Thirty forth Dream

25 2 0
                                    

@XENA'S POV@

Tatlong araw na rin ang nakalipas ng magkausap kami nila Lei about Ian. Hindi muna sya pumapasok sa kitkat, nag file muna sya ng leave para makapag-isip isip daw ang lola ko. Hinayaan ko na muna sya, sana lang pagbalik nya, tama na yung mga desisyon nya. Sana hindi na sya maarte pag nagkita na ulit kami.

Nananahimik ako dito sa counter at halos mamuti na ang mata ko dahil walang customers nang biglang tumawag si Rhon.

"Hello Rhon?"

"Xena nasan ka?"

"Sa kitkat, bakit?"

"Great, naka leave si Lei diba? puntahan kita"

"Bakit?"

"tot* tot* tot* tot*"

Bastos na lalaki yun, ah, binabaan ako, nahahawa na sya sa ugali ni Lei, ah.

Maya maya lang may lumapit sa counter.

"Yes sir?" bungad ko.

"Hoy Xena ako to" pabulong na sabi nung lalaki.

Akala ko kung sino, si Rhon lang pala na binaba ang shades kaya ko nakilala. Matagal tagal na rin kaming magkakaibigan, pero hindi ko talaga sila makikilala pag naka disguise, pero si Lei, kabisado na ang bawat pitik ng daliri at tayo nilang lima.

Balik na tayo kay Rhon.

"Oh bakit?" medyo mahina pero masungit kong tanong.

"Wala kasi akong magawa, eh" sagot nya na parang bored na bored sa buhay, so mukha akong clown kaya sya sakin pumunta ganun?!

"Himala, sakin ka nagpunta at hindi kay Lei" sabi ko na may halong pagtataray.

"Kaya ayaw kita puntahan, lagi mo kong binabara at sinusungitan, eh" reklamo nya agad sakin.

"Sus, palusot ka pa, si Lei lang kasi talaga ang gusto mo"

"Hay naku uuwi na nga lang ako" sabi nya saka na ko tinalikuran at naglakad palabas. Agad naman akong lumabas sa counter para pigilan sya

"Uy teka lang" pagpigil ko sa kanya, hinawakan ko pa yung braso nya para tumigil sya sa paglalakad.

"Hay buti naman, akala ko naman hindi mo ko pipigilan, eh" sabi nya saka ako nginitian ngumiti naman din ako sa kanya.

"Hindi ka man lang ba oorder bago ka umuwi?" tanong ko sabay pacute, syempre wala pa kaming benta, kailangan ko makabenta baka mawalan ako ng trabaho nuh!

"Grabe, ah, kaibigan ka ba talaga?" naiinis nyang tanong.

"Oo naman, ito parang hindi na nasanay sakin, maupo ka na nga" sabi ko at pinilit pa syang bumalik sa upuan nya.

"Pero hindi ka ba talaga oorder?" pangungulit ko pa ulit, baka sakali.

Wala rin kasi kaming customer, makikitatambay na nga lang sya better yet umorder na rin sya.

"Okay sige dalawang espresso saka dalawang slice ng caramel cake" sabi nya.

"Akin ba yung isa?" nakangiti kong tanong.

"Hindi, kaya kung ubusin yung dalawa, eh" sagot nya sabay labas ng phone.

"Pag hindi mo naubos yun, hindi ka makakalabas dito ng buhay" banta ko sa kanya.

"Xena, kunin mo na lang yung order, kasi may sasabihin pa ko sayo, dali" utos nya pa saka pinaypay palayo sa kanya yung kamay nya, tipong para bang pinalalayas nya ko sa harap nya, ganun.

Pagbalik ko sa table nya nakatulala lang sya.

"Ngiting ngiti pagkasama si Lei, pero pag ako tulala" sabi ko kaya naman bumalik sya sa katawang lupa nya.

"Ayan na, ano ba sasabihin mo?" tanong ko agad pagkalapag ko nung order nya.

"Tingin mo ba, possible na magustuhan ni Lei si Grae?" seryoso nyang tanong.

Natawa naman ako sa tanong nya.

Ano to?

Pinagseselosan nya ang kapatid nya?

Ano yun, natethreaten sya sa sarili nyang kapatid?

Si Rhon Allen, may kinatatakutan rin pala?

"Bakit nagseselos ka?" pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi noh" sagot nya agad.

Bilis umiwas, ah,

"Ows, eh, diba may gusto ka kay Lei? imposibleng hindi ka talaga nagseselos" pang-aasar ko pa, with matching pang-asar na tingin.

"Si Grae kasi, medyo nalulungkot na, he really likes Lei" sabi nito.

"You think so?" tanong ko, wala lang, makapag english lang, at isa pa hindi ko alam kung anong dapat isagot sa sinasabi nya.

"Oo naman, gagawin nya ba lahat ng ginagawa nya kung hindi" sagot nya. Napatango na lang din ako.

"Alam mo ikaw, muntik ka nang mapahamak kay Lei dahil sa kanya, at dahil sa mga pakiusap nya sayo, oero ito ka, still willing to help him to win my best friends heart?" sabi ko.

Mukhang super close sila ni Grae, ah.

"Syempre, mahal ko kapatid ko, eh" nakangiti nyang sagot, napatitig tuloy ako sa kanya.

Iba din sya magmahal, ah, kahit masaktan sya, ayos lang.

"So for that, your willing to do everything for him?" Oha! level up, pahaba na ng pahaba yung english ko, ah.

"Oo, everything" sagot nya sabay higop sa kape nya.

"Kahit yung taong mahal mo? kaya mong ibigay para sa kanya?" tumango sya,

"Nauna naman kasi talaga sya kay Lei, nung malaman nyang medyo close na tayo at nagkaaway sila, pinababantayan nya si Lei sakin" sagot nya.

"Pero mahal mo ba talaga si Lei?" curious kong tanong sa kanya.

"Napakalaki kong sinungaling kong sasabihin kong hindi" sagot ko.

"In short 'OO'?" Tumingin sya sakin at muling tumango.

Nakita ko yung lungkot sa mga mata nya nung tumango sya. How lucky Grae is, willing syang masaktan para kay Grae, to think na hindi sila totally magkadugo. Ipagtatayo ko nang rebulto tong si Rhon at tatawagin yung rebulto ng mga tanga!

"Mahal mo si Lei? pero willing kang igive up sya, para sa taong hindi mo naman totoong kadugo?"

"That's how important my brother is" seryoso nyang sagot, ntahimik ako at napa-inom sa kape ko.

"So ang pinunta mo dito, eh, para talaga tanungin ako kung may pag-asa ba si Grae kay Lei?" paglilinaw ko, tumango ulit sya.

Galing ko talaga, I'm so brainy talaga! chos lang...

"Well, before mangyare ang lahat ng ito, way back when we were still at first year days, masasabi kong posible, at malaki ang chance" paguumpisa ko,,,,

"Pero nang mag LIE si Grae kay Lei, feeling ko medyo malabo na" sabi ko at pinagdiinan talaga yung salitang LIE. "Try mo sila pag-usapin dalawa nang hindi tayo ang nasstressed para sa kanila" suggestion ko.

Napakain na lang sa cake nya si Rhon after ng mga sinabi ko.

"Your such a nice person Rhon, his lucky to have you as his brother" sabi ko pero nginitian nya lang ako.

"Yan din ang sabi ni Lei sakin last Sunday" sabi nya, best friend talaga kami ni Lei, kahit sasabihin pareho kami.

"Hay naku, alam mo siguro hindi pa ito yung right time for your love life, kaya mag focus ka na lang muna sa career nyo" payo ko sa kanya, napabuntong hininga na lang sya at nagkwento na lang.

Nakwento nyang may gig pala sila sa U.S. Kaya pala easy, easy lang ang the Prince ngayon, ah, lalarga pala sila sa August.
Pwede kayang sumama?

Dream LandWhere stories live. Discover now