Forty first Dream

18 2 0
                                    

@RHON'S POV@

"Tara na, alas nwebe na oh, matatraffic pa tayo!" Sabi ko habang si Lei ay naka-upo pa rin at umikyak.

Tumayo sya at patakbo na sana kami nang hawakan ni Aki ang braso ko.

"Use this, pang-iwas sa traffic" sabi nya sabay abot ng susi ng motor nya, good thing mahilig si Aki sa mga sasakyan.

"San to nakapark?" Tanong ko agad.

"Sa tapat lang, yung kulay black" sagot nya kaya agad na kaming umalis.

Nakita ko naman agad yung motor, and buti na lang marunong ako gumamit nito.

"Kapit, ah" sabi ko saka na pinaharurot yung motor.

Halos paliparin ko yung motor kakamadali dahil bawat stop light na mahintuaan namin parang kalahating oras kaming nakahinto. Bakit ba kasi sobrang traffic sa Pilipinas?! Angdami pang stop light!

"Ngayon talaga dapat?" Asar na tanong ni Lei saka inis na tinaas yung salamin ng helmet na suot nya.

"Hala Rhon 10:30 na, malayo pa ba tayo?" Nagpapanic nyang tanong, kahit nakatalikod ako sa kanya, alam ko at ramdam kong any moment iiyak na sya. Hay naku, kasi pagsinusuyo nag-iinarte, pag iniwan hahabol habol, mga babae talaga madalas may saltik.

"Oo, eh, kasi nagdrama ka pa, kung pumunta agad tayo edi sana nandun na tayo!" Sermon ko sa kanya.

"Ay, wow, sorry na po kaagad boss huh, ayan na go na!" sagot nya sabay sigaw pa sa tenga ko na go na!

Nang makarating kami sa airport, hindi naman kami pinapasok, bukod sa wala kaming dalang passport, wala pa kami parehas dalang pera pambili ng ticket! Kawawang Lei, iniwan na.

"Anak naman ng tokneneng oh, wala na, umalis na yung eroplano nya! We're so damn late!" Sabi ko na lang nang mapapupo kami ni Lei sa gilid ng parking area.

I tried calling Grae pero nakapatay na yung phone nya, kaya nawalan na rin ako ng pag asa. Nag-iwan na lang ako ng message saying that we tried to chase him, nalate lang kami, nang sa ganun baka sakaling maisipan na lang nyang magbakasyon lang doon at wag magstay ng matagal.

"Kasalanan ko to, eh, ang arte ko kasi, kung pinatawad ko kaagad sya, edi sana hindi nya maiisipang umalis at mag-aral sa New York!" Naiiyak nyang sabi, late realization nga naman oh.

"Oh, bakit parang hindi ka naman naiiyak?" Puna ko sa kanya, dahil sa sinabi ko, bigla na lang tuloy syang himagolgol na parang inaaping bata, naku naman! Dito talaga Lei?

Damn, please stop crying, it's killing me!

"Hoy! Hala grabe! Wag ka naman ganyan umiyak Lei, baka isipin nila pinaiyak kita, eh!" Nagpapanic kong pagpapatahimik sa kanya.

Pano ba naman kasi, habang umiiyak ngumangawa rin pumapadyak pa sya, nakakahiya na nakakailang, lalo na at may mga dumadaan. Buti na lang may mask ako at hindi nila ako nakikilala dahil pag nagkataon, mafofront page pa ako dahil sa babaeng to ng wala sa oras at maha-high blood na naman si Ms. A. sakin.

"Tara, iuuwi na kita, please, wag ka na magwala!" Paki-usap ko saka na sya inalalayang tumayo. Hinatid ko na sya sa bahay nila at hinintay na dumating si Xena bago ko sya iwan.
















Kinabukasan, maaga akong pumunta kila Lei. I'll pick her up para sabay na kami nila ni Xena na pumunta sa hospital.

Nang maipark ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nila, naramdaman ko ang pag beep ng phone ko.

"Rhon, anong pangalan ng hospital Kung saan nakaconfine ang anak ko? Doon na ako didiretso?" Basa ko sa text ng unregistered number, kahit hindi sya nagpakilala sakin at kahit hindi ko kabisado ang number nya, alam kong sya to.

"Shit, his here!" bulalas ko sa sarili ko, agad kong nireplyan yun at sinabi pati ang floor at room number ni Ian! Dito muna ko sa bahay nila Lei para hindi sila magkita. Tama! Yun na lang ang gagawin ko!

Tinext ko si Aki at Caleb na bantay ni Ian ngayon at sinabi ko ring papunta si tito sa hospital, sinabi ko na rin na ako na lang muna ang bahala kay Lei, sila naman na ang bahala kay Lea.

"Rhon!" Nagulat ako sa katok na narinig ko mula sa labas ng bintana ng kotse ko. It's Lei, agad kong binuksan ang bintana at ngumiti sa kanya.

"Good morning" bati ko with a wide smile pa.

"Susunduin mo ba kami? Sakto, ready na kami ni Xena, tara na!" Agad nyang sabi, automatic naman akong napababa sa kotse ko.

"Ah, ahm, Lie kasi.. ano eh........ nagugutom ako" sabi ko na kinagulat nya, nagpa-awa effect pa, sana tumalab.

"Huh?" Nagtataka nyang sabi.

"Alam mo kasi, hindi ako masyadong nakatulog, kaya hindi ako nakapag breakfast bago umalis, kasi nga tanghale na" sabi ko pa.

"Oh edi sa hospital ka na lang kumain, kawawa naman sila Caleb doon" sabi nya at maglalakad na sana nang pigilan ko sya.

"Lei naman, kasi alam mo, gutom na gutom na talaga ko, hindi nga rin ako nakapag dinner kagabi, eh" reklamo ko pa at sinubukang magpaawa pa ng husto!

Tumalab ka! Tumalab ka! Tumalab ka!!!

"Alam mo best, sige na, tutal hindi pa rin tayo nag-almusal, kumain muna kasi tayo, kakaumay kaya yung pagkain sa hospital, ang mamahal pa!" Sabi naman ni Xena.

Naku Xena, salamat ng marami sayo, hulog ka ng langit!

Pumayag naman si Lei, kaya bumalik kami sa loob at nagluto lang si Lei ng sinangag at tocino saka itlog, pinagtimpla nya rin kami ng kape. Habang kumakain, hindi maiwasan ng utak kong maimagine ang mangyayare kung sakaling magtagpo si Lei at tito sa hospital.

"Ui Rhon, akala ko ba gutom na gutom ka? Bakit hindi ka kumakain?" Puna bigla ni Xena na may laman pa ang bunganga.

"Ah, ano, ahm, may bigla lang akong naalala" palusot ko.

Binabagalan ko talaga ang pagkain para tumagal pa kami, hanggang sa matapos sila, hindi ko namalayang nakatitig na pala silang dalawa sakin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Bilisan mo na, papaabutin mo pa yata ng lunch yang kinakain mo, eh" sermon ni Xena tsaka tumayo.

"Wait, nilalasap ko pa yung sarap ng kinakain ko, eh" sabi ko naman.

Nang matapos naman ako, pinilit ko pang ako na ang maghugas para tagalan ko, kaso nakakatakot si Lei, eh.

Pagsakay naman namin sa kotse.

"Ah, samahan nyo kaya muna ko sa agency namin? Kakausapin ko lang si Ms. A sandali" aya ko, pero hindi sila pumayag.

Binagalan ko na lang ang pagmamaneho ko at paulit ulit umisip pa ng maraming pasakalye para tumagal kami.

"Girls, may naiwan ako sa unit ko, pwede bang balikan ko muna?" Tanong ko, pero nakita ko si Xena na masama na ang tingin sakin. Nang lingunin ko ang katabi kong si Lei ganun din ang tingin sakin.

Juice na colored, ayokong mamatay sa tingin ng dalawang to.

"Hoy Rhon, kanina ka pa namin nahahalata, ah! Ang dami mong pasakalye, Are you hiding something?" Usisa ni Lei, apa-iling nalang ako at itinuon na ang tingin sa daan.

Naku naman po! Sana wala na sya doon!

Dream LandWhere stories live. Discover now