Fiftieth Dream

27 1 2
                                    

@LEI'S POV@

".. kung hindi mo mahal si Grae, hindi ka maguguluhan sa nararamdaman mo"

".. kung hindi mo mahal si Grae, hindi ka maguguluhan sa nararamdaman mo"

".. kung hindi mo mahal si Grae, hindi ka maguguluhan sa nararamdaman mo"

So mahal ko sya?

Mahal ko si Grae?

"Shit nakakainis! Bakit hindi ko alam kung anong nararamdaman ko!?" Sigaw ko napahiga ako sa sofa at pumikit, hindi muna ko pumasok dahil pakiramdam ko hindi ko rin naman magagawa yung mga trabaho dahil sa sobrang preoccupied ng utak ko.

"Si Grae ba o si Rhon? HINDI KO NA ALAM!" Nakakainis, na talaga, hindi ko alam kung bakit ba ko naguguluhan.

"I love you" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses, agad kong binukas ang mga mata ko, sino yun? Wala akong kasama dito sa bahay dahil si Xena ay kanina pa umalis. Tumayo ako at humarap sa pintuan, nakasarado ito pero nakasandal dito si Rhon.

"R-Rhon?" Nauutal at patanong kong banggit sa pangalan nya.

"Miss me?" Tanong nya sabay ngiti, pero yung ngiting matamlay.

"A-anong ginagawa mo dito? P-pano ka n-na naman nakapasok? Kanina ka pa dyan"

"Hindi ka na naman naglock" sabi nya saka lumapit sakin at umupo sa tabi ko "Pumunta ko sa office nyo, sabi ni Xena nandito ka raw"

"Nasabi ko na sa kanila" sabay naming sabi habang hindi nakatingin sa isa't isa, pero nagkatinginan kami dahil sa sabay naming pagsasalita at natawa ng bahagya.

"Sinermonan nila ko" sabay na naman naming sabi, well as expected.

"Baka pareho pa sila ng mga sinabi satin" natatawa kong sabi saka tumingin sa mga paa ko na nakapatong sa ilalim ng center table.

"Wag kang maguluhan, alam natin pareho kung ano ang nararamdan, at kung sino talaga ang laman ng puso mo" he said then kinuha yung mga kamay ko at mahigpit itong hinawakan "Alam natin pareho na hindi ako yun"

Pagkasabi nya nun ngumiti na naman sya, pero kasabay ng pag ngiti nya ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nya.

"Rhon, I'm sorry...I'm really, really sorry" sabi ko saka pinunassn yung luha nyang tumutulo mula sa mga mata nya, seeing him cry feels like my heart is tearing apart. "Please wag kang umiyak, I don't deserve those precious tears of the one and only Rhon Allen" sabi ko saka sya niyakap.

"Don't feel sorry, it's my fault anyway" he said. Ibinaon nya ang mukha nya sa balikat ko at ramdam na ramdam ko yung init ng mga luha nyang unti unting bumabasa sa t-shirt na suot ko.

"Sorry kung pinaasa kita, akala ko matututunan rin kitang mahalin kagaya ng kung pano ko natutunang unti unting tanggapin si papa" sabi ko, bumitaw sya sa pagkakayakap ko at humarap sakin habang pinapahid ang mga luha sa mata nya.

"Pero hindi mo nagawa" sabi nya, napayuko na lang tuloy ako at nalungkot and at the same time nagiguilty dahil sa sakit na binigay ko sa kanya.

"Hindi ko talaga sinasadyang paasahin ka, I'm really really sorry Rhon" mahina kong sabi habang nakayuko pa rin. Inangat nya yung mukha ko para makita nya ko saka nya ko nginitian.

"Kung nasaktan mo ko, hindi mo yun kasalanan, it's my own fault, hindi mo dapat sisihin ang sarili mo dahil ginusto ko to" pagpapagaan nya sa loob ko, "Sa una palang naman alam ko nang talo na ko, eh, pero pinagpilitan ko ang sarili ko, kaya nang payagan mo ko sa kalokohan ko, sinabi ko na sa sarili ko na ano man ang maging desisyon mo, tatanggapin ko, at kung masaktan man ako, kagagawan ko yun, wala kang kinalaman dun" after that line automatic na lang na napayakap ako sa kanya.

Dream LandWhere stories live. Discover now