Twenty sixth Dream

20 3 0
                                    

@IAN'S POV@

After kami sermonan ni Xena, nanahimik na lang kaming lahat na parang super guilty sa mga nangyayare, which is guilty naman talaga kaming anim.

Hindi naman kasi talaga totally inutos ni Grae samin na kaibiganin namin tong dalawa. Naikwento nya lang si Lei samin, at tinanong nya kung pwede bang ipakilala nya kami sa kanya. Pero that time kasi busy kami preparing for our concert, kaya sinabi na lang namin na bibigyan na lang namin sya ng VIP ticket, baliw lang tong si Grae at sinabi nyang binili nya yung ticket, kaya kasalanan nya yung par na yun.

Sa concert naman, dapat sasabihin nya na na kapatid nya si Rhon, yun nga lang, for sure daw kukulitin lang sya ni Lei about him, kaya he decided na wag na muna sabihin. Tapos ayun na, nag-aaway sila dahil nalaman nga ni Lei na sya yung secret admirer or basta kung ano man ang itinawag nila sa kanya. Kaya nawalan na sya ng chance na umamin dahil sa nangyare.

Balik tayo saming pito na nandito pa rin sa unit ni Rhon.

Halos dalawang oras na kaming nakatunganga dito. Ni isa samin walang gustong magsalita. Nalunok na ata namin mga dila namin dahil sa takot masermonan ulit ni Xena. Nakakatakot talaga tong babaeng to kahit kelan.

Nananahimik rin ako ng maramdaman ko naman na nagugutom na yung alaga ko sa tyan, kaya nagtaas ako nang kamay na parang magrerecite lang, nagsitinginan tuloy silang lahat sakin.

"Pwede kumain?" inosente kong tanong with matching himas pa sa tyan.

Tumango sila kaya tumayo ako papunta sa kusina ni Rhon at kumain.

Nakakabaliw naman tong set up namin dito, para kaming hindi magkakakilala dahil sa katahimikang bumabalot saming lahat. Hindi ako sanay, dahil wala namang magawa sa sala ikinain ko na rin sila. Tutal marami at masasarap ang laman ng fridge ni Rhon, lahat sila titikman ko na.

Natigil ako sa pagkain ng umilaw yung phone ko dahil sa text ni Lea.

"kuya Ian, kasama mo ba si Ate?" tanong nya.

Pagtingin ko sa oras halos 5 hours na palang nawawala si ate Lei, at mahigit isang oras na kong kumakain? Bakit parang hindi naman ako nabubusog?

"Ah oo Lea, she's with us, don't worry she's safe, matulog ka na daw at sara mo yung mga pinto, may susi naman daw sya" message sent.

Lier....!!!!

Dahil gabi na, lumabas na ko sa sala at ganun pa rin ang atmosphere, walang pinagkaiba sa kanina, yun nga lang puro mga nakatapat na sila sa phone nila.

"Guys?" tawag ko sa kanila, napatingin naman sila.

Bakit kaya yung mga tingin nila sakin mula pa kanina parang gusto nila ko lamunin ng buo?

Did I do something wrong?

Wala akong maalala ah! Isa pa, good boy kaya ako!

"Ahm.....kasi.....gabi na..at 5 hours na ding nawawala si ate Lei, baka pwede na natin syang hanapin?" suggestion ko sa kanila,

"Kayo na lang, pupuntahan ko si Lea, wala syang kasama" sagot naman ni Xena.

"Xena samahan na kita" sabi ni Arkin, pumayag naman sya.

"Guys, maghiwahiwalay kayo, tapos itext nyo na lang kami pag nakita nyo" utos ni Xena samin.

Naunang umalis si Arkin at Xena, pero nag stay muna kami sa parking lot sandali.

"Magkitakita na lang tayo ulit dito sa parking after an hour or two I guess?" sabi ni Grae.

"Saka text text na lang din" dagdag ni Rhon.

After some instructions, nagsipag-alisan na sila. Good thing may dala kaming mga sasakyan, kaya pwede kaming maghiwahiwalay.

Dinadial ko yung number ni ate Lei pero walang sumasagot, pinatay ata nya yung phone nya, eh.

San ko kaya sya makikita?

Binaybay ko ang daan mula sa unit ni Rhon hanggang sa kitkat, pero wala sya. Bumalik ako sa tapat ng building ng unit ni Rhon at nagsimula ulit mag drive ng diretso papunta sa hindi ko rin alam kung saan. Nung medyo malayo layo na yung narating ko huminto muna ko sa isang gasoline station at nagpagass saka pumasok sa tindahan para bumili ng inumin sandali. Nakakapagod mag drive ng mag drive, ah.

Pag-upo ko sa upuan sa loob ng tindahan tumatawag na si Caleb sakin.

"Bro nasan ka na?"

"Hindi ko din alam, eh, nakita nyo na?"

"Hindi pa din, pabalik na kaming lahat sa parking"

"Ah, ganun ba? sige balik na rin ako"

Pagkababa ko ng phone umalis na ko para bumalik kila Rhon.

@GRAE'S POV@

Nang magkita kita na kami sa may parking lot, puro kami mga mukhang nalugi. Mukhang alam ko na ang resulta ng pagpapagod namin, ah.

"Wala talaga kong nakitang Lei, eh" sabi ni Aki pagbaba nya ng sasakyan nya.

"Ako rin, pinuntahan ko na lahat ng posible nyang puntahan" sagot naman ni Caleb.

"Ako dineridiretso ko na yung daan papunta sa hindi ko alam kung saan, pero wala rin akong nakita" sagot naman ni Ian.

"Ganun rin ako" sagot naman ni Rhon.

"Nasan kaya sya nagpunta?" Tanong ko, napasandal na lang ako sa sasakyan ko habang iniisip kung san ba talaga pwedeng pumunta si Lei.

"Tinext ko si Xena, wala pa rin daw si Lei sa kanila" sabat ulit ni Ian.

"Bro sobrang galit nga siguro sya" sabi ko naman kay Rhon.

"Pag hindi pa sya nakauwi hanggang bukas, magpapatulong na tayo sa mga pulis" sabi nya na sinang-ayunan naman naming lahat.

"Pano, magsiuwi na muna tayo?" tanong ni Aki na tanging tango lang ang nagawa naming isagot. Umuwi na yung apat pero nagpaiwan muna ko dito sa unit ni Rhon para maka usap sya.

"I really don't have an idea kung san sya pwedeng pumunta" sabi ni Rhon pagkalapag nya ng isang soft drink in can sa harap ko.

"Kasalanan ko na naman to, eh, palagi na lang ako, ako na lang ang laging gumugulo sa buhay nya!" Inis kong sabi.

"Bro, wag mo na sisihin ang sarili mo, galit lang sya kaya sya umalis, for sure naman kung nasan man sya safe sya" Pagpapagaan nya pa sa loob ko.

"Bro, ano nang gagawin ko? Putik na buhay to palagi na lang ba magagalit si Lei sakin? pano ko sya iingatan kung ako mismo ang naglalagay sa kanya sa panganib?" Naiinis kong sabi.

"Bro, please naman, walang may kasalanan okay, kalma ka lang mahahanap at mahahanap din natin sya" sana nga, sana ngayon na.

Dahil hindi ko na alam kung saan sya hahanapin, umuwi na muna ko, ayoko kasing abalahin si Rhon, pag-uwi ko I'm still trying to contact her, pero nakapatay pa rin ang phone nya.

Dahil hindi ako mapakali sa pag-aalala, at dahil alam kong kasalanan ko na naman, pumunta ko sa bahay nila Lei, pero nandun lang ako sa tapat at hindi na kumatok pa sa gate nila.

hindi ko na namalayang nakatulog na pala ko, nagising na lang ako nang may kumatok sa bintana ng kotse ko, si Xena, binaba ko yung bintana ko.

"Dito ka natulog? bakit hindi ka pumasok?" tanong nya na may halong pag-aalala.

"Pwede ba kitang kausapin?" tanong ko, may halong pagtataka sa mukha nya, pero sumakay pa rin sya sa kotse ko at pumunta kami sa kitkat, tutal day-off naman nya kaya pwede syang sumama sakin.

Dream LandWhere stories live. Discover now