Twenty third Dream

33 5 0
                                    

@LEI'S POV@

"Best, nadadamay na yung apat dahil sa pag-iwas mo dun sa isa" sermon ni Xena sakin.

Nandito kami sa Kitkat, as usual medyo konti ang customer kasi nga summer na naman.

"Best, nahihirapan na din naman ako, namimiss ko na rin sila, kaso hindi pa kasi kami nag-uusap ni Rhon, eh" sabi ko naman.

"Well mukhang magkaka-usap na kayo" bigla nyang sabi.

"Ano namang ibig mong sabihin" nagtataka kong tanong.

Tinuro nya yung way nang pinto using her lips.

"Pwede ba tayong mag-usap?" biglang tanong nung lalaking niluwa ng pinto papasok sa shop. Si Rhon.

Tumingin ako dun sa nagsalita na si Rhon, tapos tumingin ako ulit kay Xena, tumango sya sakin, signaling me to talk to this man.

"Sige na best, magbihis ka na kaya ko na dito, wala naman gaanong customer,  eh" sabi nya pa sakin.

Paglabas ko sa shop, naka sandal sya sa pinto ng shotgun seat habang nakatingin sa sahig. Paglapit ko sa kanya, pinagbuksan nya lang ako ng pinto.

Tahimik ang naging byahe namin papuntaa sa hindi ko malaman kung saan, pero ang alam ko lang nasa awkward atmosphere ako ngayon, kaylangan ko yata ng hangin!

Maya maya lang nakarating kami sa parking lot, sa unit nya?

Pagbukas nya nang pinto, bumungad ang malaking picture nya kasama ang apat pa nyang kaibigan.

"Take a seat first, may kukunin lang ako" sabi nya saka ako iniwan sa sala nya.

Hindi ito ang first time kong makapunta sa unit nya, pero dati kasi pag pumupunta ako dito hindi yung kaming dalawa lang, kasama ko si Xena o di kaya yung apat. Kaya ewan ko, hay naku, umaandar na naman ang pagiging wild ng imaginations ko.

Pagbalik nya may dala syang macaroni salad saka vita milk na double choco.

"Kain tayo, hindi pa ko kumakain, eh" sabi nya.

Kumain muna kami nang tahimik, as in super tahimik, tipong kahit yung kutsara at platito na pinagkakainan namin super tahimik.

Pagkatapos ko kumain nilapag ko na yung platito, tinignan ko yung phone ko, nagtext si Xena.

Baklang yun, hindi pa nga kami nakakapagusap gusto na agad maki chismis.

"Ayaw mo na ba?" tanong nya, umiling naman ako as an answer.

Niligpit nya muna yung pinagkainan namin at dinala sa kusina.

Gosh parang pakonti ng pakonti yung oxygen dito sa loob ng bahay na to.

@RHON'S POV@

Ano bang gagawin ko?

Kinakabahan ako?

Sasabihin ko na ba sa kanya o wag muna?

Kaya ko to, ako pa ba?

Ako yata si Rhon Allen ng sikat na boy group na the Prince.

Huminga ako ng malalim at tinungga yung tirang vita milk dun sa bote ko. Sinilip ko sandali ni Lei, pagkasilip ko sa sala tahimik lang syang nakaupo at nilalaro lang yung phone nya.

"Friendship is better than relationship! tama!" sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim bago ko buksan yung pinto.

"Pwede na tayo mag-usap?" bungad ko pag-upo ko sa harap nya, tumango naman ito.

"Tungkol saan ba yung dapat nating pag-usapan?" pag-uumpisa nya, seriously? Hindi nya alam o patay malisya lang sya?

"Yung tungkol dun sa mga sinabi ko sayo nung nakaraang linggo?" sagot ko na patanong ang tono. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, lintik, awkward talaga!

Dream LandWhere stories live. Discover now