Forty second Dream

24 2 0
                                    

@CALEB'S POV@

Pagkabasa ko sa text ni Rhon agad kong sinabihan si Arkin at Aki na busy sa paglalaro ng kung ano sa mga phone nila.

Si Lea naman na tulog pa ay ibinilin ko kay Arkin na iuwi na.

"Si Lea?" Bungad na tanong ni Ian nang magising sya.

"Ah, pina-uwi ko muna para makapagpahinga ng maayos, she's with Arkin, so don't worry" sagot ko.

"Nga pala, his already here, sabi ni Rhon pupuntahan ka nya" pagpapaalam ko sa kanya.

"Si ate?" Nag-aalalang tanong nya.

"Si Rhon na daw ang bahala sa kanila" sagot ko naman. Nang matapos syang painumin ng gamot sakto ang dating niya.

"Ian anak!" Masaya nyang sabi, bakas sa mukha at boses nya ang pag-aalala sa anak habang nakayakap ito rito.

"Dad, ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong naman ni Ian.

"Anong klaseng tanong yan anak? Syempre tatay mo ko kaya ako nandito" sagot nya naman.

"Ahm, welcome back po tito, man, labas muna kami" paalam ni Aki sabay hatak sakin. Pagbukas naman ni Aki ng pinto, mukha ni Lei ang bumungad samin.

Papasok na sana aya nang biglang isara ni Aki ang pinto!

"Bakit mo sinara?" Gulat kong tanong nang mahampas ko sya ng hindi kalakasan sa braso nya.

"Sino yun?" Nagtatakang tanong naman ni Ian, si tito naman ay nagtatakang nakatingin rin samin. Sandali kaming natahimik nang kumatok si Lei ng pagkalakas lakas mula sa labas!

"Hoy Aki! Bukasan mo nga to!" Sigaw nya, kaya lalong lumala ang nagtatakang mukha ni tito.

"Aki, open the door, baka mapagalitan pa tayo!" Utos ko na ginawa naman nya agad, takot nya lang kay Lei.

"Anong problema nyo?!" Inis na bungad naman ni Lei samin, nagkatinginan muna kami ni Aki.

"Lei kasi nas---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dirediretso na syang pumasok sa loob, napa face palm na lang ako at napapalo na lang si Rhon sa tyan ni Aki.

"I told you na bantayan sila, eh" mahinang sigaw nya.

"Hi, are you a friend of my son? I'm Marcos, I'm his father by the way, you are?" pakilala ni tito sa sarili, napatingin kami sa reaksyon ni Lei. Nakatitig lang sya kay tito at walang expression ang mukha nya, hindi namin alam kung galit ba sya, natutuwa o naiinis sa nangyayare, si tito naman at malawak ang ngiti. Samantalang si Ian mukhang pinagpapawisan na, malamang natatakot na to sa magiging reaksyon ng ate nya.

"Sabi mo ikaw bahala sa kanya?" I muttered to Rhon while his still looking at Lei's emotionless face.

"I tried bro, kaso si Xena ang kulit, nakakatakot pa silang dalawa" pambibintang pa niya kay Xena na mukhang clueless sa mga nangyayare at gusto pang makichismis

"Hoy, nasisi na naman ako, wala nga kong alam sa mga nangyayare, ano bang meron?" reklamo naman ni Xena na nakahawak sa balikat ko habang nakatingkayad at sinisilip ang kaibigan.

"Yan ba yung papa nila?" Pag-uusisa pa niya samin, tumango lang kami.

"Kaya naman pala maganda ang best friend ko, eh!" Natutwa nya pang sabi.

"Xena! Pag narinig ka nya lagot ko" Saway naman ni Rhon sa kanya.

"Ate, hindi ko alam na ngayon sya darating" dipensa agad ni Ian, bigla namang nawala ang ngiti ni tito at napalitan yun ng pagtataka.

"A-ate?" Nagtatakang sabi nito.

"Ah.. Lei tara, iwan muna natin sila Ian at tito, they have a lots of catching up to do" biglang singit ni Rhon at akmang hihilahin na si Lei palabas dahil hawak nya na ang kamay nito.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon