Thirty second Dream

21 2 0
                                    

@LEI'S POV@

Pag-uwi ni Xena, pinuntahan ko si Lea sa kwarto niya.

"Lea?" tawag ko sa kanya habang kumakatok.

"Bukas po yan ate" sagot nya kaya pinihit ko yung door knob at pumasok.

Nakadapa sya at nagbabasa ng libro.

"Lea usap tayo sandali" sabi ko, umupo sya sa kama nya ng paindian seat at tumingin sakin.

"Tungkol saan po?" tanong nya, umupo ako sa tapat nya at nagsimulang magtanong.

"Sinabi na ba ni kuya Ian mo sayo?" paguumpisa ko, tumango sya as an answer.

"Okay lang ba sayo?" tanong ko.

"Ang alin ate?" Lea.

"Na may kapatid tayo sa labas?" tanong ko.

"Oo naman, kahit kaninong sinapupunan naman sya nanggaling at kahit baliktarin natin ang mundo, anak pa rin sya ng papa natin" paliwanag nya.

Beym, sapul ako dun, ah, buti na lang wala na si Xena dito, kundi kanina pa ko nabara, inasar at pinagtawanan nun.

"Ikaw ba ate?" tanong nya bigla sakin na kinagulat ko, hindi ako agad nakasagot, napatitig lang ako sa kanya.

"H-huh? a-ah, bakit? Anong meron sakin?" nauutal ko tuloy na tanong sa kanya.

"Ayaw mo ba kay kuya Ian?" diretsong tanong nya sakin.

"Ikaw bata ka, kung ano anong tinatanong mo, matulog ka na at gabi na" sabi ko na lang, patayo na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Ayan ka na naman ate, iwas ka na naman ng iwas, eh" sabi nya at sinimangutan pa ako.

"Okay sige, hindi naman sa ayaw ko sa kany, I like him, pero hanggang friend lang yun. Siguro kasi, mas iniisip ko rin yung mararamdaman ni mama" paliwanag ko sa kanya,

"At dahil galit ka kay papa, kaya hindi mo rin sya matanggap" sabi nya.

"Alam mo ikaw bata ka, ang dami mong sinasabi"

"Ate, hindi ka magkakaganyan kung wala kang galit dyan" sabi nya sabay turo sa dibdib ko kung saan naroon yung puso ko.

"Ate, kung ano man yung galit na meron ka kay papa, wag mo na sana idamay si kuya Ian, he's innocent, saka ano bang malay nya sa ginawang pag-iwan ni papa satin noon" dagdag nya.

Napatitig ako sandali sa kanya at napaisip, Bata ka ba talaga o ermitanya na nagkatawang bata?

"Lea, ang dali sabihin sayo ng mga bagay na yan kasi wala ka pang alam nung iwan tayo ng tatay ni Ian. Iniwan nya si mama para sa nanay ni Ian, tapos ano? umalis sila ng bansa at nagpakasarap doon, samantalang si mama nagpakahirap mag-alaga ng anak ng iba, kahit na tayong sarili nyang mga anak hindi nya na maalagaan" naiiyak kong sabi sa kanya, nararamdaman kong patulo na yung luha ko kaya tumingala ako sandali.

"Nung mga oras na may sakit ka, nung lagnatin ka at isinugod ka namin ni mama sa hospital, nakita mo ba sya? dinalaw ka man lang ba nya? hindi diba, kasi kasama nya yung bago nyang pamilya. Kung ikaw si mama, tingin mo magugustuhan mong malaman na may anak ang asawa mo na mas matanda pa sa bunso ninyo, matutuwa ka ba?" tanong ko ng bigla nang tumulo yung luha ko.

Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Ate I'm sorry, tama ka, wala nga akong alam, pero kagaya ko lang si kuya Ian, hindi nya din alam lahat ng yan, kaya sana maintindihan mo sya" sabi nya habang nakayakap pa rin sakin.

"Matulog ka na" sabi ko na lang saka na umalis at tumakbo papunta sa kwarto ko.



















Dream LandWhere stories live. Discover now