Forty seventh Dream

19 2 0
                                    

@AICY'S POV@

Nandito kami ngayon sa party sa isang private hotel para i-celebrate ang engagement party nila tita at tito. Medyo konti ang tao dahil konti lang naman ang inimbita nila tito at tita, yung mga malalapit lang nilang kaibigan at kamag-anak. Magkakasama kami nila Lea, Lei, Xena, Kara, Shane, Patty, Caleb, Arkin, Aki, Rhon at Ian sa isang pahabang table at katabi ni Rhon si Lei na nasa dulo. Pero parang every day na nakikita ko silang dalawa may kakaiba. Hindi ko alam kung ano, pero nalilito at naguguluhan kaming lahat sa inaasal at kinikilos nilang dalawa.

Habang busy sa ibang mga guests sila tito, nagyaya muna mag groufie si Rhon saka nilagay sa selfie stick ang phone nya. Nakakatatlong pictures palang kami nang biglang magflash sa phone nya ang pangalan na ilang taon na naming hindi nababanggit o napag-uusapan Grae is calling. Nagkatinginan kaming lahat saka awkward na tumingin kay Lei.

"Someone's calling you" sagot nya saka ngumiti kay Rhon at umayos na ng upo na ginaya naman naming lahat, except Rhon na lumayo para sagutin ang tawag ni Grae.

Natapos ang party at naghiwahiwalay kami ng may awkward atmosphere sa pagitan naming mga girls at mga boys.









@LEI'S POV@

Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin, it's been a week after nung party nila mama at papa, pero hindi ko pa rin alam kung bakit parang hindi ako makaget over, gosh buti na lang next year pa ang kasal nila at hindi rin ako kaylangang tumulong sa kanila. Hindi na ako nakapag focus sa mga ginagawa ko mula ng makita ang pangalan nya na nagflash sa screen ng phone ni Rhon.

"Bakit kay Rhon nagagawa nyang tumawag, bakit sakin hindi? Iniiwasan nya ba ko? Is he mad at me? Pero bakit naman sya magagalit sakin?" Tanong ko sa sarili kong reflection sa screen ng laptop na nasa harap ko.

Kamusta nga kaya sya?

Gumraduate na kaya sya? Sa itsura nyang yun, for sure madami nang mga amerikanang naidate yun, o baka naging girlfriend nya pa.

Gusto ko syang makausap, mangangamusta lang.

Teka, bakit ako mangangamusta? Eh, ako nga ang dahilan kung bakit sya umalis! Kaya siguro hindi nya ko tinatawagan. Galit nga siguro sya sakin.

Tinignan ko ang account nya sa instagram, pero hindi na yata iyon ang ginagamit nya, or hindi na sya nag-iinstagram? wala kasing bagong update, ang last post nya ay last four years ago pa. Baka bago na yung account nya?

Teka lang, mali to! Bakit pakiramdam ko bumalik yung nararamdaman ko na ilang taon nang nawala. Mali to, maling mali talaga, unfair to kay Rhon!

Nagulat ako nang bigla na lang pumasok sa pinto ko si Aicy,

"Manager Leila, sabay na tayo sa meeting!" Masaya nyang sabi, shocks oo nga pala may meeting kami nawala pa sa utak ko, kung saan saan kasi lumilipad, eh!

Busy sa pagdidiscuss ang presenter pero kahit anong pilit kong makinig at mag focus, nagfaflash sa utak ko yung scenario na nagflash sa screen ng phone ni Rhone yung pangalan nya.

Nang lunch break naman sabay kami nila Xena at Aicy na naglunch sa isang restaurant ng bigla nalang nila iopen ang topic about Grae.

"Best, alam mo ba! Sikat na artista at singer na pala si Grae sa ibang bansa! Ay grabe, hindi na natin sya mareach ang lolo mo" sabi ni Xena.

"Ito pa Lei, mas lalo pa syang pumogi, ay grabe, pwede na syang lumevel kila Derrick Ramsey sa pagkahot nya" dagdag pa ni Aicy.

Napatahimik naman ako dahil sa narinig ko. Sikat na artista at singer na si Grae? Talaga?

"Pano nyo naman nalaman?" Tanong ko while avoiding thier gaze.

"Kinwento ni Rhon" sagot ni Xena, bakit sakin hindi nya nasabi yan?

"Naniwala naman kayo agad!?"

"Syempre kagaya mo, hindi agad kami naniwala, kaya sinabihan nya kaming isearch sya sa YouTube at ayun, nakita nga namin ang debut concert nya sa Canada, eh, kaloka, ang dami nya nang fans" sagot naman ni Aicy.

"Edi hindi na sya babalik dito sa bansa?"

"Hindi rin namin alam, ikaw?" Biglang sabi ni Aicy, nanlaki bigla ang mata ko, anong ako?

"Anong ako? Bakit ako? Bakit ko sya papauwiin dito?" Agad ko namang tanong. Nagkatinginan yung dalawa saka tumawa ng slight.

"Baliw, what I mean is, ikaw, kung ikaw ang nasa katayuan ni Grae, babalik ka pa rin ba rito?" Paglilinaw ni Aicy sa tanong nya sabay bigay ng makahulugang ngiti sakin.

"Ikaw best, ah, gusto mo syang pauwiin, ah, namimiss mo na ba ng sobra?" pang-aasar ni Xena sakin, imbis na makipagtalo ako sa kanila, tutal obvious naman na hindi nila ko titigilan, I just excuse myself and go to the ladies room.

Naghugas ako ng mukha ko dahil pakiramdam ko umiinit ito, lalagnatin ba ko?

"Shocks, lalagnatin nga yata ako" I muttered to myself, pulang pula kasi ang mukha ko, eh.

Nang makauwi kami, bagsak agad si Xena sa room nya, pagod na pagod, eh. Papasok na sana ko sa room ko ng may magdoorbell. Tinignan ko muna yung wrist watch ko bago pumunta sa pinto.

"Alas dyes na, sino namang bibisita samin ng ganitong oras?"

Pagbukas ko, lalaking may mask na may tatak na R.A at nakashades ang bumungad sakin. It's Rhon, I already knew it kasi ako ang nagbigay sa kanya nung mask, pinaburdahan ko yun ng initials nya. Nang makapasok sya, inilapag nya sa center table ang dala nyang plastic bag.

"Bakit ka nagpunta rito ng ganitong oras?" Tanong ko nang makaupo ako sa tabi nya.

"Sabi kasi ni Aicy nag-over time kayo, so naisip kong pagod at gutom kayo, kaya ako nagdala ng foods, san si Xena?" Paliwanag nya habang nililinga ang ulo at hinahanap sa paligid si Xena.

"Nakatulog na, di nga nakapagpalit ng dami yun, eh" sagot ko naman na tinanguan nya.

"Oh di initin nya na lang bukas to, tara kain tayo, gutom rin ako, eh" aya nya pa habang nilalabas ang mga pagkain sa plastic.

"Lei?" Napatingin lang ako sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Gusto mo pa rin ba sya?" Napatigil ako sa pagnguya ng dahil sa bigla nyang tanong. Nakatingin sya sa pagkain nya kaya sure akong medyo nalulungkot sya.

"A-ano? S-sinong gusto ko pa?" Patay malisya at utal kong tanong.

"Si Grae, do you want him back?" Bigla nyang tanong, nilapag nya ang kinakain nya at tumingin ng diretso sakin, pero hindi ko yun sinalubong, nilapag ko nalang rin ang kinakain ko.

"T-tubig, t-teka lang kukuha kong tubig" mabilis na medyo nauutal ko pang sabi saka na dumiretso sa kusina.

Naglagay ako ng tubig sa baso, pero masyadong nanginginig ang kamay ko kaya tumapon ito. Naramdaman ko na lang ang isang kamay ni Rhon na hawak ang kamay ko na may hawak sa baso at ang isa nyang kamay ay pinangkuha nya ng pitcher na hawak ko. Inilapag nya ang mga hawak ko at kinuha ang mga kamay ko.

"Ganyan mo sya kagusto at pangalan nya lang ang binanggit ko nanginginig ka na?" Medyo may halong pang-aasar nyang tanong. Bakit ba sya ganyan umasta? Nakuha nya pang mang-asar kahit na deep inside nasasaktan na sya?! Baliw talaga tong si Rhon!

"Rhon---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng umiling sya at ngitian ako.

"Hindi ako nasasaktan, I'm just making things clear" sabi nya saka na ako niyakap ng mahigpit, yung yakap na sinasabing nandito lang ako parati para sayo. I hug him back and whisper the word "Thank you" nang humiwalay sya sa yakap, hinarap nya ko, he's staring at me seriously, sinalubong ko yun ng tingin at nakita ko ang pain na hinahanap ko.

"Rhon, sinabi ko naman sayo na susubukan natin diba?" Mahina kong sabi.

"I know, and I trust your words, so don't worry, maniniwala ko sa lahat ng sasabihin mo, kaya wag mo kong alalahanin" sabi nya saka ako hinalikan sa noo ko "Kaya natin to"

Dream LandWhere stories live. Discover now