalam na sila saka umalis, medyo awkward pa nga bago sila makalabas ng pinto, eh.

"Hindi halatang galit sila noh?" Biglang sabi naman ni Arkin.

"Hay naku! Sana naman mabilis na matapos yung araw para maka-attend tayo sa graduation nila" sabi bigla ni Ian. "Kasi patay ako kay ate!"






@LEA'S POV@

Mabilis na lumipas ang araw at hindi namin namamalayang may mga umalis at bumalik na pala. Tatlong buwan ko na pala silang hindi nakikita, nakakamiss si kuya, wala akong kalaro sa sungka, busy kasi sila ate Lei at ate Xena, eh.

Si papa naman, pinipilit pa rin si ate na lumipat na sa bahay nya, para daw mas komportabke sya. Gusto naman din yun ni mama at syempre gusto ko rin, pero ayaw naman naming iwan si ate sa bahay, may pagkamalas pa naman si ate at madalas napapahamak pag mag-isa lang sya.

"Lea, magbihis na padating na ang papa mo" sigaw ni mama mula sa labas ng pinto.

"Opo ito na" sagot ko naman, ngayon nga pala ang graduation nila ate Lei at ate Xena.

"Nasan na po si ate?" Tanong ko ng makalabas ako sa kwarto.

"Lei, naku naman anak, tama na yan, baka magmukha kang clown sa graduation mo!" Tawag ni mama sa kanya.

"Hindi po ko nagmemake up ma, may inayos lang, eh" sagot nya nang makababa mula sa hagdan.

"Wow, ang ganda mo naman po ate" puri ko nang makababa sya.

Naka Navy blue na off shoulder na fitted dress kasi sya na tinernohan nya ng black stilettos at light na make up.

"Naku naman, nambola pa tong batang to!" Sagot nya sabay pisil ng mahina sa pisngi ko.

"Ate hindi po kita binobola, nagsasabi lang ng totoo" sagot ko naman saka na sya inalalayang maglakad palabas sa bahay, nasa labas na pala si papa at hinihintay kami.

Habang tumatanggap si ate ng diploma, si mama at papa kala mo mawawalan ng anak kung makaiyak!

"Ma, pa, gagraduate lang po si ate, hindi pa po sya mag-aasawa" saway ko sa mga magulang namin, pinalo naman ako ni mama ng mahina sa braso ko.

Nang malapit nang matapos ang ceremony nagtext si kuya Ian at sinabing wag daw dumiretso sa restaurant na pinareserve ni papa kasi pinacancel nya na ito, instead dumiretso daw sa bahay nila papa, at sya na ang bahala. Agad ko namang sinabi yun kay papa.

"Congratulations satin girls!" Masayang bati nila ate Lei, ate Xena, ate Aicy, ate Kara, ate Shane at ate Patty sa isa't isa.

Inimbita ni papa ang mga kaibigan nila ate Lei at ate Xena na mag celebrate kasama kami, pero meron din daw silang celebration sa bahay nila kaya ang ending, si ate Xena lang ang kasama namin.

Nang makapag park na si papa sa garahe bumaba na kami, agad kaming pinagbuksan at sinalubong ng tatlong kasambay ni papa. Nang makapasok kami sa may tapat ng dinning area, may malaking tarpaulin na may naka sulat na Congratulations Leila 'Lei' Gimo and Xenalyn 'Xena' delos Santos na may picture ni ate Lei at ate Xena sa magkabilang gilid nito at nakadikit sa tapat ng mahabang dinning table na napupuno ng maraming pagkain.

"Wow! Ang ganda ko rito best ah!" Masayang tili ni ate Xena at tumakbo papunta sa may tarpaulin at ginaya yung pose nya doon na naka pamewang at naka fierce.

"Naku naman tito, san nyo ba nakuha yung picture ko nakakahiya naman" sabi nya pa nang makabalik sa tabi namin nila papa.

"Teka, magvi-video call daw sila Ian, tara sa sala muna tayo" sabi ni papa saka na sinet up yung phone nya at nilapag sa may center table.

"Hi mama, hi dad, hi baby Lea, hi ate Lei, hi Xena, congratulations sa inyo!" Bungad ni kuya Ian sa kabilang linya.

"Congratulations sa inyo Lei at Xena!" Sabay sabay ding bati nung apat.

"Salamat, sayang lang wala kayo rito" sagot naman ni ate Lei.

"Kala namin nandito kayo, sayang ang daming foods di namin kayo titirahan!" Pang-iinggit ni ate Xena sa kanila.

"Sige, sige, sorry na Xena, bawi na lang kami pag-uwi namin" sabi naman ni kuya Rhon.

"Sige, ah, kailangan na namin magpaalam, tinatawag na kami, eh" paalam ni kuya Caleb kaya tumango at kumaway na kami sa kanila hanggang sa mawala na sila sa screen.

Sayang naman, kala ko nandito sila kaya sya nagtext sakin kanina, umasa na naman tuloy ako!

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon