Forty third Dream

25 2 0
                                    

@LEI'S POV@

Hindi pa ba mauubos ang mga kamalasan sa buhay ko?

Una niloko ako ni Grae, tapos si Ian kapatid ko pala, tapos si Grae umalis pa at iniwan ako, tapos ngayon naman bumalik na ang lalaking unang nang-iwan sakin, sa amin nila mama at Lea.

Yung unang mga problema na dumating ayos na, eh, okay na, napatawad ko na si Grae sa panloloko nya, natanggap ko na rin si Ian, tanggap ko na rin na wala na si Grae, pero itong pagbabalik nya, hindi ko alam kung anong irereact ko. Kung iba siguro ang nasa kalagayan ko, matutuwa sila at hindi ituturing na problema ito, kasi kung tutuusin, si Grae ang typical na boyfriend material ngayon, hinahabol nga sya ng ibang mga students sa campus, kahit nila Patty at Xena. Tapos sinong tatanggi sa artistang si Ian kung magiging kapatid mo sya? Swerte mo kasi pwede mo makita ang the Price anytime you want. Tapos binalikan ka pa ng taong umabanduna sayo sa loob ng mahabang panahon. Anong problema doon? Wala diba?

Pero sakin meron, at binig deal ko silang lahat. Kasi tiwala ko ang nasira, at puso ko yung nasaktan nila, kaya hindi ko na alam kung pano pa magtiwala sa iba dahil sa mga problemang kinakaharap ko ngayon!

Hay naku naman!

Bakit pa ba kasi sya bumalik balik pa?

Kung gusto nyang dalawin si Ian, sana tiniming nya na hindi ako pupunta or yung pauwi na ko!

"Hindi nga ako nagkamali, nandito ka nga!" Mahina at malambing na sabi ni Xena nang makita nya ko. Nandito ko sa park malapit sa school namin, dito sa park na to, dito ko kinompronta si Grae noon tungkol sa lihim nyang pagtulong sakin. Umupo siya sa swing na katabi ng swing na inuupuan ko.

"Kanina ka pa nila hinahanap" she said habang nakatingin sa mga kamay nyang nilalaro nya.

"Sabi nga pala ng doctor ni Ian pwede na syang lumabas bukas" sabi nya ulit.

"He wants to stay in your house" dagdag nya. Napatingin naman ako sa sinabi nya.

"Bakit?" Natataaka kong tanong.

He now have his own house na malayong malayo ang itsura sa bahay namin, so why would he want to stay at our house?

"He wants to bond and be with his sisters daw" sagot nya lang.

Naisip ko naman bigla si Ian, nang malaman nyang uuwi ang tatay nya sinabi nya agad sakin, sinabi nyang gusto nyang magkausap kami ulit at makapag paliwanagan, matagal bago nya ko mapaoo, pero kahit na nag-oo ako sa kanya, hindi ko talaga kinaya yung nararamdaman ko nang makita ko na sya ulit.

"Nagkita na rin pala si Lea at ang papa nyo" biglang sabi ni Xena.

"And?"

"As expected, okay na sila" sagot nya.

Pasaway talaga tong si Lea! Lahat ng ayaw ko gusto nya!

"Hay naku!" Biglang reklamo ng katabi ko.

"Inaano ka?"

"Nilalamok na ko rito, ah! Tara na nga, umuwi na tayo, tama na ang pag-eemo, pagmamaktol at pag-iinarte, dali na!" Sermon nya saka tumayo.

"Xena, ikaw na muna ang mauna, may dadaanan lang ako" sabi ko, tinaasan naman nya ko ng kilay.

"Saan naman aber! Sasamahan kita!" Tanong nya, kung tanong ba yun o utos.

"Hindi na! In case hindi ako makauwi agad, wag ka mag-alala, okay ako!" Sabi ko at nauna nang maglakad sa kanya.

Hindi ko talaga alam kung san ako pupunta, dirediretso lang ako sa paglalakad na parang walang kapaguran. Namalayan ko na lang na nandito na ako sa tapat ng unit ni Rhon. Hindi ako kumatok, hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko kung magtanong sya kung bakit ako nandito sa unit nya ng ganitong oras!

"Bakit ba ko nandito?" Bulong ko sa sarili ko, patalikod na ko sa pinto nang bigla ulit akong humarap dito.

Makikipagkwentuhan lang naman ako!

Pero sa lalaki!?

Nang ganitong oras?

Ano naman kayang iisipin ni Rhon sakin?

Na dahil umalis ang kapatid nya kaya sya na lang ang dinidikitan ko? NO!

Napa-iling na lang ako dahil sa mga pumapasok sa utak ko!

Hindi naman ganun mag-isip si Rhon, kaibigan ko naman din sya diba? Diba? Diba?

Hay naku!

Bago pa kung ano man ang pumasok sa utak ko, kumatok na ko sa pinto. Nakatatlong katok ako pero nakapagtataka kung bakit parang hindi ako naririnig ni Rhon. Kumatok ulit ako ng anim na beses, pero walang nangyare, walang sumasagot.

"Lei?!" Rinig kong tawag ng isang boses lalaki mula sa likod ko, paglingon ko palang nagulat na lang ako ng yakapin nya ko. Dahil sa pagkabigla hindi ako agad nakapagreact, pakiramdam ko pansamantala akong naistatwa dahil sa yakap nya.

"Kanina ka pa namin hinahanap, sabi ni Xena uuwi ka agad, pero ilang oras ka naming hinintay sa bahay nyo hindi ka dumating, san ka ba nagsuot huh!?" Sabi nya habang mahigpit pa rin ang yakap sakin. Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso nya, yung hininga nya sa may tenga ko at yung pag-aalala sa boses nya.

"Nag-alala kami sayo, nag-alala ako ng sobra sayo! Alam mo ba yun?" Sabi nya at lalo pang napahigpit yung yakap nya sakin.

"Rhon, ahm, Rhon bitaw na" mahina kong sabi habang tinatapik tapik ang likod nya.

"Sorry, nacarried away lang, nag-alala lang ng sobra" sabi nya saka ako nginitian habang kumakamot pa sa batok nya.

Pumasok kami sa loob at agad nya kong binigyan ng maiinom.

"Anong nararamdaman mo?" Bigla nyang tanong. Bakit yan agad ang tanong nya? Hindi ba dapat kumain ka na ba? Okay ka lang? Diba dapat ganun? Pero kahit na medyo nagtataka, sinagot ko pa rin, may manners naman ako noh!

"Pagod, naglakad lang kaya ako buong maghapon"

"That's not what I mean, alam kong alam mo kung anong tinutukoy ko" sabi nya na parang inis na sakin,ah, yun ba? Sorry akala ko tinatanong nya kung kamusta ang pagkawala ko, eh.

"Bakit Rhon, ano ba dapat kong maramdaman?" Tanong ko na lang, "Sa sobrang dami ng problemang tumatakbo sa utak ko, pakiramdam ko tuyot na tuyot na yun at pati yung puso ko apektado na, pakiramdam ko nga manhid na rin ako" sabi ko habang tinutunaw sa tingin ang baso ng iced tea na nasa harap ko.

"Sabi ni Xena, hindi ka nya nakitang umiyak"

"Naubos yata kagabi?" Patanong ko namang sagot sa kanya.

"Alam mo Lei, yang galit parang bacteria yan, pag hindi mo nilabas dumadami, kaya nakakaapekto sa kalusugan natin" napatingin ako sa kanya, his smiling genuinely.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga ngiti nya pero bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot dahil sa ngiting yun. Umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako saka mahinang tinapik tapik yung balikat ko, hindi ko alam kung bakit, pero dahil sa ginawa nya bigla na lang akong humagulgol at umiyak sa mga bisig nyang naka-alalay sakin.

"Cry it out, just cry it all out" sabi nya habang hinihimas ang balikat ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, pero pinabayaan ko lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak.

"Hindi ako kasing galing ni Caleb mag payo, pero may gusto akong sabihin sayo, it's up to you kung pakikinggan mo o hindi" sabi nya habang hindi inaalis ang kamay sa balikat at ulo ko, "Forgive and forget, not revenge and regret" sabi nya at naramdaman ko namang muli ang tibok ng puso nya dahil sa lapit ng mukha ko sa dibdib nya.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon