Eighteenth Dream

26 6 0
                                    

@ARKIN'S POV@

"Grabe, ang bilis, akalain mo yun, yung two months vacation natin matatapos na" reklamo ni Aki habang nakahiga ng solo sa sofa.

"Pero ito, next week, may paghahandaan tayong debut!!!" masayang sabi ni Ian.

"Debut nino?" tanong ni Caleb, tamo to, magandang lalaki lang, ulyanin naman.

"Ni Lei, sa Thursday na yun" sagot ni Rhon.

"Oo nga pala, ano may plano na?" tanong ko naman.

Nagplano kami ng palihim, palihim talaga, kasi kaming lima lang ang nandito, at kahit si Xena hindi pa namin sinabihan.

"Pero, theme? anong theme nya?" I asked, mahirap mang hula, ah!

"Oo nga pala, ang hirap naman nito, wala naman tayong alam about her favorites and her dream debut, eh" reklamo ni Caleb.

"Green, green and white ang theme" biglang sabi ni Rhon.

Ewan ko sa taong to kung sino ang tinatanong nya sa phone, pero mukhang that person knows a lot about Lei.

@XENA'S POV@

May regalo na ko kay Lei, sana maappreciate nya, bukas debut nya na, pero ang lola ko parang nakalimutang birthday na nya bukas.

"Girls, pwede bang pumasok kayo ng 12 noon bukas? may nagrent kasi ng place, tapos may magke-carter dito, so you girls need to help them okay?" Bilin ni Ma'am Karen.

"Ano po ba yung event bukas dito ma'am?" tanong ni Lei.

"Debut, sige you may go na, umuwi na kayo ng maaga kasi for sure nakakapagod ang araw nyo bukas" sabi ni Ma'am at umalis na.


















Pagpasok namin sa kitkat, kami yung nag-ayos ng mini stage, ng red carpet, ng mga roses at upuan, at nung 6 pm na dumating na yung mga magke-cater.

"Best ang ganda nung cake, nakakaloka" bulong ko kay Lei.

"Kaya nga, eh, ang bongga, siguro super yaman ng magdedebut?" dagdag ko pa.

"Hindi rin, kung super yaman, edi sana sa resorts world sya nag debut at hindi dito" sabi nya, oo nga naman, sabi ko nga, eh.

"Saka ang konti nung tables apat lang" dagdag nya pa.

"Sa bagay, maliit pero sosyal tignan at ang gara pa" sagot ko naman.

"Girls, tapos na duty nyo, you may now go" utos ni Ma'am samin.

Pauwi na kami, pero sa bahay nila kami dumiretso.

"Nasan si Lea?" tanong ko.

"Oo nga, gabi na, san kaya pumunta yun batang yun?" tanong ni Lei.

Tinatawagan nya si Lea pero nagtext lang ito.

"Hi ate happy birthday po, sabi ni kuya Rhon suotin nyo ni ate Xena ang damit at sapatos na nasa kwarto mo, susunduin daw kayo ng isang white car dyan, itext mo po ako pag suot nyo na po yung dress" Basa ni Lei sa text ng kapatid.

Napangiti ako ng nakakaloko kay Lei.

"Tara na best, suot na natin yung damit!!" tuwang tuwa at excited na sabi ko saka na sya hinila papunta sa room nya.

Pagkakita namin sa damit, favorite color ni Lei yung dress, este gown, yung akin naman ganun din, pero syempre semi gown lang sya. Baka kasi matalbugan ko daw yung debutant, eh.

Tinulungan ko si Lei na mag-ayos at magbihis, nung matapos kami sakto dumating yung puting kotse na sinasabi ni Lea kaya tinext na sya ni Lei.

Dinala nya kami sa........

"KITKAT?" Sabay naming sabi ni Lei.

"Kuya dito po ba talaga?" tanong ko sa driver.

"Opo ma'am" sagot ni manong, kaloka talaga ba?

Naunang maglakad si Lei, ako naman nagtetext, itetext ko sana si Arkin, eh, nagulat ako ng naapakan nya ang paa ko.

"Aray ko best, ano ka ba naman, bigla biglang himihinto, eh" reklamo ko.

Pero nanlaki ang mata ko ng makita yung nasa loob.

"WOW!!!" reaksyon ko nang makita ang malaking 'LEI @18' na nakalagay dun sa mini stage na inayos namin kanina lang.

"Best, para sayo yung event na inayos natin kanina!" masayang sabi ko kay Lei habang pinapalo palo pa yung braso nya.

"Ayan, dumating na pala ang ating gorgeous debutant, with her best friend" sabi ni ma'am Karen, sya pala ang emcee for tonight.

Lumapit si Rhon sa kanya to assist her sa upuan nya sa harap, si Arkin naman lumapit sakin at pinaupo ako sa table kung saan silang lima nakaupo.

"Lea, tita nandito na po pala kayo, ang ganda nyo tita, ah, ang ganda mo din baby Lea" bati ko sa kanilang dalawa.

"Salamat Xena, maganda ka rin" sagot naman ni tita, matagal ko na pong alam yun tita!

"Thank you ate, ikaw din po, pati si Ate Lei ang ganda ganda nya" sabi din ni Lea.

"Syempre ako kaya nag make up sa kanya" sabi ko naman, proud, eh,

"Teka lang, pano to nangyare? Saka, bakit hindi ko rin to alam, sino ba nagplano nito?" sunod sunod kong tanong sa kanilang pito.

"Ate hindi ko po alam, sinundo lang po ako ni kuya Ian sa bahay at pinasuot ang damit na to sakin, tapos pagdating ko dito nandito na si mama" sagot ni Lea.

"Si Rhon ang nag-isip ng venue, design at theme, kami lang tumawag sa manager nyo, at nagsundo kay Lea at tita" Paliwanag ni Aki.

"Okay, so let the event begin" pagsisimula ni Ma'am.

Nakakatuwa naman to, wala syang 18 gift pero binigyan sya nitong lima ng 18 na gift, yung 18 candles naman kasama syempre ako, Lea, Aicy, Kara, Shane, Patty, si Ma'am Karen, yung kapatid ni Caleb, yung manager nila Arkin na si Miss A saka ang mama nila na si tita Lilia at yung iba pa naming kablock....

Yung 18 Roses nya yung lima lang, una si Aki, si Arkin, si Caleb, si Ian tsaka si Rhon, tas ayun umuulit ulit lang sila, pano wala nang ibang mga lalaki, pero si Rhon talaga yung pang 18 nya.

Nakakatawa para sa mga nanunuod siguro, pero I'm sure, tuwang tuwa si Lei nito.

"Okay, Mr. escort, pwede bang iupo mo muna ang ating debutant" sabi ni ma'am Karen na ginawa naman nya.

Pagbalik ni Rhon sa table namin ang lawak ng ngiti nya, hindi sya ganun kasaya, ah.

"So miss Lei, can we all asked for your speech?" tanong ni Ma'am Karen, inabot nya ang mic kay Lei.

"Ahm, sa totoo lang po, hindi ko po ito alam, kami pa nga yung nag-ayos ng venue kanina, eh" panimula nya.

"Ahm, ang masasabi ko lang syempre una sa lahat, salamat sa lahat ng may pakana nitong surprise debut party ko. Alam ko naman kung sino kayo, so super thank you talaga. Sa mama ko naman, ma, I love you po and ganun din sa kapatid ko, syempre sa best friend ko rin na si Xena. Salamat sa lahat ng nandito para makicelebrate sa debut ko, and syempre salamat sa mga gift, lalo na dun sa power four kong mga kaibigan na sila Aicy, Kara, Shane at Patty, love you girls" dagdag nya at binalik kay ma'am Karen yung mic.

After ng speech nya nag blow muna nang candle at saka na kami nagsikain.

I'm sure, sobrang saya ni Lei by this time, dahil ganun din ako for her.

Dream LandWhere stories live. Discover now