Forty sixth Dream

24 2 0
                                    

@XENA'S POV@

Nang makapwesto na kami sa table para kumain, nagring ang phone ni Lei, nakita kong si Rhon ang tumatawag kaya hinayaan muna namin syang sagutin ito.

"Best, punta daw tayo sa may sofa sa sala, tara!" Tawag nya sakin.

"Bakit daw? Nagugutom na ko, eh!" Reklamo ko, nakakaakit kasi yung mga foods, may lechon pa at yung ulo nya ay nakatapat sakin, parang tinatawag pa ako nito.

"Sandali lang, tara na wala namang mawawala kung sasakyan natin tong trip nila" pangungumbinsi nya pa, kaya tumayo na ko at sumunod na sa kanya.

Umupo kami sa sofa at wala naman kaming nakitang kakaiba!

"Alam mo best, ginugutom lang tayo ng mga yun, tara na nga!" Reklamo ko, patayo na sana ko ng biglang may pumutok na Party popper sa magkabilang gilid ko, yung isa ay nasa tabi ko at yung isa sa tabi ni Lei. Kasabay ng pagputok nito at ang paglabas ng limang lalaki.

"Congratulations Lei and Xena!" Sigaw nila, sa sobrang gulat ko sa nakita at sa pagputok ng party poppers napa-upo ulit ako pabalik sa sofa. Medyo nabalik ako sa realty nang hawakan ni Arkin ang kamay ko para itayo ako at yakapin.

"Waaaaaahhhhhhhh, kuya Ian!" Sigaw naman din ni Lea nang makapagbeso na kaming lahat sa isa't isa.

Hindi rin pala alam ni tito na nadito na tong mga to, at sila rin pala ang nagpagawa at nag-ayos ng mga handang pinagsasaluhan namin ngayon, kaloka, ininggit ko pa sila kanina kahiya naman!

Halos hindi ko na malunok ang mga kinakain ko dahil sa mga kalokohan at kabaliwang pinagkukukwento nila Aki samin. Mga epic moments daw nila habang nasa tour sila.

"Pero ang pinaka epic talaga yung mukha ni Xena kanina nang magulat sya dahil sa putok ng party poppers" bigla namang sabi ni Rhon na simula pa kanina ay trip na trip na kong pagtawanan at asarin.

"Hoy ako Rhon, tigil tigilan mo huh, muntik nang kumawala mula sa katawan ko yung puso ko dahil sa gulat!" Pagbabanta ko na kinatawa naman nila, anong nakakatawa sa sinabi ko? Muntik naman na talagang lumabas yung puso ko sa katawan ko sa sobrang gulat ko, eh!

Nang matapos kaming kumain, binigyan nila kami ng sandamakmak na pasalubong na regalo na rin daw nila samin. In fairness, ah, mga branded at made in Europe yung mga regalo nila samin.

"Family picture tayo dali!" Sigaw ni Ian saka nilabas ang isang DSLR at tripod na pinuwesto nya sa tapat ng inuupuan namin, kaya tumayo ako at gumilid.

"Oh best, san ka pupunta? Gutom ka ba ulit?" Tanong ni Lei

"Family picture, eh" sagot ko.

"Gagang to, bakit hindi ka ba namin pamilya? Sapukin kita dyan, eh!" Sabi nya saka ako hinila at ikinawit na ang mga braso nya sa braso ko. Halos mangawit ang mga panga namin kakangiti at wala na kaming maisip na pose pero si Ian sige lang kakasigaw ng isa pa!

Habang busy naman kami sa paglalaro ni Arkin ng criminal case sa phone nya, hindi ko mahanap sa paligid si Rhon at Lei, san kaya sila nagsuot na dalawa?

"May kailangan silang pag-usapan, wag mo na muna silang hanapin, just focus on the game!" Sabi nitong katabi ko habang hindi inaalis ang mata sa screen ng phone.

Ano na mang pag-uusapan nila? Pero dahil inutusan ako ni Arkin, ginawa ko na lang, nag focus na lang ako sa game.

















Makalipas ang isang buwan, nakapasok kami sa isang company na pagmamay-ari nila Aicy, pero kasabayan at kalevel lang namin sya, puro kami mga Manager ng kanya kanya naming department. Ako ay sa Sales department, si Lei ay sa advertising department at si Aicy naman ay sa production department.

Dream LandWhere stories live. Discover now