Thirteenth Dream

27 7 1
                                    

@LEA'S POV@

Super saya ni ate nang makauwi sya nung nanuod sya ng concert ng mga idols nya.

Sana lagi na lang sya ganun kasaya, para naman hindi na mag-aalala si mama para sa kanya.

"Lea, diba idol ni ate Lei ang the Prince?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Oo, bakit?" tanong ko.

"May bago silang album, akala kasi ni papa sila yung idol ko kaya binili nya ko, ito, bigay mo na lang kay ate Lei advance birthday gift ko na sa kanya" sabi nya sabay abot nung album sa akin.

"Naku Jenny, matutuwa si ate nito salamat, ah" sagot ko sa kanya ngumiti lang naman ito sa akin.








@RHON'S POV@

Ako nga pala si Rhon Allen, ako ang nagsisilbing leader ng isa sa pinaka sikat na YouTube sensation ngayon na the Prince.

Nagtataka rin ba kayo bakit yun ang na-isip naming pangalan?
si Caleb alaga ang utak sa likod ng band name namin. Napulot nya to sa isang play na pinanuod namin nung High school pa kami na ang title ay Missing Prince of Kingdom Lite. Alam din yun ni Ian dahil sa iisang campus lang naman kaming lima nag-aral, at tropa na namin sya bago pa kami maghigh school.

Pano kami sumikat?

Dahil sa kapal ng mukha ni Aki.




















»»»»flash back 2 years ago««««



"Hi po, kuya pwede mag tanong?" tanong ng babae kay Aki.

"Yuh sure!" Malambing nyang sagot sa babae.

"Marunong ka ba kumanta?" tanong nung babae.

Since hilig ni Aki ang pagkanta syempre oo ang sagot nya.

"Ah, may talent agency kasi yung kapatid ko, actually my sister is former manager ni Christian Bautista, baka gusto mo lang" sabi nung girl sabay abot nung calling card na tinanggap naman ni Aki.

"Okay, thanks for the offer, I'll think about it" sagot naman nya.

»»»»end of flash back««««

Nung makauwi si Aki agad nya kaming tinawagan at sinabi yung alok nung babae.

Since makapal nga ang mukha nya, sinubukan nya, pero dahil that time medyo bulol pa sya sa tagalog, hindi sya nakapasok dun sa agency.

Ang nakaisip naman na gayahin namin yung Boyce Avenue ay si Caleb.

Ang unang kantang kinover namin ay What makes you beautiful ng One Direction. Hanggang sa lahat ng kanta ng 1D ay nacover na namin. Dumami naman ng dumami yung mga views nung video namin hanggang sa may mag request na kantahin namin yung Chinito ni Yeng constantino.

Yun ang naging daan para makilala namin yung manager namin na si Ms A.

So let me give you a little details about the Price.

Si Caleb, sya ang pinaka religious person sa grupo.

Si Arkin ang choreographer ng grupo, sya ang mostly nag-iisip ng mga dance steps namin.

Si Aki, sya ang pinaka joker at makapal na mukha samin, dapat nga sya ang leader ng grupo, yun nga lang bulol pa sya kahit na magaling na magtagalog, half Japanese kasi.

Si Ian naman ang pinaka bunso samin, 3 years ang gap nya saming apat, pero kung sa tingin mukha lang lang naman kaming mag kakasing age.

Syempre ako naman ang pinaka pogi, biro lang.

Nandito ko sa bahay at nagsusurf lang ng net nang makita ko ang isang post ng isa sa mga fans namin.

"The Prince, pag sila ang natanggap kong regalo sa debut ko, pwede na kong mamatay" Basa ko dun sa tweet na nakatag ang Twitter account ng the prince.

"Grabe, mamatay talaga? enjoy mo muna yung 18 birthday mo bago ka mamatay" sagot ko dun sa nag tweet.

Pagkatapos nun, nag out na ko dun sa account na yun at kinuha ko na lang yung isa ko pang phone para mag selfie ng maalala ko si miss Lei.

Kaya I decided na mag text sa kanya.

"Hi miss Lei" sabi ko.

Wala pang isang minuto, nagreply sya agad.

"Hi Rhon, may kailangan ka?"

"Wala, ikaw naman kinakamusta lang kita, eh"

"Ah, ganun ba, ayos lang naman ako, walang gig today?"

"Wala pa, kaya sinusulit yung araw para makapag pahinga naman"

Sa lahat ng fan namin sya lang ang nakilala ko na hindi wild, kayang kaya nyang icompose ang sarili nya sa harap namin.

Yung mga fan kasi namin grabe, halos magdugo na yung pisngi at braso namin pag hinihila nila kami, kaya si Ian lagi naka jacket pag may mga gigs at mall shows kami, nadadala na.

Habang tumatagal yung oras na katext ko si Lei, naiintindihan ko na sya kung bakit nga nya gusto ang babaeng to.

Ang dami nyang kinukwento sakin at ang dami nya ring tanong, ganitong klase ng tao ang masarap kasama at kausap.


@CALEB'S POV@


Caleb here, ang tinaguriang religious boy of the group.

"Hay salamat two months tayo makakapag pahinga" biglang sabi ni Aki.

Nandito kaming lima ngayon sa bahay ni Arkin. Kagagaling lang kasi namin sa office ni Ms A, our manager. Sinabi nya na pinayagan kami ng network na makapagpahinga ng dalawang buwan dahil sa sunod sunod na trabaho namin kaya tuwang tuwa tong si Aki.

"So anong plano nyo ngayong wala tayong gagawin sa loob ng dalawang buwan?" tanong ni Arkin.

"Matutulog lang ako" sagot naman ni Ian.

"Hoy Rhon, kanina ka pa pindot ng pindot dyan, sino ba yang katext mo?" puna ni Aki kay Rhon.

"Guys naalala nyo ba si Lei?" tanong nya samin.

"Yung may kaibigan na madaldal at grabe kung ibuking sya?" tanong ni Arkin.

"Yung nagwowork sa kitkat?" tanong ni Aki, yung coffee shop talaga yung naaalala nitong mukhang kape na to.

"Yung cute girl na nahihiya satin dati?" tanong naman ni Ian.

"Sya ba yung girl na may crush sayo? Yung kinuha natin yung number nya sa phone nya" tanong ko naman.

"Yes,yes,yes at yes" sagot naman nya samin.

"Nakatext ko sya kinabukasan after the concert" sagot ni Ian.

"Ako din, nakausap ko pa nga sya, eh" sabi naman ni Aki at lumalabas na nakakausap na pala namin sya.

"Well lahat pala tayo almost close na to her, so what do you think about her?" tanong ni Rhon samin.

"She's nice" Aki,

"I find her sweet" Ian.

"Mabait sya, saka masipag" I answered.

"Saka ang layo nya sa mga fans natin na super wild" sagot ni Arkin.

"Don't tell me you like her" biglang sabi naman ni Aki.

"No guys, I just want to know her better, gusto ko syang maging kaibigan" sagot nya samin.

"KAMI DIN!" sabay sabay din namang sabi nung tatlo.

"Kasi guys sya yung tinutukoy ng kapatid ko na kakaibang babae!" Dagdag pa ni Rhon.

"The one that he was secretly helping out?" tanong naman ni Ian na tinanguan ni Rhon as an answer.

"Oh, so your brother should share a lot of stories about her!" sabi naman ni Aki na tinanguan namin.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon