Epilogue

53 1 0
                                    

@GRAE'S POV@

"That night was a blast!" masayang sabi ni Rhon.

He was referring to the night of their concert kung saan kinausap ko lahat, mula sa producer ng concert hanggang sa mga props men at lahat ng bumubuo ng concert para lang payagan akong dagdagan ng isang oras yung concert para sakin. Buti napapayag ko silang lahat.

"Oo nga bro, nakakapagod pala maging back up dancer at second voice?" sabi naman ni Arkin, "Now I know how it feels to be in the dark part of the stage"

"Pero worth it" sabi ko naman na sinang-ayunan naman nila.

"Oo naman bro, super worth it!" Sabi naman ni Caleb, "Kahit super pagod kami"

Nandito kami sa bahay nila Lei, kasama ang buong squad habang masayang nagkukwentuhan at magkakasamang pinaplano ang kasal namin ni Lei. Nakwento na rin ng mga boys ang mga kaganapan na nangyare nung mga panahong wala pa ko. Kahit yung kila Rhon at Lei. It hurts, but it's already done at nilinaw naman na din nilang dalawa yun sakin, so okay na ko dun.

"Hoy Grae! ang bilis mo rin, ah, hindi ka dumaan sa girlfriend, asawa agad ang gusto mo!" Sabi ni Patty na kinatawa nila, "Ikaw na talaga ang pinuno ng pinuno ng mga Hokage!" Dagdag nya pa na lalong kinatawa ng lahat, even me.

"Aba, eh, siguraduhin mo lang na di mo na ulit iiwan at lolokohin si Lei" sabat naman ni Kara, tumango naman ako habang kumakamot sa batok ko.

"Dahil kung hindi...1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, labing dalawa lang naman kaming makakaharap mo" pagbabanta naman ni Xena na binilang pa ang mga kasama namin isa isa.

"I Promise!" pangako ko pa with matching taas kamay pa na parang nanunumpa.

Ang dami pang death treats at pangaral ang natanggap ko mula sa bawat isa sa kanila na kinatatawa na lang din naming lahat.

Nakakaloko rin ang tadhana minsan, yung akala mong nawala, hindi naman nawala, umalis lang, at yung akala mong hindi na babalik, bumalik pa rin. It's been a month mula ng magpropose ako kay Lei, and plano naming gawin ito by next year para makilala pa raw ako ni tito.

Sa tagal kong nawala, ang daming nagbago, nung bumalik ako, natakot pa nga ako kung may mapapala ba ko sa surprise proposal ko kay Lei. Pero tumaya ako sa laro ng buhay, tumaya ako sa larong hindi ko naman sigurado kung mananalo ako, tinaya ko na rin maging ang pamato ko. Ang buong akala ko matatalo ako, pero buti na lang sumugal ako ng malaki, kasi worth it yung sinugal ko, dahil mas lumaki pa ito. Sa buhay na meron ako, sinugal ko ang career, pangalan, repotasyon at pride ko sa isang laro na bihira ang nananalo, dahil nga pati pamato ko ay tinaya ko, doble pa ang napanalunan ko.

Dahil sa nangyare, hindi nawala ang career ko, kasi kinuha rin ako ng agency na may hawak kila Rhon, nawala man sakin ang ilan sa mga meron ako sa ibang bansa, napasakin naman ang babaeng pinakamamal ko, ang babaeng buong buhay kong hinintay.

Tama nga sila, swertehan lang yan, at maswerte ako dahil sa larong pinasok ko, ako ang nanalo. It's really worth the risk ika nga nila.









@LEI' S POV@

"Akalain mo yun best, dati staff lang tayo sa isang coffee shop, sino ba naman mag-aakalang magiging owner na ko ng sarili kong shop diba?!" masayang sabi ni Xena na natatawa pang binabalikan ang mga old days namin nung nagtrabaho kami sa kitkat.

"Tapos ate, halos hindi natin makasama si mama dahil hindi sya pwedeng tumigil sa pagtatrabaho, dahil kung tumigil sya, titigil din tayo sa pag-aaral" sabi naman ni Lea.

"Pero dati pa yun Lea, iba na ngayon! Ibang iba na!" Sabi ni papa sa kanya sabay akbay pa kay mama at Lea na nasa magkabilang gilid nya lang. Napangiti na lang ako sa image na nasa harapan ko.

Dream LandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora