Fifthteenth Dream

25 6 0
                                    

@XENA'S POV@

Okay, medyo hindi ako makapaniwala na kasama namin ni Lei ang mga nag gagwapuhang lalaki na to sa iisang bahay ngayon.

Well actually, kahapon pa.

Maaga akong nagising, pano hindi sanay yung katawan ko matulog sa may aircon.

Nililibot ko ang paningin ko dito sa guest room ng bahay ni Arkin, super laki nya talaga. Grabe ang aliwalas pa, magkano kaya kuryenteng binabayaran nya buwan buwan? Malaking bahay, pero wala akong katulong na nakita. Sya kaya ang naglilinis? Imposible naman, ang laki nito, kahit magsama kami ni Lei, di namin to matatapos, sya pa kaya?

Nakatingin ako sa bintana nang biglang may kumatok sa pinto.

"Good morning" bati ng may-ari ng bahay nang bumukas ang pinto. SHIT, Bakit ang gwapo ni Arkin? Ang aga aga nagnanasa ako! Ano ba yan!

"Good morning din, tulog pa sya, eh" bati ko rin sa kanya sabay turo kay Lei na tulog pa.

"Ah, okay lang maaga pa naman, nga pala, pinadala ni Caleb to sa kapatid nya, pamalit nyo" sabi nya saka niya inabot sakin yung paper bag na hawak nya.

"Thank you Arkin" sabi ko.

Paglabas nya, nagtatalon ako sa tuwa saka kinuha yung damit na nasa loob ng paper bag

Hindi na talaga ako mag da-doubt sa taste nitong si Lei. She's really right na bukod sa mga pogi at talented ang mga lalaking ito, mabait pa sila.

"Best, best gising ka na" paggising ko sa katabi ko habang inuuga sya. Tulog kalabaw tong babaeng to, nakakainis ang hirap gisingin.

"Xena ang aga-aga! Problema mo!" Reklamo nya nang imulat ang isang mata, yung isa nyang mata, nakapikit pa! Tamo to!

"Breakfast na daw" sabi ko, aba at gutom ata yung bruha, bumangon agad at dumiretso sa C.R para maghilamos.

Inabot ko sa kanya yung pinabibigay ni Arkin na damit, aba at dumiretso ligo na agad si Ateng. Dapat pala naligo muna ko bago ko sya ginising, nasa huli talaga ang pagsisisi! Nakakainis, ang tagal pa man din nya kumilos!

"Hoy Lei, maligo ka ng mabilis, maliligo rin ako!" Sigaw ko sa may pinto na sinabayan ko pa ng katok para mawindang sya.

"Oo na! Wag ka na mainggay dyan!" Sigaw nya rin pabalik.

Habang nag-aantay, naalala ko bigla yung mga pinagkukwentuhan namin kagabi. Grabe, hindi ako makwento sa mga lalaki, pero napakwento ako sa kanila. Ganun na din ba kalakas ang impact nila sakin?

Since Tuesday ngayon, may pasok pa kami sa shop, pero mukhang late na kami. Binilisan ko na nga lang ang pagligo, eh, hiyang hiya kasi ako kay Lei na nauna pang maligo dun sa na-unang gumising, eh!

Pagbaba namin sa sala nandun na yung lima. Nakakahiya, naghintay yata sila, hindi pa kasi sila kumakain, eh, nakaupo lang sila.

"Oh there you go, let's eat, breakfast is ready" sabi ni Aki.

Habang kumakain, nagdadaldalan pa kaming pito, pero hindi na kagaya nung dinner namin kagabi na may ilangan pa. Parang close na nga kaming dalawa ni Lei sa mga to, eh. Tipong matagal na ang pinagsamahan naming pito, kahit na kagabi lang kami nagkasama sama ng matagal.

Ang saya pala ng ganitong feeling?

"Tama na yang kakatawa sa joke ni Aki, may pasok pa kayo diba" saway naman ni Rhon. Kung kaninang kumakain kami tawa kami ng tawa sa jokes at hugot ni Aki, Ngayon nagmamadali kaming kumain, malelate na kasi kami!

After namin kumain, hinatid nila kami sa kitkat.

Habang naka duty kami, itong kasama ko umandar na naman ang pag ngiti-ngiti na parang sira. Problema na naman nito?

"Best, ano sinasapian ka na naman dyan?" tanong ko sa kanya.

"Grabe ka sakin, nga pala, si Grae ba tinext ka na?" tanong nya.

Ngayon ko lang ulit naalala yung isang yun, parang hindi pa nagpaparamdam samin yun, ah! Himala!

"Oo nga pala, hindi pa rin sya nagpaparamdam, kahit kahapon, di sya pumunta dito diba?" sagot ko.

"Tawagan mo kaya?" utos nya sakin.

"Best, naka duty tayo, saka isa pa, wala akong load." sagot ko naman. Kung may load ako, edi sana kagabi natawagan ko na.

















"Oh, hi Xena, hi Lei, san si Grae?" tanong nung apat nang magkita kita kami sa lobby ng campus. Ngayon kasi ang kuhaan ng grade slip namin.

"Hindi pa nga namin nakikita, eh, nung Monday pa, kayo ba hindi rin kinontact?" sagot naman ni Lei.

Friday na kasi, kaso hindi pa namin sya nakikita, nagpapamiss ba sya? Kanino naman? Sakin ba? chos, echosera ka Xena, feelingera lang?

"Wala bang balak kumuha ng grade slip yun?" tanong ni Kara.

"Tinetext nga namin, hindi naman nagrereply" sagot ko sa kanya.

Dahil wala pa nga si Grae, nauna na kaming kumuha ng grade slip.

"Hay buti pasado tayong lahat, alam kong keri na ang tres, pero ayoko naman nun, panira ng record yun" sabi ni Shane na sinag-ayunan namin.

"Kaya nga, lalo na samin ni Lei na deans lister" dagdag ko pa, aba kahit medyo baliw ako, may utak naman ako na mas mataba pa sa hita ni Lei nuh.

Nagpaalam muna kami dun sa apat, nag-aya si Lei na dumaan muna sa may locker namin bago umuwi, susunod na lang daw sila may dadaanan lang sandali.

"ARAY!" Sigaw ko, nauntog kasi ako sa ulo ni Lei, ano na namang problema ng babaeng to? Bigla biglang humuhinto sa paglalakad?

"Hoy best, wag ka maingay" saway nya habang yung pointing finger nya ay nakatapat pa sa bibig nya saka sumilip ulit, ginaya ko naman sya.

"Ui si Grae yun, ah" pabulong kong sabi.

"I know" pabulong din nyang sagot.

Nung umalis na si Grae, agad tumakbo si Lei papunta sa locker.

"Hoy best, ano ba ginagawa nya dito sa locker room ng mga babae? saka hindi nya ba kukunin yung grade slip nya?" nagtataka kong tanong.

Pero, itong kausap ko parang walang naririnig.

"Sya ba talaga?" rinig kong tanong ni Lei.

"Hoy best, sino kausap mo?" tanong ko nang mapansin kong may hawak syang envelope.

"Ano na naman yan?" tanong ko saka ko kinuha yung hawak nya.

"I'm glad your happy, sana magtuloy tuloy ang pagkakaibigan nyo ng the Prince, use that money para sa down payment mo sa enrollment, I know nanganailangan ka-L" basa ko ng malakas.

Pagbuklat ko pa sa envelope may lamang 5k.

"Wait lang, don't tell me si....."

Nagulat ako ng biglang tumakbo si Lei palabas at ewan ko kung san pupunta.

Sinubukan ko syang habulin, kaso hindi ko alam kong san sya pumunta kaya bumalik ako sa locker room at nadatnan ko yung apat.

"Xena, nasan si Lei?" tanong ni Aicy.

"Hindi ko nga alam, eh, bigla akong tinakbuhan" sagot ko naman sa kanila.

"Ano naman yang hawak mo?" tanong ni Shane.

"Galing ulit kay Mr. L" sagot ko.

"Baka nakita ni Lei kung sino si Mr. L?" sabi ni Patty.

"Yun din hinala ko" sagot ko naman.

Dahil hindi ko mahanap si Lei, nauna na kong umuwi, habang naglalakad ako nagtext naman sakin si Arkin.

"Ui Xena, sa Sunday labas ulit tayo nila Lei" sabi nya.

"Oo ba sige, basta libre nyo, ah" sagot ko naman.

Grabe naman tong linggong to, daming nangyare.

Pero ang tanong, sya nga ba talaga yun?

Ibig sabihin mahal nya si Lei?

Ano kayang nangyare sa paghabol ni Lei sa kanya?

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon