Ultimate Dream (part one)

27 3 0
                                    

@XENA'S POV@

May mga tao at bagay na hindi mo aakalaing mapupunta sayo. Minsan nakakagulat isipin na yung mga bagay na pinapangarap mo lang noon ay nasayo na ngayon, parang dream come true lang.

Pero alam nyo ba kung anong ultimate dream namin nila Aicy at Rhon?

Yung madugtungan yung love story na naputol agad kahit hindi pa nag-uumpisa. Ang tanong, matuloy pa kaya yun? Mahal nga ni Lei si Grae, pero si Grae? Hindi namin alam, yung balita kasing nandito si Grae sa bansa until now hindi pa confirm.

Nakatingin ako ngayon dito kay Lei na na nag-aayos ng gamit nya sa bag, hindi sya nag-oopen sakin ng mga nararamdaman ng puso nya, pero bilang best friend nya, alam ko at ramdam kong mahal nya pa rin si Romeo, este si Grae.

Nandito ko sa room nya at hinihintay syang matapos magready para makaalis na kami. Manunuod kasi kami ngayon ng concert ng the Prince, celebration ng 13 anniversary nila sa showbiz industry, binigyan kami nila Rhon ng VIP tickets kaya for sure maganda na naman ang spot namin mamaya.

"Tara let's" aya nya nang maisabit na sa balikat ang sling bag nya. Kasama namin ang buong squad pati na rin sila tito, tita at Lea.

"Sila Aicy ba hindi sasabay?" Tanong ni tita na nasa shotgun seat.

"Sa labas na raw po ng concert hall nila tayo hihintayin" sagot ko.

Sa bahay na pala nila Ian kami nakatira ni Lei, hindi raw kasi ako iiwan ni Lei mag-isa sa apartment ko, eh, oha, ang sweet ng best friend ko, eh, forever na talaga kami.

Nang makapasok kami sa concert hall, agad naming nakita yung apat na hinihintay kami. Infairness, ah, puro kami mga nakapula, hindi naman kami nag-usap usap. Si tito, tita at Lea lang ang nakadilaw.

"May color coding ba?" Tanong ni tito nang mapansin ang napansin ko, nagsitinginan naman sila sa mga damit nila at bahagyang natawa sa nakakalokong coincidence na pangyayare.

Nasa first line yung seat namin sa bandang gitna sa tapat mismo ng stage kaya kitang kita namin kung sino man ang mga guests artist na pupunta. Kagaya ng inaasahan sold out at puno ang venue, ang lakas talaga ng the Prince sa mga fans nila, kahit kailan.

Nang mamatay ang lahat ng ilaw sa concert ground nagsitilian ang mga tao, isa isang lumutang ang mga pangalan nila Rhon, Caleb, Arkin, Aki at Ian sa tapat namin. Hanggang sa isa isa silang tapatan ng spot light, dahan dahan naman silang nagsisilungon tuwing tatapat na ang spot light sa kanila, at nagsimulang tumugtog ang unang kanta na napasikat nila.

Nakakaproud, nakakamesmerize at nakakatuwa silang panuoring kumakanta habang sumasayaw sa ibabaw ng stage, ilang beses ko na silang nakitang magperform pero ganun pa rin ang pakiramdam ko. Feeling ko tuloy ako yung nanay nila.

May mga pakulo pa silang hinanda para sa mga fans nila. Ang dami nilang mga prod na hinanda, kaya pala halos sa studio na sila tumira sa loob ng isang buwan habang pinaghahandaan ang concert na 'to. Ang dami rin nilang guests artist. May mga solo prod pa sila kasama ang iba pa nilang guests. Tuwing magsisimula sila para sa bagong prod, pinasasalamatan nila ang mga fans na buong pusong sumusuporta sa kanila sa loob ng labing tatlong taon at parating sinasabing para sa kanila ang performance na yun.

Wala bang para samin? Choss!

Masaya at mainggay ang mga fans habang chinicheer ang mga idols nilang nagpeperform. Hanggang sa last part na ng concert ay lumabas sila sa stage ng naka all red, matchy kami, ah!

"Nakakapagod magpalit ng magpalit, ah" pabirong reklamo ni Ian.

"Pero para sa inyo handa kaming mapagod mapasaya lang kayo!" banat naman ni Rhon na kinatili na naman ng mga tao.

Dream LandWhere stories live. Discover now