Thirty fifth Dream

24 2 0
  • इन्हें समर्पित: JanicaUrsag
                                    

@ARKIN'S POV@

Isang linggo na mula ng magsunod sunod ang tinuturing ni Lei na problema.

Nandito ang the Prince sa unit ni Grae.

"Nakakamiss yung bonding nating pito nila Lei, yung isang linggo na hindi na natin sya nakikita o nakakasama man lang, parang ilang buwan na" reklamo ni Aki habang nakasandal sa sofa.

"Mahigit isang linggo na tayong hindi nabubuo, pero kayo, anytime you want, pwede nyo syang puntahan, eh, ako?" sagot naman ni Ian.

Nagkatinginan tuloy kaming lahat at nauwi ang tingin namin kay Aki.

"Why? did I say something wrong?" patay malisya nyang tanong.

"Aki, kuha ka na lang ng pagkain sa kusina para safe ka" utos na lang ni Rhon sa kanya.

Nagkukwentuhan si Rhon at Caleb, si Grae naglalaro sa phone nya, habang ako, busy sa pag tutwitter nang mapansin kong namumutla si Ian.

Namumuntla sya, tipong kulang na sya sa dugo? Alam ko namang maputi nga sya, pero para kasing iba yung puti nya? Well namumutla ba sya o naggugluta?

Napansin rin ni Caleb na nakatitig ako kay Ian, pero si Rhon ang nakabasa ng iniisip ko.

"Hoy Ian, naggugluta ka ba?" seryoso nyang tanong na kinatawa naman ni Grae.

"Ui Ian, maputi ka na ayaw mo pa makuntento, gusto mo pa yong kasing puti ng bond paper?" pabirong tanong ni Grae kay Ian.

"Hoy ayoko ng super puting kulay, saka hindi ako nag gugluta, kaya tumigil tigil nga kayo dyan, ako nanaman ang trip nyo" reklamo nya samin at tinuon na lang ang atensyon sa phone nya.

"So namumutla ka talaga?" bigla kong sabi, kaya napatingin sya sakin, kahit sila Caleb napansin rin yung napansin ko.

"Oo nga, parang nga, hindi ka pa ba kumakain?" tanong ni Caleb.

"Oh heres the food na!" sabat naman ni Aki na may dalang sandwiches at isang pitcher ng juice.

"Bro painumin mo nga muna to" utos ni Grae kay Aki habang nakaturo kay Ian.

Nilagyan naman ni Aki ng juice yung isang baso at inabot ito kay Ian. Pinakain na din namin sya ng sandwich pero after nya kumain, aba may sapak ang lolo mo, nagpaalam at pupunta daw muna sa gym para magpapawis. Yung building kasi ng unit nitong si Grae ay may gym na nasa lobby lang, kaya medyo malakas loob ni Ian mag gym mag-isa.

Nagmeryenda kaming lima at nag jamming, hindi namin namalayang nakabalik na pala si Ian at tahimik itong nakaupo dun sa beat box na nasa tabi ng mesa na may mga figurines na malapit sa may pinto.

"Ian, bat nandyan ka sa tabi, dalhin mo dito yung beat box jam tayo" aya ko.

Napatingin lang sya sakin, nagkatinginan tuloy kaming lahat at napansin naming pinagpapawisan sya, hawak nya ang lower part ng tiyan nya, yung part kung nasaan ang appendix natin.

Napatayo agad si Caleb at lumapit kay Ian.

"Bro ayos ka lang? pawis na pawis ka, ah" nag-aalalang tanong nya.

"A-ang s-sakit" namimilipit nyang sabi, kami naman automatic nang napalapit sa kanya.

"Bro, anong nararamdaman mo? anong masakit? Saan masakit?" nag-aalalang tanong naman nitong katabi kong si Rhon.

"May appendicitis ka Ian diba?" biglang tanong ni Aki.

"Sumasakit ba?" nag-aalala ko namang tanong, tumango sya as an answer.

"Tara na dalhin na natin yan sa hospital" sabi naman agad ni Grae at agad binuksan ang pinto.

Pagdating namin sa hospital sa E.R sya agad diniretso, lahat kami aligaga at alalang ala. Walang nagsasalita at mukhang walang gustong magsalita.

"Bro tawagan mo si Lei" utos ni Aki kay Rhon, akala ko hindi pa rin sila magsasalita, eh.

"Susunduin ko na lang sya" sabi naman ni Rhon,

"Sige, tetext ka na lang namin pag may balita" sagot ko saka na sya nagmamadaling umalis.

@LEI'S POV@

Linggo na naman, at kasama namin ngayon si mana, after naming magsimba kanina, pakiramdam ko bigla akong kinabahan at nag-alala sa hindi ko malamang dahilan, napatingin ako kay Lea at mama, okay naman sila.

Pagkatapos naman naming mag lunch sa bahay, nagkukwentuhan kaming tatlo nila Lea nang dumating si Xena.

"Best, musta, babalik ka na sa kitkat bukas, ah" bungad nya pagpasok sa pinto.

"Oo wag ka mag-alala"

"Ate Xena, pumunta ka lang po ba dito para ipaalala kay ate yan?" tanong naman ni Lea.

"Ay, hindi naman" sabi nya.

Nakipagkwentuhan na din si Xena samin after nya ipaalala na kailangan ko na bumalik sa kitkat.

"Lei!" biglang tawag ng biglang sulpot na si Rhon sakin.

Pawis na pawis na akala mo tumakbo mula sa bahay nya papunta dito, hinihingal pa. Yung totoo? Tinakbo nya ba talaga yung bahay namin?

"Oh Rhon, para kang hinahabol ng mga sadista nyong fans, ah, pumasok ka nga muna dito" sabi ko at hinila sya para maupo sa upuan, pakiramdam ko nahahawa ako sa hinggal nya.

"Bakit ba para kang hinahabol ng multo?" tanong ni Xena sa kanya.

"Tita, Lei, Lea" banggit nya muna sa pangalan namin, lalo akong kinabahan nang isa isahin nga ang mga pangalan namin at isa isa pa nya kaming tinignan.

"Teka, hindi ako kasama?" Singit ni Xena at nag pout pa ang bruha, pero hindi sya pinansin ni Rhon at nagsalita sya ulit.

"Nasa hospital si Ian" sabi nya bigla habang seryosong nakatingin sakin.

"Oh my gosh!" biglang sabi naman nitong si Xena, OA, ah kapatid rin?

Pero bakit parang pagkasabi nya nun, pakiramdam ko may kumurot sa puso ko. Nabalot ng katahimikan yung bahay, parang yung paghinga na lang ni Rhon ang naririnig namin, biglang tumunog yung phone nya at nakatitig sya sakin nang sagutin iyon.

"Arkin?...... Nandito sila sa harap ko....kailangan na daw?..... kayo na lang..... oo papunta pa lang kami..... sige, sige"

Habang kausap nya si Arkin, nakikita ko yung pag-aalala sa mata nya, pagbaba nya ng phone nya naihilamos nya ang kanang kamay nya sa mukha nya saka sinabi samin yung sinabi ni Arkin sa kanya.

"Kailangan daw nyang maoperahan" sabi nya, bakas na bakas sa mukha at boses nya ang pag-aalala.

"Puntahan na natin si kuya Ian mama, nag-aalala na po ako" biglang sabi ni Lea kay mama. Napatingin si Lea at mama kay Rhon, saka tumingin naman silang tatlo sakin..

"Tara" sabi ko saka tumalikod at nauna nang lumabas.

Nasa tabi ako ng drivers seat, at si Rhon ang nag dadrive.

"Ah, Rhon, baka naman ligtas na si Ian, pero tayo naman ang malagay sa E.R nito sa sobrang bilis mo magpatakbo" sabi bigla nitong si Xena, pero hindi na naman sya pinansin ni Rhon. Maya maya lang nakarating kami sa hospital.

Pagbaba ko sa kotse, lalo akong kinabahan. Nagmamadaling pumasok si Rhon at dumiretso sa O.R. Nadatnan naman namin dun yung ibang the Prince at si..si.. si Grae.

"Tita!"Caleb

"Lea" Aki,

"Xena" Arkin.

"Lei?" mahinang banggit ni Grae sa pangalan ko, pero dahil naglinis naman ako ng tengga ko narinig ko.

Sandaling nagtama ang mga mata namin, pero agad ko yung binawi at tinignan na lang si Xena.

"Ano nang balita?" tanong agad ni Rhon sa kanila.

"Wala pa bro, 20 minutes palang silang nasa loob" sagot ni Arkin.

"Ano bang sabi ng doctor?" tanong naman ni Xena.

"Malapit na daw kasi pumutok yung appendix nya, kailangan na daw yun tanggalin bago tuluyang pumutok, dahil mas malala kung sakaling yun ang mangyare" mahinahong paliwanag ni Caleb.

Dream Landजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें