Seventeenth Dream

31 5 0
                                    

@LEI'S POV@

After a month, hindi ko na ulit sya nakita, bakit ba ko nagtataka, eh, kung tutuusin sinunod lang naman nya yung sinabi ko na ayaw ko na syang makita. Masaya naman ang takbo ng buhay ko kasama ang mga bago kong kaibigan, sino pa ba? edi ang the Price of my life.

Grabe, sinong mag-aakalang magiging kaibigan ko talaga sila in real life. Yes in real life na at hindi na sa mga day dreams at panaginip. Sa loob ng ilang buwan na lagi halos kaming magkakasama at nakaka-usap, dahil nga nakapahinga sila, wala silang ibang ginagawa kung di ang kulitin at panuorin kami ni Xena habang nagtatrabaho sa Kitkat.

Si Rhon, palagi akong inaasar, samantalang takot naman sya kay Xena, hindi ko na rin pala sya pinagnanasaan, kasi nga magkaibigan na kami! Minsan na lang echos.

Si Aki, ayon magkasundong magkasundo sila ni Xena, pano parehas silang maingay at magulo.

Si Arkin naman, feeling ko may secret crush na kay Xena, pero close naman sila, takot nga lang sya mabara ni Xena, torpe problems!

Si Caleb naman ang laging taga dala samin ni Xena ng pagkain, pinatataba nya kami, kasi ang papayat daw namin.

Si Ian naman, ayon, takot kay Xena, pero gustong gusto ako kausap, ate na nga ang tawag nya sakin, well tuwing tinatawag nga nya akong ate, feeling ko talaga real life brother ko sya, eh.

Akalain mo, sa katauhan ng mga lalaking to, makakahanap ako ng mga totoong tao na hindi tumitingin sa estado ng buhay pagdating sa pagkakaibigan.

Nandito ko sa bahay, walang pasok sa kitkat ngayon, kaya rest muna.

"Ate, si kuya Rhon nandito!" sigaw ni Lea habang kumakatok.

Agad naman akong bumaba at nakita ko si Rhon na prenteng nakaupo sa upuan sa sala.

"Oh Rhon, hindi ka nagpasabi na pupunta ka pala?" bungad ko.

"Ah, wala kasi akong magawa, dumaan ako sa kitkat, naalala ko day-off pala kayo, kaya dumiretso na ko dito" sagot naman nya.

"Ikaw lang? wala ka lang ata maasar kaya mo ko pinuntahan, eh" sabi ko naman at naupo sa tabi nya.

"Parang ganun na din, kung gusto ko ba mang-asar si Xena ba ang pupuntahan ko? syempre hindi noh" sabi nya sabay ngiti ng parang nang-aasar!

Kukuha sana ako ng pizza na dala nya ng biglang paluin nito ang kamay ko.

"Aray, penge ako, hindi pa kaya ako nagmemeryenda" sabi ko in a nice tone, syempre baka pagdamutan ako pag sinigawan ko sya, eh.

"Para kay Lea lang yan" sagot naman nya.

"Grabe, hindi naman nya yan mauubos" reklamo ko naman.

"Sige, 20 pesos per slice" sabi nya saka nilahad ang palad sa mukha ko, tinapa naman tong lalaking to, negosyante?

"Rhon, ang damot mo!!" naiinis kong sabi.

"Biro lang, sige na kumuha ka na, tas samahan mo ko" sabi nya sabay kagat sa hawak nyang slice ng pizza.

"Saan na naman?" reklamo ko.

"Sa labas kakain tayo!" sagot nya.

"Kumakain ka na kakain ka na naman sa labas?" reklamo ko habang ngumunguya.

"Sabi mo pakakainin mo ko ng mga paburito mo" sabi nya.

Oo nga pala, naalala ko nagpromise nga pala ako sa kanya na pakakainin ko sya ng mga paburito kong street foods.

"Oh edi tara na" sabi ko naman agad.

"Excited? Kumakain ka na nga, eh" sabi nya.

Parang yan yung sinabi ko sa kanya kani kanina lang, ah? bumalik agad sakin?

Lumabas kami at pumunta sa may kanto at binili ang lahat ng klase ng inihaw, tas bumili kami ng balot, tokneneng, fishbals, chicharon, at buti may nagtitinda pa ng kalamares.

Inuwi namin yun sa bahay, para sana bigyan din si Lea, kaso pagdating namin tulog na sya.

"Ay naku, nakatulog na sa sala ang bata" sabi ko ng makita namin syang tulog sa upuan.

Gigisingin ko sana sya ng pigilan ako ni Rhon.

"Bakit na naman?"

"Kita mong natutulog gigisingin" saway nya sakin.

"Alangan naman buhatin ko, bigat kaya nya"

"Iaakyat ko na lang sya" sabi nya.

Pagbaba nya, nakalagay na sa lagayan yung mga pagkain.

"Tara na, tikman na yan" excited nyang sabi.

"Wait, dun tayo sa masarap kainan nito. Dalhin mo yung mga sawsawan" utos ko saka umakyat sa may kwarto ko at lumabas sa may bintana.

"Hoy, kaya ka ba ng bubong nyo?" nag-aalalang tanong nya sakin.

"Oo naman, tara na, kaya ka rin nito" sabi ko.

Inextend ko yung kamay ko na inabot nya naman.

"Wow, parang ang fresh ng hangin dito ah?" nakangiti nyang sabi.

"Oh, kain na tayo, dito masarap kumain ng isaw at mag senti"

"Senti talaga? Siguro, dito mo ko pinapangarap noh" pag-uumpisa nya sa pag-asar sakin, tamo to, past is past!

"Hoy manahimik ka nga, kumain ka na lang" saway ko.

"Huy ang sarap, ano pangalan nito?" tanong nya habang tinuturo yung kalamares,

"Kalamares, gawa yan sa pusit" sagot ko naman.

"Nga pala, what happened dun sa isa mong friend na nanlibre sa inyo ni Xena ng tickets para sa concert namin dati?" tanong nya, napaubo naman ako bigla.

"Oh, okay ka lang? dahan dahan kasi, hindi naman kita uubusan, eh" sabi nya sakin habang hinahagod yung likod ko.

"Ah, okay lang ako"

"So, asan na nga ba sya?" tanong nya ulit.

"Ahm, kasi hindi na kami magkaibigan, eh"

"Why? what happened?" Bakas sa boses ng lalaking to ang pagkachismoso, kagwapong lalaki chismoso.

Pero dahil sya naman ang nagbayad ng mga kinakain namin, kinuwento ko na lang yung nangyare, habang sya kain ng kain. Para syang batang sarap na sarap sa pagkain habang nakikinig sa kwento ng lola nya, nakakaloka talaga minsan tong si Rhon.

"Ang babaw Lei, ah" kumento nya nang matapos ako.

"Okay, mababaw na kung mababaw, it's just that, ayoko lang sa mga taong sinungaling" sagot ko sa kanya.

"Okay, nandun na tayo, pero hindi mo ba sya kayang patawarin?" tanong ulit nya sakin habang kumakain ng kalamares.

"Hindi.......Hindi pa siguro"

"What if, kami rin nagsinungaling sayo?" bigla nyang sabi, napatingin tuloy ako ng masama sa kanya.

"What if lang" sabi nya ulit.

"Syempre magagalit din ako noh, ang unfair ko naman kung kay Grae nagalit ako tas sa inyo hindi" sagot ko naman.

"Okay sige, pero matanong lang kita, kahit kelan ba sa buong buhay mo hindi ka nagsinungaling? kahit na isang beses? Kahit na kay Lea hindi ka nag sinungaling?" sunod sunod nyang tanong.

Napayuko naman ako dun sa mga tanong nya, parang nakakaloka naman kung sasagutin ko. Syempre hindi naman ako ganun ka perpekto at hindi naman ako ganun kahonest na tao.

"Alam mo Lei, masama nga ang magsinungaling, unless you're doing it for a good reasons. Eh, ikaw na din naman ang nagsabi sakin na he did it kasi he wants to help you, eo he lied for a reason, and for me that is a good reason" dagdag nya pa.

"Hay, ewan, hindi ko na alam, ayoko na ng topic" sabi ko saka uminom ng juice.

Hindi naman nya na ko kinulit about doon, well hindi nga nya ako kinulit tungkol doon, Inasar naman nya ako ng inasar hanggang magsawa sya.

Dream LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon