Thirty eight Dream

23 1 0
                                    

@LEI'S POV@

Bakit sya aalis?

Hindi pa nga kami nagkaka-usap at nagkakaayos, mababalitaan ko na lang na aalis sya?! Aba! Ginulo nya yung tahimik kong buhay tapos aalis sya nang hindi pa nagpapaalam sakin?

Pero bakit nga ba sya aalis?

San ba sya pupunta? Kailangan ba talaga nyang lumayo?

Ayaw nya na ba kami makita?

Ako? akala ko ba......

Hay Teka nga! eh, ano kung umalis sya?

Edi umalis sya! Pumunta pa sya sa planetang namek kung gusto nya! Wag na syang babalik at magpapakita sakin! Bwisit sya! Bula talaga sya kahit kelan!

"Hoy Lei, tulala?" rinig kong tanong ni Arkin habang winawagayway pa yung kamay sa mukha ko.

"Huh? Ano ba yun?" tanong ko ulit.

"Tinatanong namin kung san ka pupunta, pabalik na kami sa room ni Ian" Sagot naman ni Caleb.

"Ah, uuwi lang ako sandali" sagot ko.

"Want me to drive you home?" Offer pa ni Aki.

"Ah, hindi na, wag na Aki, kaya ko na, salamat" sagot ko naman saka na naglakad palabas ng hospital.

Pagdating ko sa bahay, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Kinakabahan ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi sya normal, bakit ba ganto tong nararamdaman ko? Parang abnormal!

Ayoko syang umalis, pero hindi ko masabi sa kanya yun, ayokong umalis sya ng hindi kami nag-uusap, pero pano kung kausapin nya ko?

Anong sasabihin ko sa kanya?

Anong gagawin ko?

Pipigilan ko ba sya?

Pakiusapan ko kaya syang wag nang umalis? Pero bakit ko naman gagawin yun? Ano nya ba ko? Saka wala akong karapatan para pigilan dya sa mga gusto nyang gawin sa buhay nya, buhay nya yun, eh!

Napahiga ako sa higaan ko at napansin ko na lang na may tumutulo nang luha sa gilid ng mga mata ko. Gosh, ano ba kasi talagang nararamdaman ko para sa lalaking yun?

Oo galit ako sa mga ginawa nya, sa mga pagsisinungaling nya, pero nung nakita ko sya dun sa hospital, nawala lahat ng galit at napalitan ng pakiramdam na hindi ko marecognized. Naiinis ako sa kanya pero at the same time naiinis rin ako sa sarili ko! Ang gulo na kasi ng isip ko to the point na ahit ako gulong gulo na sa sarili ko.

"Hoy best! BAKIT KA UMIIYAK?" nagulat ako at agad na napatayo dahil sa biglang pasok nitong si Xena, epal to, nagmomoment ako, eh!

"Ano ba best, ang ingay mo" saway ko sa kanya sabay punas ng mabilis sa pisngi ko.

"Sorry, pero bakit ka nga kasi umiiyak?" tanong nya agad at umupo sa tabi ko.

Niyakap ko sya at hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at humagulgul ako sa balikat nya.

"Shhhhh, okay lang yan, tahan na" sabi ni Xena habang hinihimas yung likod ko.

"Xena aalis sya" sabi ko habang pinupunasan ang mukha ko.

"Sino?" naguguluhan nyang tanong sa akin habang hinahagod pa rin yung likod ko.

"Si Grae" sagot ko naman agad, napabitaw tuloy sya sakin.

"Okay na kayo? Nagka-usap na kayo? kelan? saan? Pano? Bakit hindi ko alam?" sunod sunod nyang tanong sakin.

"Hindi pa kami nag-uusap, sinabi lang ni Rhon sakin" sagot ko naman.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon