Third Dream

58 7 0
                                    

@LEI'S POV@

"Syempre gusto rin kita, sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Rhon Allen diba?" sagot ko nang tanungin ako ni Rhon kung gusto ko ba sya.

"I love you Lei"

"I love you too Rhon" sagot ko.

"Ate, ano tapos ka na ba kausapin sa panaginip si Rhon? Papasok ka na ba? Kasi late ka na, eh!" sabi bigla ng isang batang babae pagdilat ko.

Anak ng bulok na gulay panaginip lang yun?

Pero wait, ano?

Late na daw ako!

Oh my Tinapa talaga, pagtingin ko sa orasan 7:30 na.

"Lea, hinintay mo talagang maalimpungatan ako bago mo ko gisingin huh!" sigaw ko habang nagmamadaling maligo at magbihis.

"Peace ate, nakaka enjoy ka kasi panoorin managinip" sagot nya lang sakin.

Pagdating sa coffee shop nakatingin lang sakin si Xena.

"Hay buhay nga naman, ano nangyare?" bungad nya sakin,

"Hindi ako nagising ng maaga, eh, pano ba naman pinanuod lang ako ng kapatid ko habang nananaginip! Sorry bakla" sagot ko sa kanya.

"Okay na yun, wala naman gaanong customer, eh" sagot nya sakin.

Nananahimik ako habang nag-aayos ng cups ng biglang magdrama tong si Xena.

"Hay ganto na lang ba tayo palagi?" tanong nya,

"Ang nega mo kasi, kaya walang pumapasok na customer, eh, navavibes ka nila" sagot ko naman sa kanya.

Pero tinignan lang ako ng gaga sabay ngiti, ay may sapi ata?

"Pero bakla, tinext ka na ba ng mga hot papa??" tanong nya sakin, napabuntong hininga na lang ako.

"Sabi ko sayo, eh, pinagtitripan lang ako ng mga yun" sagot ko na may halong pagkadismaya.

"Have you checked your phone?" tanong nya.

"Oo nga, wala naman kasing bago" sagot ko.

Syempre naman kasi kahit papano umaasa ako na magtetext talaga sila sakin.














Today ang first day of school, okay naman yung schedule namin ni Xena, tuwing Wednesday lang kami walang pasok at morning shift kami, kaya after ng klase diretso na kami agad sa coffee shop.

"Bakla, mukhang rich kid ang mga nag-aaral dito" bulong ni Xena sakin,

"So? Xena ganyan lang talaga, kasi nga first day of school" sagot ko naman sa kanya, kaya nanahimik na lang sya.

There is nothing new sa first day of school, kaya dumiretso na kami sa shop!

Meron naman na kaming customer kaya busy mode na kami ng best friend ko.

Kinabukasan, pina-iral na naman ni Xena ang third eye nya daw. Wala kaming permanent block kaya naghahanap kami ng mga kablock mates namin sa lahat ng subject. Nakilala ko yung apat na babaeng kablock namin sa dalawa naming subject kahapon, kaya I'm sure kablock na namin sila sa lahat ng 8 na subjects namin. Nandito lang sila sa harap namin, kaya kinapalan ko na ang mukha ko at kinalabit ko ang isa sa kanila.

"Hi I'm Leila , and this is Xena, kablock namin kayo sa Math I at Marketing I diba?" tanong ko, well they smiled at me naman.

"Ah, yes, ako nga pala si Aicy, sila naman si Kara, Shane and Patty" pakilala nya sa mga kasama nya.

"Nice to meet you girls" sabi naman ni Xena.

Dahil dun nagkachikahan na kami, we found out na rich kid pala tong mga to, buti hindi kami dinedma! nga lang hindi sila fan ng 'The Prince' of my life kaya si Xena lang talaga ang makapagtitiis sa mga story ko about them.

Pero dahil dakilang fan talaga ako, kinuwento ko sa kanila ang The Prince. Hindi namin napansin na huling subject na pala namin, at bukod pa doon, pinagtitinginan na kami ng iba naming mga kablock.

"Bakit sila nakatingin sakin?" tanong ni Xena,

"Correction Xena, kay Lei sila nakatingin at hindi sa iyo" sabi ni Kara.

"Oh, teka bakit sakin?" tanong ko.

Nagsulat sa papel si Patty saka nya ito inabot sakin, pagkabasa ko, 'Because of your hot seatmate' napatingin ako sa right side ko, which is si Xena,

"Hot ka?" nagtataka kong tanong na may halong pang-aasar pa, "Gaga, hindi si Xena" sabat naman ni Aicy, sabay turo dun sa left side ko using her lips.

Paglingon ko, may lalaking natutulog, akalain mo yun, umupo sya sa tabi ko  ng hindi ko man lang namamalayan? Gano ba ko kamanhid? Well his kind a cute pero hindi sya hot!

"Okay girls, enough na" saway samin ni Shane,

"Pero wait, last subject, meaning to say mag-aapat na oras na tayong nagdadaldalan, lumabas at pumasok na yung mga new block mates natin hindi pa natin alam?" sabi ni Xena.

"Yuh, pero tama na yan, nandyan na yung prof" saway samin ni Patty.

Nakatingin lang kami sa kanya ng bigla syang mapatingin sa direksyon ko at tinuro ako.

"You Miss" Sabi nya, hindi ko sure kung ako kaya tumingin ako sa likod ko, pero shunga lang, nasa last line na pala kami ni Xena.

"Yes you, yung may katabing tulog" sabi niya, so ako nga yun.

"Ano po yun Sir?" magalang kung tanong.

"Anong family name mo?" tanong nya sakin,

"Gimo po sir" I answerd.

"Ms. Gimo, starting from now, pag nakita o nadatnan kong tulog sa klase ko yang katabi mo tres ka agad sakin" sabi nya na kinagulat ko ng husto.

"Eh, pano po sir kung absent?" tanong ni Xena.

"Good question, Ms. Gimo, pag nakita o nadatnan kong tulog sa klase ko yang katabi mo tres kayo parehas sakin, pag sya naman absent singko na kayo" sabi nya sakin, ang he looks so serious, walang hiya naman, nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi nya.

"But sir?" reklamo ko,

"NO buts Ms Gimo, now, gisingin mo na yan" utos nya sakin na agad agad ko naman ginawa.

"Nakakaloka naman to" bulong ko pero alam kong narinig ni Xena.

"Mr! Mr? ui Mr!" tawag ko pero hindi ko sya magising.

"Sir ayaw nya po magising, eh" reklamo ko kay Sir, kinakabahan na rin ako.

"Ms Gimo, pag sya hindi mo nagising drop ka na" sabi nya sakin bigla, tae naman oh,

"Ui gumising ka na kaya dyan, Mr gumising ka na ano ba!!" tawag ko pero ang nakakabad trip ayaw nya pa rin magising.

"Am I going to drop you now Ms Gimo?" biglang tanong ng prof namin na may hawak pang ballpen, kinabahan ako lalo,

"Wait lang po sir" pagpigil ko kay sir.

Hinawakan ko nalang yung kamay nya na pinang tukod nya sa ulo nya saka ko ito hinila, nagising naman sya.

"Sorry but I have to do that" sabi ko nang tumingin sya sakin ng masama sabay turo ko kay Sir Ramos.

"Ui Mr Grae" biglang sabi nitong si Xena, napatingin lang ako kay Xena, while yung Grae daw ay mukhang high blood na sakin.

"Okay class dismissed" biglang sabi ni Sir.

Tae lagot na ko, patay ako nito dito, pinagising gising nya pa sakin sabay dismissed na? takte naman!

Dream LandWhere stories live. Discover now