Fortieth Dream

25 3 0
                                    

@LEI'S POV@

"Mahal kita kaya ko nagawa lahat ng yun............"

"Mahal kita kaya ko nagawa lahat ng yun............"

"Mahal kita kaya ko nagawa lahat ng yun............"

Paulit ulit kong naririnig sa utak ko ang sagot ni Grae sakin.

Habang pinapanuod ko syang lumayo sakin kagabi, naiwan ako sa bahay ng nakatulala at literal na naka nga nga, naguguluhan at puno no pa rin ng tanong sa utak. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ko sa kanya o hindi na, ewan ko, hindi ko na alam ang dapat gawin.

"Hey Lei, day dreaming? it's too early for that" nagising ako sa pagkatulala ng marinig ko ang boses ni Aki at makita syang nakasilip sa pinto ng kwarto ko. "By the way, Rhon asked me to pick you up, so shall we?"

"Aki, kilalang kilala mo na ba si Grae?" tanong ko bigla na kinagulat naman nya, halata sa expression nya, eh.

"Not really, but since I've met Rhon I already knew him, why?" sagot nya na may halong pagtataka sakin.

"Tingin mo, bakit nya ginawa lahat ng yun sakin?" out of the blue kong tanong. Napaupo sya sa tabi ko at pinaglapat ang mga palad nya saka ipinatong ang dalawang siko sa magkabilang tuhod.

"Have you talk to him?" tanong nya sakin. Himinga ako ng malalim at tumango sa kanya as an answer.

"Then, did you asked him the same question?" tanong nya ulit sakin at tango lang ulit ang isinagot ko.

"Ano ba ang sagot na sinabi nya sayo?" tanong nya ulit na nagpabilis bigla sa takbo ng bakang nakatira sa puso ko. Naalala ko na naman yung mukha nya kagabi at nagrereplay na naman sa tengga ko yung boses nya! Nakakainis na sa totoo lang.

"Mahal kita kaya ko nagawa lahat ng yun............"

"Hey Lei?" biglang tanong ulit ni Aki sakin with matching snap pa, napailing na lang ako dahil sa mga pumapasok sa utak ko. Bwisit talagang Grae yun, mawawala na lang sya sa landas ko, ginugulo nya pa rin ang isip ko.

"I knew it, he already told you everything, am I right?" bigla nyang sabi na kinagulat ko. Napatingin ako sa kanya at nakakaloko yung ngting binigay nya sakin, baliw na rin tong hapon na to, ah! "Sabi na tama ako, eh, ang galing ko talaga!"

"Manahimik ka na nga Aki, tara na, alis na tayo" sabi ko at nauna nang lumabas ng bahay.

Nang makarating naman kami sa hospital nadatnan namin sila Rhon, Arkin at Caleb na nasa labas.

"Guys, bakit kayo nandito sa labas?" tanong ni Aki.

"Ah, wala, brother and sister bonding kasi sa loob, eh" sagot ni Arkin.

"Pasok na Lei" utos naman ni Caleb sakin kaya pumasok ako.

Nadatnan ko yung dalawang tawa ng tawa.

"Oh ate nandyan ka na pala" bati ni Ian.

"Anong meron?" tanong ko naman ng makalapit ako sa kanila.

"Ah, si Lea nagkukwento lang ng mga funny experience nya" sagot naman ni Ian.

"Ate, bakit parang namumugto yang mga mata mo?" tanong sakin ni Lea.

"Ah, kulang lang ako sa tulog" sagot ko naman.

"Ah, matulog ka po muna dyan sa sofa, kami na lang po nila kuya Rhon ang bahala kay kuya Ian" sabi ni Lea.

Hay naku, hindi ko alam kong pano ako makakatulog. Ang totoo kasi nyan, hindi pa talaga ko nakakatulog, dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang pagmumukha ni Grae at naririnig ko ang mga salitang binitawan niya sakin na syang nagpapagulo sa utak ko ngayon.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon