CHAPTER 42

1.3K 96 19
                                    

Kumunot ang noo ni Amelia nang makita ang leave form ni Sam. It was 2 months. Ganun ba kalala ang kalagayan ng matandang Del Rio para mag bakasyon ng ganun kahaba si Sam? Or is it because of the last conversation they had?

"Sam?"

"Yes, Boss?" Saglit lang itong tumingin sa kanya at muling tumingin sa computer nito.

Amelia bit her lip. Ang cold ni Sam sa kanya. Napalabi tuloy siya habang tinititigan ito. But Sam didn't look in her direction not even once kahit pa kanina pa siya nag papa cute dito.

Ayaw din naman niyang maging demanding dahil alam niyang pino-problema nito ang Dad nito. Sam had frequent abscences dahil minsan ay pumupunta ito ng hospital. Hindi niya naman ito masamahan dahil naging busy din siya. There were some problems in RC2 Makati branch at kailangan niya munang intindihin iyon. Hindi niya tuloy namalayan na 2-weeks na pala ang lumipas at si Sam naman ay busy din sa Dad nito.

Hindi nila napag usapan ang tungkol sa sinabi niya dito noong nakaraan. And she felt like it was the same thing that made Sam cold towards her.

"Ok lang ba ang Dad mo?"

Sam looked at her for a while pero agad din itong yumuko. There was a silence that hung between them.

Amelia bit her lip. She screwed up. Sam wouldn't even want to talk to her after the stunt she pulled last time. Hindi niya maintindihan but this silence is killing her. Gusto niyang kausapin siya nito. Gusto niyang mag sabi ito sa kanya tungkol sa araw nito. But Sam wouldn't say anything.

"Sam. Tinatanong kita."

Her voice is firm. Namewang na tinitigan niya ito. But Sam didn't look her way.

"Ano bang paki mo?" Sam looked up, and she saw the anger in those almond eyes.

Saglit siyang natigilan. Amelia couldn't help but swallow. Ngayon niya lang nakitang magalit si Sam. Pero hindi niya din maiwasan ang pag bangon ng inis sa dibdib niya sa sinabi nito. She cares! Ano baa ng tingin nito sa kanya? Ganun ba kasama at wala na siyang pakialam sa paligid niya? Sa Dad nito? O maging dito?

"Sam! Of course I care! Ano ba namang tanong yan?" Kumunot ang noo niya at talagang marahas ang pag buga niya ng hangin.

"Talaga?" Sam inhaled and exhaled a breath. Umiwas ito ng tingin sa kanya at tumayo. "Forget about it. Last day ko ngayon. I already filed the vacation leave, boss. Nakuha mo naman na ang papers ko."

Umalis si Amelia sa upuan niya sa sinabi nito. Panick suddenly sinks in. Ngayon ang last day nito? She took the paper from the table and looked at the date. Totoo ngang bukas ang simula ng filed leave nito.

Her heart hammered against her chest. Sa isipin pa lang na hindi niya ito makikita ay tumututol na ang puso niya. She put a hand to her chest and looked at Sam's way.

"Samantha...." She took a step towards Sam.

Sam took a step back at tumama pa ang likod nito sa lamesa.

Nakita niya pa ang pag baba at pag taas ng dibdib nito. Sam is entering into her fight or flight response. Ramdam niya dahil kita niya din ang panginginig ng kamay nito.

Hindi niya na inantay na makaalis pa ito sa lamesa nito. She took a quick step and blocked Sam's way. Inilagay niya ang dalawang kamay sa gilid nito.

Her heart hammered against her chest habang nakatingin dito. Umawang ang bibig nito and Amelia couldn't help but look at those sinful red lips. Napalunok siya. Her mind is imagining scenarios again but this isn't the time kaya mabilis siyang umiling. Hindi kailangan ni Sam ng sex. Sam needed to know that she's here. Hindi na lang naman sex ang gusto niya dito. Sam became her friend too. At alam niyang nahihirapan ito ngayon.

She wants to offer comfort too. Hindi lang si Sam ang marunong magpahalaga. She wants to be there for Sam's darkest hour. Hindi madaling mawalan ng ama and Sam's father is dying. Hindi niya din alam kung kakayanin niya ang sakit kung mangyari iyon sa kanya. Kahit pa hindi sila close ng Dad niya.

"Sam. Mahalaga sakin si Mr. Del Rio. Ikaw din, mahalaga ka sakin. Di ba sabi mo nga hindi kailangang maging mag kadugo para maging pamilya ang turing sa isang tao?"

Sam lifted her chin up. There is still that fire in those eyes. Para siyang masusunog sa uri ng titig nito. It was a look that could pierce right through her soul. Pero sinalubong niya ang titig nito. She wants Sam to know that she's here kahit pa pag tulakan siya nito.

"Ikaw na ang nagsabi, boss. Hindi mo alam kung ano tayo." Sam's voice is cold as ice. "May sagot na ba sa tanong mo? Kung wala pa. I'll give you two months to think about it."

Amelia opened her mouth pero walang lumabas na salita sa bibig niya. She searched Sam's eyes. Galit ito. She can see that.

She sighed and closed her eyes. Sumisikip ang lalamunan niya sa nakikitang galit sa mga mata nito. Yes. She deserved it. Sinaktan niya ito. She was the one who carelessly told Sam, kung ano nga ba sila? Masakit pala nang ibalik nito sa kanya ang tanong na iyon.

Ramdam niya ang panginginig ng kamay niya nang iangat niya iyon.

Hinaplos niya ang mukha nito and Sam flinched.

Pero unti unti ding pumikit ang mga mata nito and Amelia bit her lip.

Their touches feel so natural. Kahit ngayong hinahaplos niya ang mukha nito ay kakaibang init pa rin ang nararamdaman niya. Her heart is warm yet at the same time, a pinprick of pain is also there. Ayaw niya sa ideyang hindi niya ito makikita ng dalawang buwan. Plus, the fact that she can't talk to Sam or hear her voice.

Dahil duwag siya at dahil hindi niya pa din alam kung sino ang mas matimbang sa dalawa ay nasasaktan niya si Sam. She's being unfair to both of them. Unfair to Christian, dahil kasal sila at ang ginawa niya ay kasalanan sa mata ng Diyos at sa mata ng batas. And Sam is caught up in her jealous rage towards her husband. Ginawa niya lang akitin ito para maalis ito sa landas niya but in that process she got to know Sam's caring nature.

She was afraid to ask Sam kung may ugnayan pa rin ito sa asawa niya. But maybe if she sorts things out first, malalaman niya kung sino ang mas mahalaga sa kanya. Sana lang ay hindi mangyaring mawala ang dalawa sa kanya dahil sa oras na ibibigay niya sa sarili niya para mamili.

She sighed. "Sam. Tama ka. I need to sort things out first. Sana antayin mo ako."

Sam opened her eyes and there were tears in those almond eyes. Amelia's throat tightened. Hindi niya kayang titigan ito habang namumuo ang luha sa mga mata nito. She blinked rapidly to stop herself from crying too. Ilang beses siyang lumunok para pigilan ang luha sa mga mata niya.

She won't cry. Gusto niyang bigyan ito ng pagkakataong makapag isip isip din.

Pero bakit parang may mali sa mga nangyayari ngayon? Her heart is aching so badly. Ayaw niyang pakawalan si Sam pero kung ito ang kailangan nito ngayon ay dapat pagbigyan niya ito. She also needs time. 

-------

A/N:

Hi girls. I am planning to make a Ko-Fi account where people can support me. I want to raise money to buy myself a new laptop. So if anyone is willing to donate, you can do so on the Ko-Fi website; I'll post it in this Wattpad Account. Plus, I will also put my ongoing stories there. Also, if anyone is interested in writing stories and wants me to be their mentor, I will gladly do so. I am also open to being a beta reader and a book cover maker.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now