Fourth Dream

60 7 2
                                    

@XENA'S POV@

"Monday, math 1& marketing 1, Tuesday, management 1, phycology 1 & english 1, Wednesday free day, Thursday same with Monday and yung Friday same with Tuesday, last Saturday,  accounting 1, NSTP 1, so best tell me, anong panget sa schedule na yan?" tanong ko kay Lei na naiinis na daw sa schedule namin.

"Sa schedule ka ba talaga naiinis o sa last subject every Tuesday and Friday?" pahabol kong tanong.   

"Hi girls" sabi bigla ng mga babae na kapapasok lang sa shop.

"Oh, hi, ginagawa nyo dito?" tanong ko, lumapit ako sa table nila.

"Wednesday, no school, so coffee break muna kami" sagot ni Shane, naalala ko rich kid nga pala sila.

"Nga pala Xena may news kami" Patty,

"Ano yun?" excited ko namang tanong.

"Si Grae, kablock natin sya sa lahat ng subject" she answer.

"Ows, di nga?" paniniguro ko.

"Oo nga, naiwan nya kasi yung binder nya kahapon, nakaipit yung schedule nya, nakita namin kaya yun" sagot lang sakin ni Kara. Napangiti naman ako ng pagkalawak lawak.

"No, hindi yun pwede, no way" sabat bigla ni Lei.

"Yes, pwede yun, yes way" sagot ko naman sa kanya.

Pagpasok namin ng Thursday nagulat si Lei ng tumabi sa kanya si Grae.

"Hi Ms. Gimo, patabi huh" paalam nya pa.

"Nakaupo ka na, eh" sagot naman  ng mataray kong kaibigan.

"Hindi ba tayo mag siseating arrangement? Para hindi ko na makatabi to" biglang reklamo ni Lei.

"Palit tayo" dagdag nya.

Aba, pinagbibigyan ng kaibigan ko ng kalandian ko, ah, jimala to, kaya tumango naman ako.

"Tara" sagot ko.

Pero patayo pa lang si Lei ng biglang hawakan ni Grae ang braso nya.

"Bawal lumipat ng upuan, may seat plan na remember?" pagpapaalala ni Grae samin.

"How did you know? Wala ka naman dito nung Monday diba?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Well" sabi nya lang, aangal pa sana si Lei kaso pumasok na yung prof namin kaya no choice na sya.

Nung duty na namin sa shop ng Saturday night nagulat kami ng may hot guy na namang pumasok sa pinto ng kitkat.

"Black coffee" sabi nya lang sabay upo sa upuan.

Pagka serve ng coffee nya hindi na ulit sya nagsalita.

"Hoy, work, work din pag may time, matunaw yan bigla sige ka" biglang puna sakin ni Lei.

"Oo na, pag ikaw naman ang nag deday dream dyan pinababayaan lang kita" reklamo ko.

"Hoy nag deday dream ako pag walang customer!" sabi nya sakin sabay talikod, wow, ah?

Pero ito, nakakainggit ang kalagayan ng best friend ko, katabi nya si papa Grae sa lahat ng subject, oha, nakakaloka sya.

Pero ang mas malupit dyan, lagi silang nagbabangayan at nagtatalo, nung 2nd week kasi ipinahandle sya ng mga prof namin kay Lei, nakakaloka din mga prof namin. Makulit at mapangasar pa sya, edi lalo silang nag clash nung isang mainitin ang ulo.

Mga 5th week na nang pasukan tapos Tuesday pa. Papasok na kami sa coffee shop ng biglang tumawag si Lea kay Lei. Nagulat na lang ako nang pagtingin nya sakin ay umiiyak na sya.

"Best hindi ako makakapasok, ikaw na bahala magpaliwanag kay ma'am, nasa hospital kasi si mama, eh" paliwanag nya.

"Kailangan mo ba ng kasama?" tanong ko. Pero tumangi na sya.

Pagdating ko sa shop, medyo nag-aalala ako para sa kaibigan ko, kaya medyo wala ako sa sarili.

"Ui Ms Xena!" tawag ng customer, mabuti nalang at si Grae pala yun,

"Sir sorry po"

"Bakit naman tulala ka? First time yan, ah" sabi nya habang nakatitig sakin, ewan ko ba wala syang epekto sakin ngayon.

"Ay wala, ano po ba order mo?" tanong ko na lang.

"Teka, nasan nga pala si Ms Lei?" tanong nya na naman habang tumitingin sa paligid.

"Wala sya sa mood ngayon para asarin mo, absent sya, nasa hospital mama nya, kaya tigilan mo na muna sya!" saway ko sa kanya.

Tuwing pupunta kasi sya dito sa shop palagi nyang inaasar at iniinis si Lei.

"Oh, ano na ba order mo?" tanong ko na ulit sa kanya.

"Black coffee, take out" sagot nya.

"By the way saang hospital sya?" biglang tanong nya.

"Ewan ko, di pa nagtetext, eh" sagot ko.

Teka, interesado lang?

Saktong nag update si Lei at sinabi nito kung nasaang hospital sila kaya nabanggit ko na rin kay Grae.

"San kaya sya pupunta?" tanong ko sa sarili ko ng mabilis syang umalis ng shop.

Tinext ko yung apat, at sinabi ko ang nangyare. Kasi for sure mangangailangan ng pera si Lei, kaya tutulungan ko na sya habang maaga pa. After ng duty ko dumiretso na ko agad sa hospital.

"Best, dapat umuwi ka na, I'm sure pagod ka na" sabi nya ng makita ako.

"Hay, ano ka ba naman, okay lang ako, nga pala, anong sabi ng doctor?" tanong ko agad sa kanya.

"High blood daw" sagot nya habang naglalakad kami.

"Don't worry, humingi na ko ng tulong kila Patty, sabi nila dadalaw daw sila bukas"

"Salamat best, ah, pero favor naman" sabi nya nang maupo kami sa tapat ng waiting area.

"Sure an8 yun?"

"Pwede bang sa bahay ka muna matulog ngayong gabi? Wala kasing kasama si Lea, eh" pakiusap nya

"Oo naman sure, nga pala, si Grae hinahanap ka kanina"

"Sus, aasarin at bubwisitin lang ako ng lalaking yun" sabi nya habang nakatingin ng nakakabwisit sakin.

"And nasabi ko rin sa kanya kung sang hospital naka confine si tita" dagdag ko.

"Hoy Xena, pag yung mukha nun nakita ko dito sa hospital na to sa morgue diretso nun, subukan nya lang magpakita sakin." Bwisit na bwisit nyang sabi.

"Wagas naman yung galit mo sa kanya, ang gwapo nya kaya"

"Ewan ko sayo, tigil tigilan mo ko Xena" saway nya na lang sakin.

"Hay, uuwi na nga muna ako, kukuha ako ng damit ko" paalam ko na lang sa kanya.

"Sige inggat kayo ni Lea huh" sabi nya sakin

"Ikaw din, itetext mo ko pag may kailangan ka huh" sabi ko bago ako umalis, tumango naman sya at ngumiti sakin as an answer.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon