CHAPTER 19

1.4K 107 15
                                    

"Boss. Ihahatid na kita. You should really ditch your car." Sam told her nang umibis na ito sa sasakyan nito.

Amelia looked at her car bago niya ito tingnan. "Sam, bakut gusto mo akong laging ihatid?"

She waited for Sam's answer while playfully wriggling her eyebrows.

Sam sighed. "Because I am a responsible employee? Tsaka I want to make sure that my boss will be home safe."

Amelia couldn't help the smile in her face. If Sam is a man, siguradong ma-i-inlove na siya dito. Ang thoughtful nito at lagi ding inaalala kung nakauwi ba siya. Sam will always text her. Hindi ito nakakalimot na i-message siya. Asking if she was home safe.

What made Sam like this? Bakit masyado itong caring samantalang alam nila pareho na mistress ito ni Christian?

O iba lang din talaga ito mag alaga ng boss nito?

Amelia smiled when she remembered last night. Hinatid siya nito hanggang sa makapasok siya sa bahay niya. Then Sam pestered her to text back para mapanatag na itong nakauwi nga siya ng safe.

She looked one last time in the mirror bago siya bumaling sa harap ng pinto ng office niya. Inagahan niya talagang mag punta ngayon para magulat niya ito. She bet that Sam didn't see her in a smart casual clothes. Mag lalaway ito mamaya.

She straightened her hair using her hand bago bumaling sa pinto nang kumatok doon si Sam.

"Sam. Casual na lang ang isuot mo bukas. Ilang oras din ang layo ng resort and I want us to be comfortable."

Yun ang sinabi niya dito kagabi bago ito umalis and Amelia couldn't help the smile on her face nang makita ito. Sam is wearing jeans na binagayan nito ng white shoes at kagaya ng una niya itong nakita. Naka white t-shirt ito. Those statement t-shirt na may mga nakalagay na quotes. This time ang nakalagay doon ay 'I don't care. I look hot.'

Hindi din nakaligtas sa kanya ang pag nganga nito at pag hagod nito ng tingin sa kabuuan niya.

Sam was trying not to look her way pero ilang beses niya na itong nahuli na hinahagod siya ng tingin.

Amelia's lips tugged up in a corner smirk. I know you like what you are seeing, Sam.

Pero agad ding nawala sa mukha niya ang mga ngiti niya nang tuluyan nang iniwas nito ang tingin sa kanya. Ang bilis naman nitong makabawi ngayon sa pagpapakitang nagagandahan ito sa kanya.

Nakasuot lang naman siya ng off yellow printed na sleeveless shirt na pinaresan niya ng highwaisted jeans at white sneakers. Ang cute niya ngayong tingnan, mukha na talaga siyang Korean actress.

Kamukha niya nga ata si Shi Min Ah. Kagaya ng madalas na sabihin sa kanya ni Christian. But her husband had been upset with her for almost a month now. Hindi siya nito mini-message for the past week. At unti unti na din siyang nasasanay. Bahala ito kung ayaw siya nitong pansinin. She was still enjoying everything with Sam.

Ilang beses na ba niyang ni-r-replay sa utak niya kagabi ang ginawa nito sa elevator? She wants Sam to do it. Ramdam na niya ang excitement niya habang tinititigan siya nito. Sam is looking at her like she was a piece of meat about to be devoured. Pero nagawa pa din nitong mag pigil ng sarili nito.

She won't initiate anything dahil baka may ma-breach siyang protocol. But if Sam is the one who will lose control. Hindi siya makakasuhan.

She needs to push the younger Del Rio to follow her instinct.

"Hinanda mo na ba ang mga gamit mo, Boss?"

Sam put a large black bag on the floor. Maaga talaga ang alis nila ngayon para makita pa nila ng maaga ang resort.

Amelia walked towards Sam's way habang bitbit bitbit ang hawak niyang bag. "Syempre. I am always ready."

Sam glanced at her pero hindi na nagtagal ang tingin nito sa kanya.

Bibigay ka din, Samantha. Amelia thought.

"Let's go, Boss?"

Sam carried the two baggages and went out of the office. Ang gentlewoman talaga nito. Halata namang hirap ito sa pag bitbit but Sam didn't complain nang makapasok na sila sa elevator.

Hindi din ito tumitingin sa kanya. Sam is craning her head forward pero kitang kita niya sa salamin ng elevator na titig na titig ito sa kanya. Ilang beses din itong lumunok. Amelia smirked. Sa sobrang focused ito sa katawan niya. Hindi nito napapansin na kitang kita niya ang repleksiyon nito sa elevator.

Minsan ay nagiging slow din pala ang isang Samantha Del Rio.

She couldn't help the giggle in her voice.

Kunot ang noo na nilingon siya nito pero tinaasan lang niya ito ng kilay at nauna na siyang lumabas ng elevator.

Amelia couldn't help the smile that made its way to her lips. She knew Samantha will check out her ass again. Isa sa mga pinagmamalaki niyang asset bukod sa dimples niya ay ang matambok niyang pwet. Kaya naman sigurado siyang hindi lalagpas sa mga mata nito iyon.

"Sam? Are you excited to go see the resort?"

Hindi ito tumingin sa kanya. "As if we are there to enjoy the summer. Trabaho ang pinunta natin dun, boss."

Napailing na lang si Amelia. "Bakit ang seryoso naman ng sagot mo? Why not? Andun na din naman tayo. Might as well show you what the resort could offer." And what I could offer.

Pilyang naisip niya nang pasadahan ng tingin ang batang Del Rio. Sam looked like the kind of woman who is rugged yet at the same time is really a softy inside. Hindi niya tuloy alam kung anong nakita nito sa asawa niya para pumayag na maging kerida ni Christian. Or is it all about sex?

Paano kung kaya niya naman palang ibigay ang sex na gusto nito? She read from a magazine that sex with a woman could really be enjoyable. Not that she was really into it before pero nang sabihin ni Bridgette sa kanya na minsan itong nakipag onenight stand sa isang babae ay parang na-curious siya.

She never knew sex with anyone else but Christian. Baka tama nga si Bridge. She needs to experiment in her life para malaman niya kung hanggang kay Christian lang ba talaga pwedeng uminog ang mundo niya.

Sam sighed and bit her lip. Amelia couldn't help but bit her own lip too. Bakit ba ang init ng pakiramdam niya habang tinititigan ang bawat pagkibot ng labi ni Sam? She suddenly had the urge to bite it herself.

Hindi niya tuloy alam kung kaya niya pa bang pigilan ang sarili niya na mapanatili sa pagitan nila ang employee-employer relationship.

"Well. Kung ganun ang gusto mo, boss. I'll just follow you around. Wala naman akong magagawa. Utos yun ng bossing."

Umalog ang balikat ni Amelia. Ang cute nito. Kunot na kunot ang noo at first time niyang makita na nag pout ito. Kahit na slight lang ang pagkaka-pout nito.

"Well. You should always follow what I'll say then."

Kumunot ang noo nito at tinitigan siya. There was an alarm in those big brown eyes.

"M-Maybe, not all the time, boss. Thanks for the offer anyway."

Pagkasabi nun ay para itong sinisilihan sa pwet na nauna nang nag lakad sa kanya.

Iiling iling na lang na tumingin siya sa pwet nito. Matambok din pala ang pisngi ng pwet ng nakababatang Del Rio. Maybe going to the resort will take Sam's mind off of her father; s condition too. Hindi lang naman dahil sa balak niya kaya niya ito niyaya doon. It's like hitting 2 birds with one stone. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon