Twenty second Dream

37 5 0
                                    

@LEI'S POV@

Ang sarap isipin na mahal ka ng taong dati eh pinapangarap mo lang.

Kung tutuusin, dapat nagdidiwang ako, nagpapa fiesta at nagtatatalon sa tuwa, dahil mahal ako ng taong matagal ko nang pinangarap na maging akin.

Pero bakit parang pakiramdam ko, walang epekto sakin?

Bakit ganun?

Ano ba to?

Naguguluhan ako.

Bakit wala akong naramdaman nung sabihin nya sakin ang mga salitang yun?

Anong klaseng anesthesia ba ang naiturok sakin at napakamanhid ko ngayon?

"Ate, hindi ka ba papasok sa Kitkat?" biglang sulpot ni Lea.

Wala na kaming pasok, kaya sa kitkat na ang buong araw ko.

"Mamaya na lang" walang gana kong sagot.

"Ate, may problema ka ba?" seryosong tanong ng chismosa kong kapatid.

"Wala, Sige na baba ka na, okay lang ako"

Lumipas pa ang isang oras, super late na ko sa trabaho ko.

"Best, kung hindi ka makakapasok, sana nagtetext ka diba?" text ni Xena sakin, knowing her, for sure inis na inis na sakin yun.

"Sorry best, I need you, pwede ka bang dumiretso dito sa bahay after mo sa kitkat?" message sent.

"Oh, ano na namang problema?"

"Basta best, mamaya na lang, magtrabaho ka nga muna" message sent.

"Ikaw talaga, may problema ka na nga, nagtataray ka pa"

Hindi ko na nireplyan, wala na kong load, eh.

Umupo ako sa may bintana at tinignan yung picture namin ni Xena na kasama ang the Prince na nakadisplay sa may side table ng higaan ko.

"Anak nang tokwa naman Rhon, bakit kung kelan naman tanggap ko na na hindi pwede maging tayo saka ka nagparamdam sakin?"

Tanong ko sa sarili ko, para kong sira na kinakausap yung picture, pakiramdam ko masisiraan ako ng baet kakaisip sa mga nangyare kagabi, eh!

"Siguro, hindi nga tayo para sa isa't-isa" Sabi ko, umiga ako sa higaan ko at huminga ng malalim.

"Pano nga ba nawala ang pagkagusto ko sa kanya?" tanong ko sa sarili ko.

Nagsimula ang pagkawala ng feelings ko sa kanya mula nung maging super close kaming pito sa isa't isa, at yun ay after namin mag bonding at matulog sa bahay ni Arkin.

"Rhon Allen, pinapangarap ka ng iba, pero tinanggihan kita?" tanong ko habang nakatingin sa picture nya.

"WOW, ang ganda ko namang babae" dagdag ko pa.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga at seryosong nag-isip.

"Hay naku Lei! Ang kapal naman ng mukha mong tanggihan ang lalaking katulad ni Rhon Allen, aba kung tutuusin, parang sya si Xander Grande tapos ikaw lang si bunita Rose noh" sermon ko sa sarili ko habang sinasampal sampal ko ang mukha ko.

"Hay ayoko ng ganto, nahihirapan ako, siguro much better kung magiging magkaibigan lang kami, sa ganung relasyon, panigurado mas magtatagal kami" sabi ko sa sarili ko ulit.

Nakahiga lang ako sa higaan ko nang bigla na lang kumalabog yung pinto ko at iniluwa nito si Xena.

"Best, ano ba nangyare?" bigla nyang tanong.

Dream LandWhere stories live. Discover now