Twelve Dream

32 6 0
                                    

@LEI'S POV@

"Girls any plan for the Valentine's day?" Tanong samin ni Patty.

"Work pa rin, ui daan kayo sa kitkat, ah, may special promo kami for Valentine's day" sabi ni Xena, taray proud staff ng kitkat, inindorce pa talaga nya.

"Oo naman sure, yung dalawa pag may date, sabihin ko sa kitkat na lang sila mag date" sabi naman ni Aicy samin.

Grabe, ang bilis ng panahon, parang kelan lang new year pa lang, tas ngayon Valentine's na. Oh my, malapit na concert ng the Price of my life.



















"Lei" tawag sakin ng manager namin.

"Ma'am bakit po?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"Pwede ba kayo mag over time ni Xena, tapos day off nyo na lang bukas, ang dami kasing costumers, hindi makakapasok yung isa sa karelyebo nyo, eh" paki-usap nya sakin.

"Pero ma'am baka naman po mas maraming customers bukas, kasi nga po Valentines" sagot ko naman.

"Okay na yun may maipapasok naman daw si Chona para bukas kapalit nya, eh" sagot nya, kaya pumayag na ako.

Labag man sa loob ko.

Pagkasabi ko kay Xena, napasimangot na lang sya.

"Ano ba yan, ayoko mag day off bukas" reklamo nya.

"Bakit naman?"

"Kasi naman, wala akong kadate, kaya dapat may trabaho ako!" sagot nya naman saki habang parang bata na nagmamaktol.

"Parang baliw naman to, ako din naman, ah?" sabi ko pa habang busy sa pag-aayos sa counter.

Dahil doon nawalan sya ng mood para titigan ang customer na paparating, si Grae.

"Oh, bakit naman nakasimangot to?" tanong ni Grae sakin.

"Pano, wala kaming work bukas, eh, wala daw syang kadate, saklap daw sabi nya" sagot ko naman sa kanya.

"Hoy Xena ayos lang yan, date na lang tayo bukas" aya nya sa kaibigan ko.

Dahil dakilang malandi ang kaibigan ko, lumawak bigla yung ngiti nya, muntik pa ngang mapunit yung mga labi nya, eh.

"Shalaga, shaan nemern teye medgdedate?" kinikilig nyang sabi na parang nabubulol sa 'S' at kinakain na yata ang letter 'R', kalandiang taglay talaga nito!

"Sa cubao madaming makakainan dun" sagot naman ni Grae.

"Telege, tepesh eneng gegewen neteng delewe?" tanong nya, nakakahiya talaga minsan tong si Xena! Pero infairness lay Grae ah, naiintindihan nya yung mga sinasabi ng abnormal kong kaibigan!

"Dalawa? hindi, tatlo tayo" biglang sabi nya, napatingin naman ako sa kanya.

"Magsasama pa talaga kayo ng chaperone nyo, ah" sabat ko naman.

"Hindi noh, wala din kasi akong kadate, tas wala pang pasok, so naisip ko na idate na lang kayong dalawa" sabi nya.

"Ay naku, ayoko, cubao yun, makikita ko yung araneta, maiingit lang ako dun sa mga manunuod ng concert ng the Prince, ma-iinis lang ako" sabi ko naman.

"Dun nga tayo pupunta. Manunuod tayo ng concert nila" sagot nya sabay kindat at taas baba pa ng kilay.

Nagpantig naman bigla yung tenga ko saka napatingin sa kanya ng masama.

"Hindi ako naniniwala sayo hanggat hindi ko nakikita yung ticket" reklamo ko.

"Bukas nyo yun makikita" sagot nya lang tsaka na umalis, bastos yun ah, hindi man lang bumili!














"Hala Grae, grabe, salamat, this is the best Valentine's day and syempre best day for me, kala ko talaga nagbibiro ka lang" sabi ko dito sa lalaking nasa left side ko.

"Hoy utang to, saka mahal yung ticket mo" sagot nya sakin.

"Oh, bakit mas mahal yung kanya? eh, parehas lang tayo ng tickets, ah?" tanong ni Xena.

"Kasi may meet and greet yung kanya, yung satin wala" sagot naman nya samin.

Nanlaki na naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Seryoso? may meet and greet ako with them?" tanong ko na halos hindi talaga makapaniwala.

Malay ko ba kung inuuto lang ako nito. Grabe, tinotoo nya yung new years wish ko, may kasama pang meet and greet!

Nung nag start yung concert hindi ako magkanda mayaw sa kakatili.

Pakiramdam ko nga lalabas na yung lalamunan ko kakatili, eh.

Ang saya pala pumunta sa mga concert, lalo na kung nasa VIP seat ka. Nakaka mesmerized sila panuorin magperform ng live at nasa harap ko pa mismo.

Nung meet and greet na, hindi ako halos makapaniwala na nasa tabi ako ng mga idols ko.

"Ui Lei, buti nakapanuod ka?" bungad ni Aki sakin.

"Naaalala mo pa ako?" tanong ko.

"Syempre naman, naging busy lang kaya hindi ka na namin natext" sabat naman ni Ian.

"Ano, kamusta nag enjoy ka naman ba?" tanong ni Arkin sakin, tumango tango naman ako as an answer.

"Sino nga pala kasama mong nanuod?" tanong ni Caleb.

"Ah, yung dalawa kong kaibigan"

"Wow, ikaw, ah, pinag-ipunan mo tong concert namin noh?" tanong ni Rhon sakin.

"Ah, hindi, sa totoo nga nyan, matagal ko nang tanggap na hindi ako makakanuod ng concert nyo, kaya sobra talaga ang pag papasalamat ko dun sa isa kong kaibigan na nanlibre samin para makanuod dito" paliwanag ko.

"Ang swerte mo sa kaibigan mong yan, ah" sabi naman ni Aki.

"Oo nga, dahil sa kanya, ito nakakausap at kaharap ko pa kayo ngayon"

"Alam mo, gusto din namin makilala yang kaibigan mong yan" sabi naman ni Caleb.

"Ay talaga, sure mamaya pakikilala ko kayo sa kanya" sagot ko naman.

Grabe, ang down to earth talaga nilang lima.

Sa tulong ni Grae, nakausap at nakasama ko ang the Price kahit na almost 40 minutes lang.

Ang dami kong nalaman tungkol sa kanilang lima. Dahil pa sa meet and greet na to lalo pa kong humanga sa kanilang lima.

Bago ako lumabas ng back stage, nagulat ako ng tawagin ako ni Ian.

"Lei, text, text na lang, promise maititext ka na namin talaga" sabi nya saka kumindat sakin.

What the heck, kinikilig ang aking malaking puso.

Paglabas ko malaking ngiti ang sinalubong ko dun sa dalawa na kain ng kain.

"Ui pakain, gutom na rin ako" sabi ko sa kanila.

"Bakit, hindi ka ba nila pinakain?" pang-asar na tanong ni Xena.

"Hindi, eh, nakipaglandian lang sila sakin" sagot ko naman din.

Inabutan ako ni Grae ng burger saka soft drink in can.

"Oh ano, solve ba ang Valentine's day mo?" tanong ni Grae sakin.

Isang malaking ngiti at tango naman ang sinagot ko sa kanya.

"Grae, sobrang salamat talaga ah, you're my guardian angel" masayang masaya kong sabi sabay yakap pa sa kanya.

"Oh tama na yan, baka ma-inlove ka pa sakin, eh" sabi nya. Pinalo ko lang sya ng mahina, wag patulan, may utang ka dyan yan na lang ang tinatak ko sa utak ko. Nang-aasar lang kasi yan, pero sorry sya, di nya ko maaasar, super mega over kaya ako sa pagka-good mood tonight.

Hay God, salamat sa super mega blockbuster Valentine's gift mo sakin l, ah. Solve na po ako kahit wala ka na pong gift sakin hanggang sa pasko ngayong taon.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon