Forty fourth Dream

21 1 0
                                    

@XENA'S POV@

Dito na raw titira ang papa nila, nagpatayo kasi ito ng branch ng business nila dito sa bansa kaya yung branch nila na nasa ibang bansa ay pinahawak nya sa matalik nya daw na kaibigan at business partner naman din nila.

Okay na nga pala sila ni tita at Lea yung best friend ko lang ang pabato effect. Hay naku, ewan ko ba sa babaeng bato na to, nakaalis at nakabalik na ang the Prince mula sa world tour na ginawa nila, sya hindi pa rin makuhang patawarin ang tatay nya.

Nandito nga pala kami ngayon sa bahay nila Patty dahil sa isang research na pinagawa samin ng isa naming prof.

"Shit, konting push na lang bakasyon na naman na, tapos seniors na tayo! Gosh nakakaexcite!" Biglang sabi ni Shane na syang secretary namin.

"Oo nga, eh, sama sama tayo mag-OJT huh" sabi ko naman na sinang-ayunan nila.

Habang gumagawa kami hindi nawala ang kulitan at kwentuhan kaya hindi ganun katense ang aura namin habang nag-aaral

Nang matapos kami nauna nang umuwi si Lei dahil may dadaanan daw sya. Kami naman ay nagstay pa ng halos apat na oras dito kila Patty.

"Naku girls, ginabi na kayo, magsi-uwi na nga kayo, ang tatakaw nyo, uubusin nyo yung stock kong pagkain dito sa room ko, eh!" Reklamo ni Patty habang pinagtatabuyan kami.

"Okay lang yan, sunday naman bukas, walang pasok" sabi naman ni Kara.

Dahil nga gabi na, napagdesisyonan na rin naming umuwi. Hinatid kami ni Patty sa may gate nila nang biglang magring ang iskandalosa kong phone.

"Hello, Ian?" Bungad ko sa caller.

"San si ate? Ang huli nyang sinabi magkasama kayo?"

"Oo, pero kanina pa sya umalis, may dadaanan daw, wala pa ba?"

"Wala pa daw sabi ni Lea, eh"

"Huh? Eh, halos apat na oras na mula nang umalis sya dito, eh!"

"San kaya sya nagsuot this time?"

"Alam mo, hanapin ko na lang, susubukan ko ring tawagan"

"Nakapatay ang phone nya, sige maghahanap na rin kami, magbalitaan na lang tayo huh, inggat, babye!"

After that pinatay ko na ang phone ko, yung apat naman nakatingin sakin.

"Hindi nila makita si Lei" saad ko.

"Huh? Eh, kanina pa sya umuwi, ah? San naman kaya sya nagsuot?" Alalang tanong din ni Aicy.

"Alam nyo, tara pasama tayo sa driver namin, hanapin natin sya" suhestyon naman ni Patty na syang ginawa namin.

Halos isang oras din kaming paikot ikot sa lugar na pwedeng puntahan nya at pudpud na ang mga daliri namin kakacontact sa kanya, pero wala pa rin kaming napapala. Hanggang sa bigla na lang kaming kinabahan ng sabay sabay, weird kasi sabay sabay din kaming nagsabi na kinakabahan kami.

"Gosh, wala sanang masamang nangyare sa kaibigan natin" sambit naman ni Kara.

Hanggang sa bigla na naman magring ang phone ko na muntik ko nang maibato sa sobrang gulat ko.

"Nandito kami sa Marcos General Hospital, pumunta ka na" rinig kong sabi ni Ian sa kabilang linya, magtatanong pa sana ko pero pinutol nya na pala yung tawag.

"Punta daw tayong Marcos General Hospital" sabi ko kaya agad na inutusan ni Patty ang driver nila na dalhin kami doon.

"Bakit nasa hospital sila?" Aicy,

"Sinong naospital?" Shane,

"Nasan daw si Lei?" Kara,

"Kasama ba nila?" Patty, sunod sunod nilang tanong sakin na hindi ko naman din alam ang sagot.

"Hindi ko alam, hindi ko alam, hindi ko alam at hindi ko rin alam, ano may tanong pa?" Pagtataray ko sa apat na nakakaloka kung mang-interrogate.

Nang makarating naman kami sa Hospital nakita namin agad sa E.R ang buong the Prince, sila tito, tita at Lea.

"Tita, si Lei po? Nasan?" Tanong agad ni Shane.

"Nasa loob pa" maiksing sagot nito, kalmado lang ang itsura ni tita, pero ramdam ko ang kaba at pag-aalala nya.

"Bakit? Anong nangyare? Bakit sya nasa E.R? Kelan pa sya naging Doctor?" Sunod sunod na tanong naman ni Patty.

"Ate Patty, hindi po doctor si ate!" Sagot naman sa kanya ni Lea.

"Ano lang? Nurse?" Sabat naman ni Aicy.

"Pasyente" simpleng sagot ni Tito, atahimik tuloy kaming lima bigla.

Napasandal na lang kami sa may pader at hinintay na lang din na lumabas ang mga tao sa loob ng E.R. Ano ba kasing nangyare? Kanina lang okay sya, kanina lang kasama pa namin sya, bakit ngayon nandito sya? Ano ba talagang nangyare?!

Hinatak ko si Rhon at pinilit sabihin sakin kung anong nangyare, sumunod naman samin yung apat.

"Naaksidente yung jeep na sinasakyan nya, nasa dulong part sya ng jeep kaya sya yung pinakanaapektuhan, yung nabasag na mga salamin sa SUV na kasunuran ng jeep na sinasakyan nila ay tumama sa bewang nya" kwento nito, napahawak na lang kami sa mga bibig namin dahil sa narinig.

Lahat kami napatingin nang biglang bumukas ang pinto ng E.R at lumabas ang isang doctor at isang nurse.

"Ms. Leila's family?" Tanong nya kila tita na tinanguan nila.

"Sino po sa inyo ang ka match na dugo ng pasyente? She's type 'O'?" Tanong nya agad.

"Teka po doc, bawal bang bumili na lang?" Tanong naman ni Caleb.

"Sorry sir but, the patient's blood type is very rare, kahit kami walang stock, tumawag kami sa mga kalapit na hospital at maging sa red cross at Philippines blood bank pero wala na ring stock" paliwanag nito.

"Type 'O' po ako doc, kung kailangan kunin lahat ng dugo ko para isalin sa anak ko gawin nyo" sabi bigla ni tito at tinaas pa ang braso na parang gusto na agad mag donate, kaloka si tito, hindi sya ganun ka excited!

"Pero sir, we need three bags, and one person can only donate one bag" sabi ng doctor.

"Teka lang, hindi ko kasi alam ang blood type ko, magpapatest na lang ako pwede?" Tanong ni Kara, tumango naman sya hanggang sa lahat na kami ay nagpatest na.

"Yung magdodonate po, sunod na lang po kayo sa nurse" sabi nya saka na inassist si tito nung nurse na kasama nung doctor, kami naman ay pinasunod nya sa kanya.

After how many minutes lumabas na yung doctor at nakasimangot itong humarap samin.

"I'm sorry, pero walang nag-match"

"Kahit isa wala?" Hopeless na tanong naman ni Ian.

"Eh, pano po yun? Kung isa lang ang maibibigay ni dad, anong mangyayare sa kapatid ko?" Tanong ulit ni Ian sa doctor.

"We really need to look for a donor dahil sobrang daming dugo ang nawala sa pasyente" sagot ng doctor saka na nagpaalam na ichecheck muna si Lei.

"Magtutweet ako, for sure maraming fans ang tutulong at magdodonate kung ako ang hihingi" sabi ni Rhon at aktong ilalabas na nya ang phone nya, pero pinigilan sya ni Caleb.

"Baka mas lumala ang sitwasyon, baka imbis na makatulong sila makalala pa!" Paliwanag nito.

Alam kong lahat kami nag-aalala sa lagay ni Lei, pero si Rhon, hindi ko maintindihan, para syang si tita alalang alala, mukha ngang mas nag-aalala pa sya kesa kila tita, eh, medyo mas kalmado pa nga si tita sa kanya.

"Man relax, baka ikaw naman ang sumunod na mangaylangan ng dugo nyan" puna ni Ian sa kanya na sinamaan nya lang ng tingin.

Dream LandWhere stories live. Discover now