Twenty seventh Dream

23 4 0
                                    

@GRAE'S POV@

Hindi ko alam kung pano ko uumpisahan kay Xena ang pagpapaliwanag. Bungangera pa naman ang isang to, paniguradong tatalakan nya talaga ko ng todo!

"Bakit ba kailangan dito pa tayo mag-usap?" Walang gana nyang tanong, bungangera na mainipin pa, sya na talaga.

"Xena, alam mo kasi hindi ko to ginagawa kay Lei dahil lang kaibigan ko sya, ginagawa ko to kas-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sya na mismo ang magtuloy nito.

"Kasi mahal mo rin sya" sabi nya.

Manghuhula na rin pala ang isang to ngayon?

Nanlaki ang mata ko, hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na mahal ko si Lei, eh, pero wait, anong rin?

"Teka, anong rin? anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Mahal din ni Rhon si Lei, hindi mo ba yun alam?" tanong nya, base on her expression, hindi sya nagbibiro at talagang sigurado at seryoso sya sa sinasabi nya.


@XENA'S POV@

"Mahal din ni Rhon si Lei, hindi mo ba yun alam?" tanong ko sa kanya.

Pero nanlaki lang ang mata nya habang nakatingin sakin saka tumayo at nagmamadaling umalis.

"Baliw na yun, dinala dala ako dito tapos hindi ako-" natigil ako sa pagsasalita nang magsink in sakin na hindi nya nga siguro alam na gusto rin ng kapatid nya si Lei. Kaya napahawak na lang ako sa bibig kong super daldal.

"Gaga ka Xena, pag-aawayin mo ba yung magkapatid?" tanong ko sa sarili ko habang sinasampal sampal pa yung bibig ko.

Tinawagan ko agad si Arkin na nasa bahay pa nila Lei hanggang ngayon.

After a minute dumating na din sya.

"Bakit mo ba ko pinagmamadali?" tanong nya.

"Si Grae, baka mag-away sila ni Rhon, eh" sagot ko naman na nag-aalala.

"Bakit naman sila mag-aaway?"

"Eh kasi ang daldal ko, nasabi ko kay Grae na mahal din ni Rhon si Lei" sagot ko.

"Hay naku Xena, bibig mo talaga kahit kelan" sabi nya sakin.

"Sorry na, hindi yun sadya noh, aksidente lang" reklamo ko naman sabay simangot.

"Pero siguro dapat nang mag-usap ang dalawang yun" sabi nya bigla, ano kayang pinagsasabi nitong gwapong nilalang na to?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Nahulog si Rhon kay Lei kasi pinabayaan ni Grae" sabi nya, wow hanep sa rhyme, ah, in fairness.

"Alam mo, umaandar na naman yang topic na yan tungkol kay Grae, ano na naman ba ang ginawa ni Grae?" curious at medyo inis kong tanong.

Bakit ba kasi parang ang daming tinatago nitong si Grae?!

"Alam namin simula pa lang na mahal na ni Grae si Lei, pero dahil dakilang torpe tong si Grae dinaan pa sa pasecret secret admirer, ayan tuloy, tapos pinabayaan nyang maging close sila ni Rhon, eh, si Rhon hindi naman yun mahilig makihalubilo sa babae, liban na lang kung gusto nya talaga yung girl" paliwanag nya.

"You mean seryoso na talaga si Rhon sa best friend ko?" nagulat kong tanong, malay ko ba kung gusto nya lang si Lei dahil nasasabayan nya yung mga trip nila? Or gusto nya lang si Lei not in a Romantic way? Pwede kaya yun!

"Knowing Rhon, oo ang maisasagot ko sayo, pero, malay ko ba kung talagang mas pinili na lang nya maging magkaibigan na lang silang dalawa?" sagot nya sakin na parang ayaw maniwala sa sarili nyang sagot, bakit medyo magulo rin kausap tong si Arkin lately?




@RHON'S POV@

I am trying my best to look for Lei, pero I really can't find her.
Totoo nga yung kasabihan na, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.

Umupo ako sa sofa para sana humiga ng may mag doorbell. Hay naku, hindi pa ko nakakapagpahinga, ah.

Tumayo ako para buksan yung pinto ng biglang sapakin ako ng pagkalakas lakas ng taong bumungad sakin.

"What the..... ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko kay Grae na mukhang galit na galit dahil nanlilisik ang mga mata, kahit na nakatayo na ko, para tuloy akong nakaramdam ng takot.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan, anong problema mo at pati yung babaeng mahal ko mahal mo rin?" sigaw nya ulit, napatahimik ako sa sinabi nya, don't tell me?

"Grae" mahina kong banggit sa pangalan nya, lalapitan ko pa sana sya kaso umatras sya.

"Oh ano, naurong na ang dila mo? Susulot ka na lang ng babae, yung babaeng mahal ko pa talaga?" sigaw nya ulit sakin, sino bang makating dila ang naunang magsabi sa kanya kasi? Pero hindi ko sinulot si Lei!

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkagusto sa kanya, alam mong gusto ko rin ang mga babaeng kagaya ni Lei, pero anong ginawa mo, pinatagal mo pa yang pagsisikreto mo, ginusto mo pa syang mapalapit sakin, dinamay mo pa sila Caleb, kasalanan ko bang gustuhin ko si Lei? Ano bang mali sa magmahal?" sigaw ko rin sa kanya. Ayoko man, pero pinipilit nya ko, sabihan ba naman kasi akong sinulot ko ang babaeng gusto nya! Kung alam nya lang!

"Kasalanan yun, kasalanang mahalin mo ang taong mahal din ng kapatid mo!" sigaw nya.

Kapag sinalubong ko ang galit nya at kapag hindi ko kinalma ang sarili ko ngayon, baka lumala pa ang argument na to and I don't want that to happened.

"Ayoko na ng usapang to Grae, para sabihin ko sayo, tinanggihan nya ko, kaya hindi na dapat natin sya pag-awayan" mahinahon kong sabi.

Kagaya ng nangyare samin ni Lei na mas nanaig ang kagustuhan kong makasama sya ng matagal, mas gusto ko ring makasama ng matagal ang kapatid ko.

Sa sinabi kong yun, medyo natahimik sya at mukhang nagtataka pa sa sinabi ko "Alam nya na gusto mo sya, at tinanggihan ka nya?" nagtataka talaga nyang tanong, tumango naman ako as an answer.

"Bakit daw?"

"Because friend is ticker than love" sagot ko.

Napatingin sya sakin ng seryoso, para bang binabasa nya yung laman ng puso't isip ko as if he could.

"I will be fine" sabi ko at ngumiti sa kanya, alam ko kasing nag-aalala sya.

"Rhon sorry, but if you really love her, I'm willing to give way" sabi nya.

Napangiti ako sa sinabi nya, ever since naging kapatid ko sya, pakiramdam ko safe ako at nagkaron ako ng kuya, kahit na mas matanda ako sa kanya.

"No bro, mahal ko sya, pero hindi naman ako ganun katanga para tanungin ulit yung tanong na alam ko naman na ang sagot" sabi ko.

He sat on the sofa and stares at me blankly.

"Salamat sa concern bro, pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, I will be fine" sabi ko at pumunta sa kusina para kumuha ng ice bag for my face and for his hands.

Pagbalik ko tahimik lang syang nakatingin sa kamao nyang pinansuntok sakin.

"Oh lagay mo dyan" utos ko.

"Sorry dyan bro, ah" sabi nya while pointing on my face.

"Okay lang" I answered.

"Masakit ba?" bigla nyang tanong,

"Oo, ang lakas mo pala sumapak?" sagot ko in a sarcastic tone.

"I mean, yung mabusted nya" sabi nya napangiti ako at saka tumingin sa kanya.

"Yung malaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo masakit, pero ang malamang, mahal ka ng taong mahal mo pero hindi mo inamin sa kanya ang totoo mong nararamdaman, yun ang mas masakit" sagot ko sa tanong nya.

"Tingin mo magugustuhan nya ko?" seryoso nyang tanong habang nakatingin pa rin sa kamao nya.

"Hindi ako sya, pero all I can say is, much better nang mawala sya sayo ng may ginawa ka, kesa mawala sya sayo ng wala kang ginagawa" sagot ko ulit.

"Hoy Rhon Allen, kanina ka pa humuhugot, ah!" bigla nyang sabi kaya natawa na rin ako sa sarili ko, maganda naman at may sense yung mga sinabi ko ah.

Dream LandWhere stories live. Discover now