Twenty fourth Dream

24 4 0
                                    

@LEI'S POV@

After ng pag-uusap namin ni Rhon na nauwi sa kulitan kahapon, kahit alam kong hindi pa sya ganun ka okay, pinilit nya paring iparamdam sakin na okay sya. Kaya naman pinilit ko ring mawala agad yung awkward atmosphere between the two of us.

Pero masasabi ko na for sure, nahirapan pa rin si Rhon sa naging disisyon nya.

Ang hirap ko kayang kalimutan..

Charot, ashumera na rin ako ngayon, ah.

Hay naku, ewan ko mula nang mahawaan ako ni Aki ng Good vibes energy nya, parang kumapal ang mukha ko bigla.

Pero balik kay Rhon, I am so happy na ayos na kami at back to normal na ulit kami. Kahit alam ko na nahihirapan sya, sana mawala na agad yung nararamdaman nya para sakin. Alam kong ginagawa nya lahat para maging okay kami, I know deep inside na nahihirapan at nasasaktan pa rin sya. Hindi naman sa pagiging assumera, alam ko lang talaga kung gano kahirap magtago ng feelings. Besides, I know that I don't deserve his love, and he deserve more, at alam kong hind ako yun.

@RHON'S POV@

Ayos na kami ulit.

Pero ang hirap pa rin magpanggap na wala ka nang nararamdaman kahit na deep inside, gusto mo na syang yakapin at sabihin sa buong mundo na mahal na mahal mo sya.

Ganto pala ang pakiramdam nung mga taong naiinlove sa taong hindi sila ang mahal. Ang hirap na nga sobra ng sakit pa.




@GRAE'S POV@

Last month nung Valentine's, naalala ko yung ginawa ko para kay Lea.

»»»»flashback one month ago««««

"Gusto ko makilala at makita ulit ang papa namin kuya"

Ito ang hiling ni Lea na gusto nyang maging regalo para sa debut nya, nang minsan ay makakwentuhan ko sya habang nagluluto si Lei at tita sa kusina nung nagpasko ako sa kanila.

Naalala ko lang dahil nakita ko ang picture naming dalawa nang kalkalin ko ang mga folders ko sa laptop.

"Hanapin ko kaya ang papa nila? pero ano nga ba ang totoong pangalan ng papa nila?" Matanong ko nga kay tita,

"Kaya lang, baka lalong magalit si Lei sakin?" Galit na nga sakin gagalitin ko pa, baka mapatay na talaga ko nun or worse isumpa ang kagwapuhan ko, takte wala nang makikinabang sa lahi namin, sayang naman!

Napahiga ako sa kama ko at napatingin sa bintana, alam ko ang pakiramdam ng walang papa, dahil nawalan na ako. Mabigat at mahirap, pakiramdam mo napilayan ka.

Pero sila Lei, mukha namang buhay pa yung tatay nila, at ayoko ipagkait kay Lea ang pakiramdam na magkapapa. Masarap kaya sa feeling yun, pakiramdam mo buo ka, pakiramdam mo magagawa mo lahat dahil kumpleto ka.

Napatingin ulit ako sa picture namin ni Lea, wala namang masama kung hahanapin ko sya. Besides, I'm doing it for Lea na hindi nabigyan ng chance to meet her dad, even just for once.

Dahil wala akong pasok ngayon, at dahil na rin sa curiosity, naisip ko na ipahanap ang papa nila. Tinanong ko si mama para magpatulong humanap ng private investigator, good thing may kilala daw si dad, kaya yun ang pinapunta nya sakin.

The next day after class nakipagkita sila sakin sa isang coffee shop, nakilala ko na si Carlo. Mukha namang magaling, sana tama tong ginagawa ko.

Binigay ko ang pangalan nila tita, Lei at Lea.

"Do a background check about them, pati na rin ang tatay nila, alamin mo kung ano ang buong pangalan nito at kung nasaan sya" utos ko, tumango naman sya.

"Ah, sir matanong ko lang po, back ground check lang po ba? o gusto nyo pong hanapin ko yung tirahan ng mga taong to?" tanong nya.

"Background lang muna."

"Okay po, pero yung tatay nila na hindi nyo alam ang pangalan, baka po dun magtagal" sagot nya.

"Ayos lang, I'm willing to wait, gano ba katagal na proseso yan?" Seryoso kong tanong.

"Willing po ba kayo maghintay ng isang buwan o higit pa?" tanong nya.

"Ganun katagal?" reklamo ko.

"Sir, yun na po yung pinaka mabilis lalo na sa taong walang mukha at pangalan" sagot nya sakin.

"Okay sige, just inform me kung may ibabalita ka na" sabi ko na lang.

Pagtayo nya sa upuan napaisip ako, baka tuluyan na kong ibaon ni Lei sa lupa pag nalaman nyang hinahanap ko ang papa nila.

Pero I'm doing this for Lea, two years old pa lang kasi sya ng iwan sila nito, kaya sabik sya sa pag mamahal ng isang ama for sure. Sana lang mabuhay pa talaga ko pag nalaman ni Lei tong mga ginawa ko.

»»»»end of flashback««««

Dahil lumipas na ang isang buwan, kinontact na ako ni Carlo. Nagkita kami sa coffee shop na pinagkitaan din namin dati. Sinabi nya sakin lahat ng mga nalaman nya.

"Sir base po sa impormasyon na nakuha namin, Marcos Gimo po ang pangalan ng dating asawa ni Mrs. Gimo. Naghiwalay sila noong 7 years old pa lang yung panganay nila na si Leila at 2 years old naman ang bunso na si Lea" pag-uumpisa ni Carlo.

Kung ano ano pang sinabi nya tungkol kila tita, Lei at Lea, pero lahat naman yun alam ko na.

"Pwede yung latest tungkol sa papa nila?" Medyo inip at mauturidad kong tanong.

"Ano po bang tungkol sa papa nila ang gusto nyong malaman?" He asked while busy looking at the papers na malamang ay naglalaman ng mga impormasyon na nakuha nya.

"Ano nang balita sa kanya ngayon? buhay pa ba sya? nasan na sya? may pamilya na bang bago? Nagka-anak ba sya? Kinabubuhay nya, mga ganun" sunod sunod kong sabi, napatango tango naman sya habang hindi pa rin ako nililingon at nakatuon pa rin yung tingin sa mga papel.

"Sa ngayon ay nasa Brunei ito, nagtatrabaho bilang engineer sa isang kompanya doon. Pero meron na rin syang itinayong business at kasosyo nya dun ang isang malapit nyang kaibigan. Nagkaroon sya ng kinakasama nung naghiwalay sila ni Mrs. Gimo na nagngangalang Adrianna Dale na namatay 5 years ago" paliwanag nya.

"Namatay? so mag-isa na lang ulit sya?" tanong ko ulit.

"Opo sir, mag-isa na nga lang sya sa Brunei, pero may property sya dito sa Pilipinas, at may anak sya dun sa kinasama nya, lalaki po na almost 16 years old na ngayon" sagot nya.

"Nakuha mo ba yung pangalan ng anak nya?" tanong ko ulit, tumango sya.

Inabot nya yung envelope na may lamang impormasyon tungkol kila Lei, Lea, tita, papa nila Lei at sa naging anak nito. Pagtingin ko sa pangalan, halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Nanlaki ang mga mata ko at napainom ako ng tubig dahil sa pangalang nakasulat dito.

"Sigurado ka ba sa mga impormasyon na to Carlo?" panigurado ko pa.

"Oo naman po sir, napag-alaman ko po na 2 taon palang si Ms.Leila nung mabuntis ni Mr. Marcos ang kasalukuyang mistress nito na si Ms. Adrianna" Sagot nya ulit.

"Salamat Carlo, makakaalis ka na" sabi ko habang hindi pa rin makapaniwala sa nabasa ko.

Pag-alis nya, tinignan at binasa ko ulit yung impormasyon tungkol sa step-brother nga ni Lei.

"Hindi ba talaga nagkakamali si Carlo? Kasi, hindi pa rin ako makapaniwala sa nababasa ko ngayon" pagkausap ko pa sa sarili ko.












Habang tumatagal sakin ang nalalaman ko tungkol kila Lei, lalong hindi ako mapakali. I need someone to talk about this.

Kung hindi ko pa to masasabi, baka mabaliw ako kaka-isip.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon