Seventh Dream

45 6 0
                                    

@XENA'S POV@

Tapos na ang 2nd year first sem, sembreak na!

"Lei, pasabay ako pag kukuha na kayo ng sched nyo next sem, pwede?" tanong ni papa Grae habang hinihingal pa dahil sa paghabol samin ni Lei.

"Sure" sagot naman ni Lei.

Mula nung ikwento ni Lei ang ginawang pagtulong ni papa Grae sa kanya, napansin kong nagkakausap na sila ng matino. Bihira na sila magbangayan, at higit sa lahat, wagas na sila mag ngitian pag nasa kitkat tong si papa Grae. Mas lalo tuloy syang pumogi sa paningin ko, anggwapo nya kasi lalo pag nakangiti.

"Sige salamat, happy sembreak, text text na lang" masaya pa nitong sagot.

"Okay" sagot lang ni Lei.

"Sige mauna na ko, bye Xena, babye Lei" paalam nya, sabay takbo pababa.

Tinignan ko lang si Lei, aba napangiti ng slight ang bruha.

"So what's the meaning of that smile?" pang-aasar ko ng slight lang din naman sa kanya.

"Smile? Ako? Nagsmile?" tanong nya, painusente pa ang bruha habang nakaturo sa sarili, Aba!

"Ewan ko sayo! Nagtatampo na talaga ko sayo" pag-iinarte ko.

"Oh, bakit na naman?" tanong nya pa sakin.

"Super close na kayo ni papa Grae, tapos every time na tatanungin ka namin, iniiba mo yung usapan at kung minsan naman todo deny ka pa" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nakakaloka tong babaeng to, hinahigh blood ako sa kanya.

"Best, it's just that naging maayos ang pakikitungo nya sakin, kaya naging maayos na din ang pakikitungo ko sa kanya" sagot nya lang without even looking straight to my eyes.

"Sabi mo, eh" sagot ko na lang.

Pagdating namin sa kitkat, sinalubong kami agad ni Cherry, yung karelyebo namin.

"Lei may nagpapabigay" sabi nya sabay abot ng paper bag kay Lei,

"Galing kanino?" tanong ko.

"Ewan, delivery boy ang nagdala dito, eh" sagot nya saka na umalis.

Agad binuksan ni Lei yung paper bag, and pagbukas nya may laman yung note.

"I know that tomorrow is your mother's birthday, wala ka pang gift kaya give this to her-L" basa ni Lei sa note, napangiti ang bruha, tinusok tusok ko naman sya sa tagiliran at inasar asar pa sya.

"Hindi kaya si Grae yan?" tanong ko with matching taas kilay pa.

"Baliw, hindi sya to noh" sagot nya sakin.

"Bakit, kilala mo na ba kung sino yan?" tanong ko, umiling lang sya at iniwan ako sa counter ng mag-isa.

Pagbalik nya nag open sya sakin ng mga hinala nya.

"Best, alam mo feeling ko malapit lang satin tong si 'L', kasi alam mo yun, alam nya halos lahat ng tungkol sakin, tapos sakto pa yung mga pagsulpot sulpot nya. Nagpaparamdam sya pag may kailangan ako, medyo nakakapagtaka" sabi nya habang nakatingin pa rin dun sa note.

"Shocks, baka secret admirer mo yan Best!" sabi ko naman sa kanya.

"Well sana naman magpakilala sya sakin para makapagpasalamat na ako sa kanya, daming beses nya na kong tinutulungan" sabi nya habang seryosong kinikilala yung sulat.

"Tingin nga ng note na yan?" sabi ko.

Inabot nya yung note, pagtingin ko parang sulat babae?

"Best, parang sulat babae? Tomboy yung secret admirer mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Baliw, hindi sya secret admirer, saviour ko sya!" sabi nya naman,

"Oo na saviour mo na kung saviour!"

"Hay 'L' kung sino ka man sana naman magpakita at magpakilala ka na sakin" sabi nya.

"Sinong magpapakilala sayo Lei?" biglang tanong ng biglang sulpot na si papa Grae.

"May secret admirer kasi sya na may initial na 'L' and ayon sa kanya, it's her saviour" kinikilig kong sagot sa kanya.

"Tumigil ka na nga dyan Xena" saway nya sakin.

"Nga pala, birthday ni mama bukas, uuwi sya para mag luto, pinapapunta ka rin nya" sabi naman ni Lei sa kanya.

"Oo naman sure, hindi naman ako busy" sagot nya.













"Hi tita, happy birthday po!" bungad ko kay tita pagdating ko sa bahay nila Lei.

"Ui, papa Grae, nauna ka pa sakin, ah!" bati ko naman kay papa Grae na nasa sala at nanunuod kasama si Lea.

"Ay salamat Xena, maupo ka muna, nasa kusina lang si Lei" sabi ni tita.

"Sige tita, puntahan ko po muna sya" paalam ko, kaya dumiretso na ko sa kusina.

"Best, ang aga naman mangligaw ni papa Grae?" pang-aasar ko sa kanya habang naghuhugas sya ng mga plato.

"Hoy, parang baliw to, marinig ka nung tao!" saway nya sakin.

"Sus, pero best, seryoso, hindi pa ba nanliligaw?" tanong ko sa kanya, nakita ko namang namula ang bruha, hala sya kinikilig!

"Ligaw ka dyan, manahimik ka nga!" saway na naman nya habang pinipigilan ang sarili sa pagngiti.

"Sus, Kunyare ka pa, eh, kinikilig ka na nga dyan oh" sabi ko habang tinutusok tusok pa yung mukha nya.

"Hindi ako kinikilig Xena, tulungan mo na nga lang ako ayusin yang mesa ng makakain na tayo, dahil for sure gutom ka lang kaya ka nagkakaganyan" Sabi nya sakin.

Pinunasan ko na lang yung mga hinugasan nyang plato.

Nang maayos na namin yung mesa tinawag na namin sila.

"Teka ate, may kulang po ata?" sabi bigla ni Lea.

"Ano?" tanong ng ate nya.

"Wala po bang cake si mama?" tanong nya, napatingin sakin si Lei,

"Ahhhh Lae k---" naputol ang sasabihin ni Lei ng pumasok bigla si Grae,

"Oh bunso, ito na yung hinihintay mong cake" sabi nya pagkalapag nya ng box of black forest cake na red ribbon sa mesa.

"Ayan tita, make a wish na po then blow the candle" masayang sabi ni papa Grae.

Nagkatinginan naman kami ni Lei, binigyan ko sya ng nakakalokong tingin samantalang sya umiwas lang.

"Sige na ma, make a wish" sabi nya na lang kay tita.

After mag blow ni tita kumain na kami, katabi ko si Lea, while si Lei katabi si papa Grae.

"Ate, pwede bang dito din magpasko si kuya Grae?" biglang tanong ni Lea sa ate nya habang busy kami sa pagkain.

Napatingin si Lei sakin,

"Huh, eh, may bahay sya, bakit naman dito sya satin magpapasko?" tanong ni Lei.

"Ah, kasi ate diba malungkot mag celebrate ng pasko kapag mag-isa?" sabi ni Lea.

"Ah, oo, pero malay mo trip ni kuya Grae magpasko mag-isa" sagot naman ni Lei.

"Pero pwede po sya dito?" pangungulit ni Lea.

"Huh, ah, oo naman, kung gusto nya" sagot na lang ni Lei.

"Yehey! So magiging kagaya na sya ni ate Xena na lagi din nating kasama tuwing pasko?" tanong nya ulit.

"Oo, kumain ka na nga dyan!" sagot nalang ni Lei.

Biglang nagkatinginan si Grae at Lei, pero agad silang umiwas sa tingin ng isa't isa, nakita ko yun with my two eyes kaya natawa ako ng bahagya. Pagtingin ko ulit sa kanilang dalawa nakatingin na pala sila sakin.

"Tinatawa tawa mo dyan?" tanong ni Lei,

"Wala" Deny ko.

"Ows talaga?" Tanong naman ni papa Grae,

"Yuh" sagot ko na naman,

"Di nga?" sabay pa nilang sabi,

"Sige pagtulungan nyo ko" sermon ko sa kanilang dalawa, pero tinawanan lang nila ako.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon