Fifty first Dream

27 2 0
                                    

@CALEB'S POV@

"Man naman, ang tanda mo na hindi ka pa rin marunong mag-ayos ng neck tie!" sermon ni Rhon kay Ian na tinutulungang ayusin ang neck tie nya.

Magkakasama kaming lahat dito sa isang room sa hotel kung saan nakacheck in lahat ng guest sa wedding ni tito Marcos at tita Lilia. Nasa kabilang room naman yung mga girls, si Ian ang best man at si Lei naman ang maid of honor. Classy but simple and private and kasal, dahil na rin kasi samin nila Ian, ayaw naman daw kasi ni tito na kasal nila yun, pero may mga nagpapapicture sa anak nya o kaya ay samin. Isang church dito sa Caleruega sa Tagaytay nila napili dahil maganda ang place at hindi gaanong pinupuntahan, samantalang dito sa isang function hall ng hotel na to ang reception.

Busy kami sa pananalamin sa human size na mirror dito sa kwarto ng biglang mag-eskandalo ang telepono ni Rhon. Nagkatinginan muna kaming lahat bago tinignan ang phone ni Rhon

"Sorry, sasilent ko na promise" sabi ba bago sagutin kung sino man ang tumatawag sa kanya.

"Hello tol, napatawag ka, ikaw, ah, marami kang utang na kwento sakin!....nandito kami sa Tagaytay, eh......hindi, ngayon nga ang kasal ni tito Marcos at tita Lilia... okay lang, maaga pa naman, sige sige" sabi nito saka na binaba ang phone at kinalikot itong muli. Umupo sya sa kama at nilagay ang phone nya sa selfie stick at nakita namin sa screen si Grae.

"Grae!!!" Sabay sabay naming sabi dahil sa sobrang pagkamangha. Ang laki ng pinagbago ng mukha nya, may suot syang reading glasses at kitang kita ang mga namuong muscles sa biceps nya dahil sa itim na sandong suot nya.

"Bro, buhay ka pa pala, langya mahigit apat na taon kang di nagparamdam, ah! Kamusta?" Pangangamusta ni Arkin sa kanya.

"Naks, tinalo mo na ang biceps namin ni Rhon!" sabi naman ni Aki.

"Mukhang hiyang ka na dyan, ah, you know what, I hate to say this but I admit, gumwapo ka pre" sabi naman ni Ian, "Pero mas lamang pa rin ako"

"Kelan balik mo dito sa Pinas pre? balita namin sikat ka na dyan, Size 40, ah" Tanong ko naman na may pahabol pang bilin.

"I'm fine here guys, enjoying my free days especially now that were going to start promoting my debut movie that will be shown here next week. I think it would be shown in the Philippines in a few months, support it guys, will you?" Tanong nya na medyo may accent pa, "And by the way thanks for the compliment Ian"

"Ay grabe, dumugo yung nose ko doon" sabi naman ni Arkin na kinatawa namin.

"Pero wait, may movie ka? So totoong artista ka na nga dyan?" Sabi ni Rhon,

"Oo nga, akala ko kumakanta ka lang?" Dagdag ko naman,

"Naks naman, big time ka na nga talaga bro! Wag mo kaming kakalimutan, ah!" Sabi naman ni Ian,

"Grabe, kala namin chismis lang talaga ni tita na nag-artista ka na" Sabat din ni Aki.

"It's a very long story guys, and I think a day is not enough for me to tell" sagot naman nya.

"Naka naman bro, hindi mo lang ako kinontact ng apat na taon artista ka na! Grabe, ah, kay mommy ko pa talaga dapat malaman" sabi naman ni Rhon,

"When I come back I'll tell you how and when did I start. Sorry Bro, I'm just so busy doing two things at a time, even mom can't have time with me because of my very busy schedule" sagot nya.

Kung anu ano pang mga kalokohang tinatanong namin kay Grae nang biglang may marinig kaming katok mula sa labas.

"Ian? Guys?" Rinig naming katok ni Lei, nagkatinginan kaming lima at bigla kaming napatingin kay Grae na nasa screen at saka muling napatingin sa pinto na ngayon ay nakabukas na, nalintikan na, pano sya nakapasok?

"Hey tara na aka----" napatigil sa pagsasalita si Lei nang makitang seryoso kaming nakatingin sa kanya. Nakita kong napatingin sya sa selfie stick na hawak ni Rhon na ngayon ay nakatago na sa likod nya.

"Sorry, naistorbo ko kayo sa paggugroufie, pero hinahanap na raw kasi kayo sa baba, mamaya nyo na ituloy yan" sabi nya sabay alis sa kwarto. Nakahinga kaming lahat ng maluwag nang sumara na ang pinto.

Inangat na ulit ni Rhon ang hawak nya at nakita namin nandun pa sa screen si Grae.

"Hey, si Lei ba yun? Sya ba yun huh? Tell me? Answer me, is she the gorgeous woman who just left? Is it her?" Tanong nya. Naka one sided off shoulder na lime green dress si Lei na kakulay ng mga tie namin, yun kasi ang motif. Nakapusod ang buhok nya at parang may hagdang design na nakapalibot rito

"Ah tol, pasensya na, ah, gusto pa sana namin makipagkwentuhan kaso kailangan na naming umalis, tatawagan na lang kita ulit mamaya" pagpapaalam nya, nakita naming tumago lang sya, pero hindi pa man binababa ni Grae yung phone binaba na ni Rhon ang kanya.

Hanggang sa simbahan habang hinihintay ang bride, si Grae ang topic namin. Hindi lang kami makapaniwala sa mga napanuod naming performance nya sa YouTube.

"Grabe, international sensation na nga talaga si Grae, hindi pa sana ko maniniwala kung hindi pa natin sya nakausap" sabi ni Aki na tinanguan namin.

"Hey, anong pinag-uusapn nyo? tama ba yung narinig ko? Nakausap nyo si Grae?" Tanong ni Xena na bigla na lang sumulpot sa likod namin kasama sila Aicy, Patty, Shane at Kara. Tumango lang kami, hindi na sana kami magkukwento kung hindi lang sila makukulit.

Nang sabihin ng organizer na nandyan na ang bride, umayos na kami at nag-umpisa na ang ceremony. Nang makapasok na si Lei na syang huli sa entourage ay sinara ang pinto, nang muling buksan ito, bumungad samin ang magandang bride na malawak ang ngiting naglalakad sa aisle habang tumutugtog ang kantang Amaze by Lonestar. Nakita ko naman si Lei na umiiyak habang nakatingin sa mama nya.

Nang magbigayan na sila ng vow, lalong naiyak si Lei, akala mo sya ang mama ng bride, eh.

Nang makarating kami sa reception, focus kami sa pagkain, pero si Lei hindi masyadong makakain kasi lagi syang tinatawag ng host to do that, to do this, to bring this, to get this, nakakaawa tuloy si Lei, kaya ikinain na lang namin sya.

Maya maya lang tinawag na ang mga single ladies for catching the bouquet. Pumila silang lahat at hinintay na maglanding ang bulaklak sa kanila. Nagulat kami at nagsitawanan nang si Xena ang makasalo. Nang kaming mga single boys naman ang pumila para saluhin ang garter namula bigla si Xena ng maglanding ito sa mga kamay ni Arkin. Itong dalawang to rin pamanhid effect, eh, hanggang ngayon parang mga high schooler kung mag inarte at magpabebe, halata namang gusto nila ang isa't isa.

"Hay naku, love moves in mysterious ways talaga, akalain mo yun, nagkahiwalay si tito at tita ng almost 11 years, sino ba naman mag-aakalang magkakabalikan pa sila diba!?" sabi ni Kara habang nakatingin sa sweet na sweet na newlyweds.

Ang buhay nga naman, parang malawak na dagat, hindi mo mahuhulaan kung saan papunta ang agos at kung saan ito matatapos, pero once na nagpatangay ka sa agos nito, for sure safe ang babagsakan mo at hindi ka masasaktan.

Sana maging kagaya ng love story nila tito at tita ang love story ng bawat isa samin. Mawala man sa unang pagkakataon, babalik at babalik dahil yun ang itinakda ng panahon.

Dream LandWhere stories live. Discover now