Thirty sixth Dream

21 1 0
                                    

@XENA'S POV@

Halos isang oras nang nasa O.R si Ian, hindi na halos kami mapakali, si Tita, Lea, Caleb at Aki ay nasa may chapel ng hospital, samantalang kaming lima nandito pa rin sa tapat ng O.R at hinihintay ang paglabas ng doctor.

"Sinong kapamilya ni Mr. Dale?" tanong agad nung doctor ng makalabas sya.

Nagkatinginan kaming apat nila Arkin, Grae at Rhon, mukhang pareparehas kaming naghihintay sa isasagot ni Lei.

"K-kapatid ko po sya" sagot ni Lei na nauutal pa nang banggitin ang salitang kapatid.

"His now out of danger, pero sumama ka muna sa opisina ko, may sasabihin lang ako" sabi nung doctor habang nakatingin kay Lei.

Paglagpas nung doctor samin, sumunod naman agad sa kanya si Lei.

Napatingin sakin si Rhon.

"Okay!!!" sabay naming sabi sa isa't isa saka nag high five.

"Teka, tatawagin ko na sila tita" sabi naman ni Arkin saka tumakbo papunta sa chapel.

Dinala naman na sa recovery room tong si Ian. Pagbalik nila Tita, maya maya lang dumating na din si Lei.

"Anak, anong sabi ng doctor?" bungad ni tita sa kanya.

"Pakainin daw sya ng mga healthy foods, saka pakainin daw sa tamang oras, baka kasi pati yung ulcer nya lumala" sagot nito samin nang hindi kami tinitignan.

"Hoy, kayo yung lagi nyang kasama, hindi nyo pala to pinapakain ng maayos?" sermon ko dun sa apat habang nakaturo sa natutulog na si Ian.

"Pinakakain namin yan, sya lang ang matigas ang ulo" sagot naman ni Arkin.

"Si Aki kasi, sya laging umuubos ng pagkain, eh, lalo na yung para kay Ian" sabi naman ni Rhon.

"Anong ako? Si Arkin nga ang pinakamatakaw dito naturo na naman ako" dipensa naman ni Aki.

"Bakit ako? Si Caleb ang mas madalas kasama ni Ian, eh" sabat naman ni Arkin.

"Hoy, pinapakain ko yan, mas madami pa nga syang nakakain kesa sakin pag magkasama kami, eh!" Reklamo naman ni Caleb na naka cross arms pa,

Nagturuan pa silang apat at kung anu ano pa ang pinagsasabi, napansin ko naman si Lei na seryosong nakatitig kay Ian na natutulog pa rin.

Lumapit ako sa kanya at seryoso din syang tinitigan.

"Problema mo?" masungit nyang tanong sakin. Tong babaeng to abnormal, kanina lang nakasimangot ngayon naman nagsusungit! Kung hindi nya lang ako best friend nabatukan ko na sya!

"Samahan mo ko" aya ko, tumango naman sya at nagpadala sa paghatak ko sa kanya at hinatak ko na sya sa cafeteria ng hospital.

"Nagugutom ka lang pala, bakit ako ang hinatak mo at hindi si Arkin o si Caleb?" reklamo nya.

"Hindi naman tayo kakain, mag-uusap lang" sagot ko at umupo sa isang bakanteng table, umupo naman sya sa harap ko.

"Tungkol saan?" tanong nya naman ng hindi tumitingin sakin at nakatitig lang sa tissue na nandun sa table.

"Tinatanggap mo na ba sya?" diretso kong tanong napatingin naman sya sakin.

"Hindi pa ba dapat?" mahina nyang tanong sakin, pasimple naman akong napangiti sa narinig ko.

"No best, matagal na dapat" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Nung sabihin sakin ni Rhon na kailangan syang operahan, bumilis yung tibok ng puso ko, super lakas ng kaba ko nung makarating tayo dito sa hospital. Nung marinig ko naman sa doctor na safe na sya, I felt relieved. Nung mga araw na wala ako sa kitkat, namimiss ko bigla yung bonding naming dalawa, tapos na realize ko na tama nga naman kayo, wala syang kinalaman sa kasalanan ng tatay nya" seryoso at mahaba nyang sabi.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon