Twenty ninth Dream

29 5 0
                                    

@LEI'S POV@

Nagising ako nasa hospital na ko at wala nang ibang kasama kung di si Ian. Nakayuko sya at mahimbing na natutulog habang hawak ang kanang kamay ko. Sweet naman ng batang to.

"Ian?" Mahina kung tawag sa pangalan nya, hindi pa rin sya nagigising kaya kinalabit ko sya using my left hand. Gumalaw ng bahagya ang ulo nya saka tumingin sakin.

"Ate Lei!" masaya nyang sabi, halata naman dahil sa smiling face na bungad nya sakin. Bigla pa nya kong niyakap, pero bumitaw din sya agad, bumungad naman sakin ang alalang alala nyang mukha.

"Okay ka na ba? may masakit ba? nagugutom ka na ba? gusto mo bang kumain? I'll ask Caleb to buy you some foods, wait, do you want me to call the doctor?" sunod sunod nyang tanong, hindi talaga halatang nag-aalala sya, napanguti naman ako sa inaasal nya.

"Okay ako, don't bother, alam mo, dapat umuwi ka na muna para naman makapagpahinga ka" sabi ko sa na lang kanya, baka kasi napuyat sya kakahanap sakin kaya namumula yung mata nya kanina.

"No ate, I'm okay, teka, ayaw mo ba talagang kumain?" tanong nya ulit sakin, tumango na lang ako as an answer.




@IAN'S POV@

Nang magising si ate halos hindi ako magkanda ugaga sa mga kailangan nya, pero after kong kulitin sya para kumain nanahimik na ulit sya.

"Ate, galit ka rin ba sakin?" tanong ko sa kanya, napabuntong hininga sya saka ako tinignan. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman nya, at kinakabahan ako sa pwede nyang isagot sa tanong ko.

"Alam mo din ba lahat ng to?" Mahinahon nyang tanong.

"Ate, ano ahm...." patumpik tumpik kong sagot na hindi ko alam kung pano mag-uumpisa, ni hindi ko rin sya matignan, natatakot akong baka pati sakin magalit rin sya and I don't want that to happened.

"Ate, hindi naman po talaga kami nagsinungaling sayo, eh" pag-uumpisa ko,  yun naman talaga yung totoo, eh.

"Nakiusap lang sya samin na wag na sabihin sayo na kilala nya kami at ganun din kami sa kanya. Kasi that time, napapalapit na kami sayo at baka isipin mo daw kasi na inutusan nya lang kami or nakiusap lang sya samin na pansinin, kausapin at kaibiganin ka namin dahil nga lang sa kaibigan namin sya" paliwanag ko.

"Pero ang dami nyang panahon para sabihin sakin lahat ng yan, bakit hindi nya ginawa?" tanong nya sakin, na nanlilisik ang mga mata.

"Yan ang hindi ko masasagot ate, basta ang assurance ko sayo, hindi lang namin kayo kinaibigan dahil lang sa kaibigan kayo ni Grae. Kinaibigan namin kayo, kasi gusto talaga namin kayo dahil sa pagiging kayo ninyo, nagegets mo ba yung gusto kong sabihin?" paliwanag ko sa kanya, pero tumingin sya sakin na parang naguguluhan. Medyo naguguluhan din ako sa mga sinabi ko, eh.

"Medyo?" patanong nyang sagot sakin. Napabuntong hininga na lang ako.

"Pero, ate don't worry, I'll talk to Grae and Rhon, para silang dalawa ang magpapaliwanag sayo, I'm not in the right position to answer all your questions kasi baka mali pa yung maisagot ko sayo at lumala pa yung sitwasyon" pagpapaliwanag ko pa.

Mahirap na, magulo pa naman din ako mag kwento.

"Nga pala, yung tanong ko bago ako mawalan ng malay kanina, hindi mo pa sinasagot yun, ah" sabi nya.

Naalala ko na kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo, kaya lang, baka sakin naman sya magalit?

"Ah, it's just that, may nalaman akong good news, at super naiyak lang ako nang sabihin nila sakin ang good news na yun" pag-uumpisa ko, hindi ko naman kasi pwede biglain to, mamaya bigla ulit mag walk out eh, pero sana matuwa rin sya.

"Okay, that would probably be a great news, ano ba yang news na yan?" tanong nya habang nakangiti sakin.

"Eh, ate, kay Grae kasi galing tong news na to, eh" sabi ko, nawala naman bigla yung ngiti nya, hindi halatang galit na galit nga sya kay Grae!

"If it comes to Grae, sigurado ka bang totoo yan at hindi kasinungalingan?" tanong nya sakin.

"Ganun ka ba talaga kagalit sa kanya ate?" tanong ko ulit.

"Hindi ba dapat?"

"Para sakin hindi dapat, kasi nung nalaman ko tong news na to, gusto ko syang ipagtayo ng munomento, eh" sabi ko sabay smile ng pagkalaki laki, nakita ko naman sa mukha nya na super curious na sya.

"Ano ba kasi yang balitang yan?"

"Ate kasi, pinahanap nya yung papa mo, eh" pag-uumpisa ko, nanlaki ang mata nya, pero hindi saya ang nakita ko sa mga ito, but still, tinuloy ko ang pagsasalita.

"Marcos Gimo, Marcos ang pangalan ng papa mo diba ate?" tanong ko.

"Gusto ba talaga ni Grae galitin ako, alam nya namang ga-" bago pa man nya matuloy ang sasabihin nya nagsalita na ko.

"Anak nya ko kay Adrianna Dale" pagputol ko sasasabihin nya, hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko nang makira ko ang naging reaksyon nya.

"Anong sabi mo?" sabi nya ng medyo high pitch lang naman na kinagulat ko.

"Ate?" Nagtataka kong tanong.

Inexpect ko na na magugulat sya, pero hindi ko inakala na ganto ang magiging reaksyon nya. Bakas sa mukha nya ang galit at gulat, pero hindi pa rin nawawala yung hope ko na matatanggap nya ko.

"Anak ka nya sa kabit nya?" nangingilid ang luha nya ng itanong yun sakin, tumango lang ako bilang sagot,

"Hindi mo rin ba ko matatanggap?" tanong ko sa kanya, pero hindi sya tumitingin sakin.

"Ate I'm sorry, hindi ko rin naman to alam, eh, hindi ko sinasadyang maging bunga ng isang kasalanan, hindi ko sinasadyang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya nyo noon" umiiyak kong sabi, pero still she's not looking at me, hindi man nya ko tinitignan alam kong galit sya.

"Ate I will understand you if magagalit ka sakin" sabi ko ulit, this time napatingin sya sakin, pero yung tingin nya na parang ang sakit, parang laser na nakaka tunaw, ganun yung tingin nya, nakakatakot.

"Iwan mo na lang ako" sabi nya saka inilayo ang paningin sakin.

"Pero at-"

"Iwan mo na mun ako!" sabi nya in a high pitch tone na talagang kinagulat ko, kaya agad akong tumayo at lumabas ng kwarto nya.

Paglabas ko nandun si Aki at Caleb.

"Bro?" patanong na tawag nila sakin.

"I'll bring you home, I'm sure your tired, you need to take some rest" sabi ni Aki nang ipatong nya ang kamay nya sa balikat ko.

"No bro, I want to see Lea" sabi ko.

"Sige, ako na bahala kay Lei" sabi naman ni Caleb.

Pagdating namin sa bahay nila Lea, nasa sala si Lea at nanunuod ng t.v.

"Lea!" tawag ko sa kanya, nakangiti syang tumingin sakin.

"Kuya Ian" masaya nyang sabi.

Parang tumatalon ang puso ko nang tawagin nya kong kuya kaya niyakap ko sya agad,

"Ah, kuya Ian, hindi po ako makahinga, eh" sabi nya habang nakayakap ako sa kanya.

"Ay sorry, nasan ate Xena at kuya Arkin mo?" tanong ko sa kanya.

"Ian, Aki?" sabi ni Arkin ng makita nya kami, galing sya sa taas,

"Oh sino naiwan dun?" tanong naman ni Xena na galing sa kusina.

"Si Caleb" maiksi kong sagot.

"Ah, Lea, bibili kami ni Ate Xena at kuya Arkin mo ng foods, what do you want?" Tanong ni Aki kay Lea.

"Kahit ano po kuya Aki" sagot nya sa kanila.

Pag-alis nila, pinaliwanag ko agad kay Lea yung sitwasyon namin.

Nakahinga ako ng maluwag nang kabaliktaran ng reaksyon ni Ate Lei ang naging reaksyon nya.

"Buti naman at may totoo na kong kuya, pogi na, sikat pa" sabi nya saka ako niyakap ulit ng mahigpit.

Dream LandWhere stories live. Discover now