Thirtieth Dream

25 4 2
                                    

@LEI'S POV@

Pagka-alis ni Ian, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na. 16 years old si Ian, ibig sabihin, two years old pa lang ako may anak na siya sa iba. Ibig sabihin matagal nya nang niloloko si mama?

Nakita ko kung pano kami iniwan ng lalaking yun. Si mama, nakita ko yung paghihirap nya para samin ni Lea, kaya ngayong nakarinig na naman ako ng tungkol sa kanya, hindi ko maiwasang kumulo ang dugo ko.

Nahihirapan na ko sa paghinga dahil sa pag-iyak ko ng pumasok si Caleb.

"Lei, ayos ka lang ba?" Nag-aalala nyang tanong at patakbong lumapit sakin saka hinagod yung likod ko.

"Hindi pa ko handa, ayoko pa, hindi ko pa sya kayang kausapin" sabi ko habang humahagulgol ako sa braso nya, masakit, sobrang sakit pa rin pala!

"Shhh, I understand, it's okay, iiyak mo lang yan" sabi nya habang patuloy parin sa paghagod ng likod ko.

"Ang sakit Leb, alam kung matagal na yun, pero ang sakit sakit pa rin, nung sinabi nya sakin ang mga yun, pakiramdam ko bumalik lahat nang nangyare nung 7 years old ako. Pakiramdam ko parang kahapon lang nangyare" sabi ko habang umiiyak pa rin.

Lahat halos ng sama ng loob at hinanakit ko sa taong yun, nasabi ko kay Caleb.

@CALEB'S POV@

Hindi ako makapagsabi ng mga word of wisdom ko habang umiiyak si Lei, kaya niyakap ko na lang sya at hinayaang umiyak sa balikat ko hanggang sa makatulog ulit sya.

A minute after nya makatulog, dumating sila Aki, Arkin and Xena.

"Kamusta sya?" Bungad ni Xena nang makita si Lei.

"Ayun, pagpasok ko iyak ng iyak, hindi ko nga mapatahan, eh, habang nakapikit nga tumutulo pa rin ang luha nya"

"I told you earlier guys, malaki ang galit nya sa papa nya" sabi ulit ni Xena.

"Hows Lea and Ian?" tanong ko sa kanila.

"Mukhang masaya naman si Lea, unlike sa naging reaksyon ni Lei" sagot ni Aki.

"Mabuti naman kung ganun"

Dahil dakilang chismosa si Xena, ang dami nyang tinanong tungkol sa sinabi ni Lei sakin kanina. Hindi ko alam kung chismosa ba sya o talagang nag-aalala lang sya sa kabigan namin.

"Maging maayos pa rin kaya ang relasyon ni Lei at Ian?" tanong ni Xena samin.

Sa totoo lang, tinatanong ko rin sa sarili ko yan kanina habang umiiyak sa balikat ko si Lei. Ramdam ko kasing nahihirapan at nasasaktan sya, but at the same time, ramdam na ramdam ko yung galit nya.

"Yan din ang tanong ko sa sarili ko kanina" sagot ko sa kanya. Kahit na sabihin kong naiintindihan ko si Lei, naaawa pa rin ako kay Ian, kitang kita kasi sa mukha nyang sobrang nasaktan sya sa inasal ni Lei, eh.

"Pero alam nyo, nakita ko kay Ian na ang saya nya, sobrang saya nya nung sabihin sa kanya ni Grae yung bagay na yun" Aki.

"Alam ko, matagal ko nang kaibigan si Ian, pero ngayon ko lang sya ulit nakita ng ganun kasaya" sabi naman na Arkin na syang pinaka malapit kay Ian.

"Maybe you can do something?" tanong ko kay Xena na nakatitig lang kay Lei.

"I'll try to talk to her paggising nya" sagot nya sabay sulyap ulit kay Lei.





@XENA'S POV@

Naiwan kaming apat nila Caleb, Aki, at Arkin na nagbantay kay Lei, kinabukasan lumabas yung tatlo para bumili ng breakfast. Sakto paglabas nila nagising si Lei.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon