Forty eight Dream

25 1 1
                                    

@LEI'S POV@

"Good morning" malambing na bungad ni Rhon sakin nang imulat ko ang mga mata ko, nakangiti sya ng malawak at naka tukod ang kanang kamay sa ulo nya bilang suporta. Nakahiga pala sya sa kama ko.

"Pano ka nakapasok?" Mahina kong tanong.

"Hindi ka kaya nag lock! Ikaw, ah" sabi nya sabay taas baba ng kilay, "You're really expecting me here!" Sabi nya na parang nang-aasar pang tono.

"Shut up Rhon, lumabas ka na at maliligo pa ko!" Sabi ko at tatayo na sana nang ipatong nya ang right leg nya sa mga binti ko at ang kanang kamay naman nya ay pinangyakap nya sakin.

"Five minutes" sabi nya saka nya ibinaon ang mukha nya sa leeg ko, "Paidlip muna sa tabi mo, hindi ako nakatulog ng mabuti sa sofa, eh" sabi nya pa,

Dito ko na kasi sya pinatulog sa apartment namin dahil anong oras na kami natapos mag-usap kagabi.

"Rhon malelate na ko" sabi ko at tatanggalin na sana ang mga kamay at paa nyang nakapatong sa katawan ko, pero lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin.

"Tanghale na, late ka na talaga" mahina nyang sabi. Nanlaki naman ang mata ko at kinuha ko yung mukha nya saka ko hinarap sa mukha ko.

"Bakit hindi mo ko ginising!?" Sermon ko, pero ngumiti lang sya ng nakakaloko.

"Sinabi ko kay Xena na masama pakiramdam mo kaya absent ka muna ngayon" sabi nya saka na naman ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"Eh, ikaw, bakit ka pa nandito? Wala ka bang trabaho? Appointment? Photoshoot? Mall tour o guesting?" Sunod sunod kong tanong, naradaman ko lang ang ulo nyang umiling.

"Hoy, ang tagal na ng five minutes mo, ah!" Sermon ko habang pinapalo palo ng mahina ang kamay nyang nakayakap sakin.

"Pag bumalik sya, hindi ko na to magagawa, so please just let me do this until I can" mahina nyang sagot. Natahimik ako sandali sa sinabi nya at saka ko lang na realize na parang nasasaktan ko na sya sa sitwasyon na meron kami.

Ayokong mangyare yun pero parang kahit anong desisyon ang gawin ko masasaktan at masasaktan ko pa rin sya ayoko syang masaktan because he doesn't deserve it.

"Wag ka mag-isip ng kung ano, masaya ako sa ginagawa ko kaya wag kang emo dyan" saway nya na para bang nabasa agad ang iniisip ko kahit hindi nya ko tinitignan.

Alam kong mali ang pinasok ko una palang, pero ang sabi nya, his willing to make everything right basta hayaan ko lang sya.

»»»flashback graduation night«««

Hinila ako ni Rhon papunta sa park sa village, may sasabihin daw kasi sya sakin, pero hindi ko magets kung bakit kailangan pa naming lumayo.

"Hoy Rhon ano ba kasi yang sasabihin mo? Bakit kailangan lumayo pa tayo?" Reklamo ko habang sinusundan sya sa paglalakad. Umupo sya sa isang bench at inutusan pa akong umupo sa tabi nya na sinunod ko naman.

"May special gift ka ba sakin na ayaw mo ipakita kay Xena?" Tanong ko, pero hindi sya sumasagot.

"Hoy Rhon, may problema ka ba?" Tanong ko ulit pero hindi pa rin nya ko pinapansin.

"Rhon ano ba? Pinagtitripan mo na naman ba ko? Gabi na para sa mga trip mo, ah, bukas na lang yan!" Sabi ko ulit pero tahimik pa rin sya habang nakatingin sa hindi ko alam kung saan.

"Ako kanina pa nagtatanong, ah, wala ka ba talagang balak sagutin ang mga tanong ko?!" Medyo inis kong tanong saka sya tinignan pero hindi pa rin sya tumingin sakin. Mula nang umalis kami sa bahay hindi pa sya nagsalita ulit kahit tignan ako ay hindi pa nya ginagawa, pero dahil mukha akong nakikipag-usap sa puno, nainis na ko kaya aalis na ko.

Dream LandDär berättelser lever. Upptäck nu