First Dream

115 10 0
                                    

@LEI'S POV@

"Anak naman ng tinapay Lei, kung yang pag de-day dream mo, eh, mapag-aaral tayo aba susuportahan kita, pero hindi ka naman nyan mapapakain, kaya pwede, trabaho muna tayo?" sermon ni Xena na panira ng moment.

Nandun na sana ko sa part na mahahawakan ko na ang kamay ni Rhon my baby, eh, kaso wala na, mamaya ko na nga lang ulit itutuloy.

"'To naman, nagpapahinga lang ako, day dream agad? saka halos wala naman tayong customer" palusot ko.

"Sus, palusot mo bulok" sabi nya habang nagpupunas sa counter.

Ayun working ladies kami ngayong bakasyon dito sa 'kitkat coffee shop'. Sa totoo lang kakagraduate lang namin ng high school, pero dahil kailangan ng pang-aral, ito, summer job kami ni Xena. Well big thanks to her, dahil kung hindi nya ko sinama sa raket nya na to, malamang next year pa ko makakapag-aral.

Ako nga pala si Leila Gimo, Lei for short. 16 years old, ito namang kasama ko dito si Xena, best friend ko since grade school. Parehas may pangangaylangan kaya ito, tiis tiis para makaipon ng pang-aral.

Si Xena mag-isa na lang sa buhay, nung 12 years old kasi sya, ang mga magulang nya ay naging biktima sa isang car accident. May kaya sila nung buhay pa parents nya, pero dahil bata pa sya noon, mabilis yung naubos dahil na din sa pangangaylangan nya. Kaya wala syang na save for college.

Ako naman, si mama at ang nag-iisang kapatid ko na lang ang kasama ko sa buhay.

7 years old ako habang 2 years old palang si Lea nang iwan kami ng papa ko para sa kabit nya. Simula nun ako na ang naging tatay para kay Lea at kay mama. Naging kasambahay si mama sa isang exclusive village mula noon, para lang matustusan nya ang pang araw-araw naming pangangaylangan ni Lea. Pag may trabaho sya pinatitingin tingin nya lang kami ni Lea sa mga kapit bahay dahil wala naman na kaming ibang kamag-anak. Tuwing linggo lang sya kung umuwi samin, kaya Sunday is family day.

"Bakla, baka naman pwede na tayo mag sara, wala naman na tayong customer, eh" reklamo ko kay Xena na nakatunganga na lang dun sa may counter. Habang ako nandito nakaupo sa table na nasa tapat ng counter.

"Hindi pwede!" sagot nya sakin. "Alam ko na kung bakit walang customer!"

"Oh, bakit?" walang ganang sagot nya sakin.

"Kasi nga summer, hindi ba obvious? sino namang matinong tao ang magkakape ng ganto kainit?" sagot ko, pero napangiti si Xena

"Sya" sabi nya sabay turo gamit ang nguso nya sa may pito.

Napatingin ako sa pagpasok nya hanggang sa pag-order, okay pogi nga, may sakit nga lang ata sa pag-iisip, coffee for summer?

Pagka-abot ni Xena sa order nya umupo sya sa gilid ng bintana.

"Ang hot nya bakla, kasing hot nya yung pangalan nya" kinikilig na bulong ni Xena.

Hay sus naman ganto na lang ata lagi ang eksena pag may pogi kaming customer, eh.

"Oh sige, bakit ano bang pangalan?" walang gana kong tanong.

"Grae" sagot nya, ano kayang hot sa pangalang Grae? San banda yung hot sa pangalan nya? Nakakaloka talaga tong kaibigan kong to!














Today is Sunday, at Sunday is family day, kaya excited akong bumangon,

"Good morning mama, morning Lea!" bungad ko sa dalawang taong pinakamahalaga sa buhay ko.

"Good morning anak" sagot ni mama.

"Morning ate, pero magbihis ka na po at mahuhuli na tayo sa misa" utos sakin ng ate ko.

"Oo na po ate" sagot ko at dali daling naligo at nagbihis.

After ng mass nagluch kaming tatlo sa bahay.

"Anak, san ka papasok sa college?" tanong ni mama.

"Sa Star Light University po ma" sagot ko.

"Oh, private dun diba?" tanong ni mama.

"Ah, nakapasok po kami ni Xena dun sa full scholarship program na inaplyan namin sa school, kaya kayang kaya na po yung tuition namin, bawat start lang po ng sem may 4k lang po kaming babayaran saka yung mga libro" paliwanag ko.

"Talaga, mabuti naman kung ganun" sagot ni mama.

Pagkatapos namin kumain, kinausap ako ni mama about something.

"Anak, padala yan ng papa mo, para sa pagcocollege mo" sabi nya sabay abot ng isang white envelope.

"Tinanggap mo po?"

"Anak, inisip ko lang kasi yung kapakanan mo, gusto ko makatapos ka ng pag-aaral mo ng hindi ka na nagtatrabaho" sagot nya sakin.

"Pero ma, kaya ko naman po, eh, kakayanin kong pagsabayin yung pag-aaral at pag-tatrabaho ko" sagot ko.

"Anak naman, pinayagan kitang mag summer job pero habang summer lang yan, titigil ka na pag pasukan na" sermon nya sakin.

"Ma please, total tinanggap nyo na yang perang yan, payagan nyo na rin ako dito" paki-usap ko.

Dahil mahal ako ng mama ko pumayag din naman sya sa pakiusap ko.

"Pero last na tong perang to, hindi na kayo ulit tatanggap ng kahit anong galing sa kanya" bilin ko kay mama bago ako umakyat sa kwarto ko, tumango naman sya.

Nanunuod ako ng t.v ng mabasa ko na may mall show ang 'the Prince' of my life na malapit sa pinagtatrabahuhan ko.

Agad agad kong tinext si Xena at tinanong kung pwede kaming maghalf day sa Wednesday, at dahil mahal na mahal ako ng kaibigan ko, nagpaalam naman sya sa boss namin at pumayag naman ito.

"Hay my gosh, sa wakas Rhon my baby, makikita na rin kita sa personal" sabi ko habang nakatingin sa wall paper ng cellphone ko.













"Oh my gulay bakla, ito na yun! Makikita ko na sila finally" Masaya kong sabi kay Xena habang nakakapit sa braso nya.

Nandito na kami sa mall, naka set up na yung stage, sila na lang ang hinihintay. Grabe, ang sarap ng feeling, 2 years na nila akong fan pero ngayon ko lang sila makikita sa personal, pano ang lalayo ng mga gigs nila.

"Bakla, nandito tayo sa 2nd floor malalapitan mo kaya sila?" tanong ni Xena,

oo nga noh?

"Bakla okay lang yan at least makikita ko na sila sa personal" Masaya ko paring sabi.

Nung dumating sila halos tumalon ako sa kinalalagyan ko para lang mapansin nila ko, pero dahil nga nasa taas ako, hindi talaga nila ako mapapansin kaya todo ko na lang ang pagsigaw ko.

Habang tuwang tuwa ako sa panunuod sa mga idols ko, bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko.

"Alam mo tara na, labas na tayo" pag-aaya ni Xena sakin.

"Bakla, minsan lang to, patapusin naman na natin" pakiusap ko kay Xena na pumayag naman sin kalaunan.

Nang dahil sa pumayag si Xena na patapusin namin nakita ko pa silang umalis, at for me ito na talaga ang best day of my life EVER!

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon