Tenth Dream

31 6 0
                                    

@LEI'S POV@

It's already 4:00 am in the morning tulog na sila mama, Lea at Xena.

Pero nasan si Grae? nagligpit lang ako sa baba nawala na sya?

Sinubukan kong hanapin ang lalaking nakipasko samin, at nakita ko syang nakaupo sa labas ng bintana.

"Day dreamer na din? Nahawa ka na talaga sakin?" biglang sabi ko na halatang kinagulat nya.

"Alam mo ikaw, para kang kabute, kung saan saan sumusulpot!" sabi nya sakin, nandito sya sa may bubong.

Umakyat ako at tumabi sa kanya.

"Ikaw naman para kang bula na bigla bigla na lang nawawala" bawi ko naman sa kanya, ngumiti lang sya.

"Ano, kamusta makipasko sa mga mahihirap?" tanong ko.

"Mas masaya magpasko nang walang handa pero may kasama, kesa naman madaming handa, wala namang kasalo!" sagot nya sakin.

"Wow hugot!" sabi ko naman.

Nanahimik kami sandali, pero binasag ko rin agad yun.

"Nga pala, kamusta naman ang birthday?" tanong ko.

"Mas masaya talaga tong birthday ko this year, this would be the best birthday of my life ever!" sagot naman nya.

"OA nun, ah!" sagot ko naman.

"Pero yung totoo, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Inisip ko kung pano ko sasabihin sa babaeng mahal ko yung nararamdaman ko para sa kanya" Seryoso nyang sagot.

"Eh, bakit, sino ba yung babaeng yun?" tanong ko, seryoso syang tumingin sakin.

"Ikaw" sagot nya.

Nawala bigla yung ngiti ko sa mukha at napalitan ng pagtataka na para bang nanigas bigla yung mukha ko.

"Assuming! Nagbibiro lang ako!" bigla nyang sabi, bwisit talaga tong taong to.

"Ewan ko sayo, pero seryoso na nga, sino ba yun? Kilala ko ba?" pangungulit ko.

"Secret, hindi ko sasabihin, hindi naman tayo close, eh" sagot nya.

"Hoy ang kapal ng mukha mo, nakikain at nakitulog ka na sa bahay namin at lahat, hindi pa pala tayo close? Aba lumayas ka na kaya dito, umuwi ka na" sunod sunod kong sermon! umandar na naman yung bibig nya!

"Sus, nagagalit ka lang kasi hindi ikaw yung gusto ko, eh!" pang-aasar nya pa sakin.

"Hoy hindi noh! Para magalit!" sagot ko naman.

"Peace na tayo mushroom, ayoko na itopic love life ko" pagtatapos nya na lang sa bangayan namin.

Nanahimik kami ulit ng magtanong sya bigla sakin.

"Nakuha mo na ba yung christmas gift na gusto mo?" tanong nya.

"Oo" agad ko namang sagot.

"Nakuha mo na ang the prince mo?" bigla nyang tanong, napaisip naman ako bigla.

"Sabi na yun talaga yung inaantay mong regalo, eh!" sabi nya.

"Hindi, ah, alam ko namang super imposible talaga yung regalo na gusto kong makuha, kaya hindi naman ako umasa" sagot ko naman sa kanya.

Nabaling yung atensyon nya sa phone nya ng bigla yun tumunog, ewan ko ba kung sino ang nagtext pero napangiti sya.

"Nagtext na yung babaeng mahal mo kaya ka napangiti noh?" pangaasar ko sa kanya.

"Hindi, ah" sagot nya, sumilip sya sa right side ko.

"Asan phone mo?" tanong nya sakin.

"Nasa kwarto ko, bakit?" sagot ko naman na may halong pagtataka.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon