Twenty eight Dream

28 5 4
                                    

@AKI'S POV@

Nadatnan namin nila Caleb at Ian ang magkapatid na nagtatawanan, ano naman kayang meron sa dalawang to?

"Looks like, your having fun, what's new?" bungad ko sa kanila. Paglingon palang ni Rhon, bumungad na samin yung mukha nyang may pasa.

"Wala, ganun pa rin, di pa rin nahahanap si Lei" sagot ni Rhon na kahit may pasa ay nakangiti pa rin, pero bakas sa mata nyang nag-aalala pa rin sya kay Lei.

"Pero man, dyan sa mukha mo, mukhang may bago" puna ni Caleb sabay turo sa parte ng mukha ni Rhon na may pasa.

"Gago kasi to, eh, sa gandang lalaki kong to pinagkamalang punching bag yung mukha ko!" Sagot nya sabay turo kay Grae.

"Bugso ng damdamin mga tsong, hayaan nyo na, wala namang nagbago, panget pa rin si Rhon, eh" sabat naman ni Grae sabay ngiti.

Bakit ba sila ngiti ng ngiti? Halata namang hindi sila masaya pareho! nagmumukha lang silang mga aso sa ginagawa nila eh!

"Hoy Grae, pag si ate Lei nahanap, ikaw magpaliwanag ng lahat sa kanya" sabat bigla ni Ian na huling pumasok.

"Lagot ka bro, nandito yung kapatid" sabi naman ni Rhon kay Grae na parang nananakot talaga.

"Oo Ian, wag kayo mag-alala, ako ang gumawa ng gulo na kinadamay nyo, kaya ako ang dapat na mag-ayos nun" sagot naman ni Grae.

"Mabuti naman kung ganun" sabi ulit ni Ian.

"Hey bro, pinaninindigan ang pagiging kapatid kay Lei, ah" sabi ko sa kanya.

Napansin ko naman nagkatinginan yung magkapatid saka sabay na tumingin kay Ian. Anong meron?

"Bakit?" Ian asked na may halong pagtataka, well kami rin naman ni Caleb nagtataka sa inasal nilang dalawa.

"Kasi Ian ang to-" naputol ang sasabihin ni Rhon ng pumasok bigla si Xena at Arkin.

"Oh, Rhon, buti buhay ka pa" pang-aasar ni Xena sa kanya.

"Bakit naman sya mamamatay?" Caleb asked.

"Ah, wala naman, anong topic?" biglang tanong ni Arkin.

"Ah, itong si Rhon may sasabihin sakin, hindi nya lang natuloy, bigla bigla kasi kayong pumapasok sa eksena, eh" Ian answered.

"Bakit bro, ano ba yung sasabihin mo kay Ian?" tanong ulit ni Arkin. This time hindi lang kami ni Ian at Caleb ang curious, dumagdag pa sila Arkin at Xena.







@LEI'S POV@

Isa isang nangyayare yung mga bagay na dati sa dream land ko lang nakikita.

Nakausap ko ang the Prince, hanggang sa naging kaibigan namin sila. Tapos yung dream debut ko natupad din.

Pero, nasaktan ko si Rhon, kahit sabihin nyang okay lang sya, alam kong hindi.

Tapos yung taong akala ko kaibigan ko, sya pala ang taong gagawa ng bagay na kinaiinisan ko pa ng sobra.

Kahapon pa ko nandito sa rooftop ng school namin. Oo, dito na rin ako nagstay magdamag, hindi pa ko nakakatulog dahil sa sobrang inis ko sa kanila. Gusto kong isipin na good reason ang pasayahin ako, pero ayokong sasaya ako sa isang kasinungalingan. Pulang pula na yung mata ko kakaiyak, pero parang hindi pa rin nauubos yung luha ko. Nakakainis lang kasi feeling ko tinraydor ako ng paulit ulit. Gusto ko nang tumigil, pero yung mga luha ko parang may sariling isip at ayaw tumigil sa pagpatak.

Maya maya lang naramdaman kong may pumatak sa ulo ko, hangang sa dumami ng dumami at lumakas.

"Shocks, ngayon pa umulan, pero this is the first rain of May sana naman blessings to for me" sabi ko sa sarili ko aya hinayaan kong mabasa ako sa ulan. Sana kasabay ng pagbagsak ng ulang to ang pagwash out rin ng mga problema ko.

Lumalakas ito ng lumalakas nakababad ako sa malakas na ulan sa loob halos ng isa't kalahating oras, hanggang sa maramdaman kong hindi na ko nababasa, kahit na uuulan pa rin. Pagtingala ko, nakita ko si Ian.

"Ate, konti na lang walk out queen na talaga itatawag ko sayo" pabiro nyang sabi saka ako nginitian.

Nagulat ako nang makitang namumula din ang mata nya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit namumula din ang mga mata mo? pano mo ko nahanap?" sunod sunod kong tanong.

Pero bago pa man nya masagot ang tanong ko, nag block out na ko.

"Ate Lei!!!!" yun na lang ang huli kong narinig na alam kung galing kay Ian.








@IAN'S POV@

"Anong ginagawa mo dito? Bakit namumula din ang mga mata mo? pano mo ko nahanap?" sunod sunod nyang tanong sakin.

Pero bago ko pa man masagot ang tanong nya, bigla na syang tumumba sa harap ko.

"Ate Lei!!!!" sigaw ko.

Agad ko syang binuhat para isakay sa kotse at dinala sa pinakamalapit na hospital. Diniretso sya sa E.R. Habang nasa tapat ako ng E.R nakalimutan ko nang tawagan sila Xena.

After a couple of minutes dumating naman na sila.

"Anong nangyare, san mo sya nakita?" nag-aalalang tanong ni Xena nang makita nya ko.

"Sa rooftop ng school nyo, hindi ko pa alam, baka nababad sya sa ulan?" sagot ko.

Habang naka-upo kami sa tapat ng E.R hindi mapakali si Xena, Rhon at Grae, lakad sila ng lalakad sa tapat namin at dahil wala kaming ibang makita kong hindi sila, medyo nahihilo kami kakatingin sa kanila.

"Guys, baka kakapabalik balik nyo, kayo ang sumunod kay Lei sa E.R" saway ni Caleb sa kanila.

"Oo nga, try nyo maupo at mag relax, kami ang nahihilo sa inyo, eh" dagdag pa ni Arkin.

After an hour lumabas na din sa wakas yung doctor.

"Doc, kamusta po si Lei?" tanong agad ni Xena.

"Ano nyo po ang pasyente?" tanong nya.

"Best friend ko po sya" sagot ni Xena habang nakataas pa ang kamay.

"Kapatid ko po sya" sabat ko naman.

"Ayos naman na sya, masyado lang syang napagod, saka nilalagnat din, mukhang matagal syang nababad sa ulan, ililipat na sya sa recovery room para makapagpahinga sya" sagot ng doctor saka na sya nagpaalam samin.

Nang mailipat sya, agad kaming
dumiretso sa kwarto na pinaglipatan sa kanya. Habang nakatitig kaming lahat kay ate Lei na tahimik na natutulog, bumulong si Caleb sakin.

"Nasabi mo?" tanong nya, I know what he is talking about, kaya umiling naman ako as an answer.

"Guys, maggagabi na, babalikan ko lang si Lea, ah" paalam ni Xena samin.

"Sasamahan kita" prisinta naman ni Arkin, tumango naman si Xena kaya umalis na sila agad.

Tumayo si Aki at may sinabi din sa magkapatid, maya maya lang tumayo silang tatlo at nagpaalam.

"Ian, bibili lang kami ng makakain may gusto ka?" tanong ni Rhon.

"Caleb, sama ka na" sabi naman ni Grae.

"Kayo nang bahala, bili nyo na lang si ate ng foods, for sure gutom sya paggising nya" sagot ko naman.

"Sige, text mo kami pag nagising na sya" bilin ni Aki, tumango naman ako.

Paglabas nila umupo ako sa upuan na nasa tabi ni ate.

"Matagal ko nang pinangarap na magkaron ng ate at kapatid, akalain mong ikaw pa pala yun ate, kaya pala ang gaan ng loob ko sayo simula palang" sabi ko habang hawak ang kamay ni ate Lei.

"Ate, gumising ka na, hindi na ako makapaghintay, gusto ko nang sabihin ang good news ko" sabi ko ulit saka hinawakan yung kamay nya.

"Sana matanggap mo ako kagaya ng ginawa mong pagtanggap sakin dati kahit na trip trip lang natin yun" sabi ko pa sa kanya.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon