CHAPTER 49

1.2K 85 17
                                    

Sam stared at Amelia habang nag aantay sila ng ginagawang contract ni Bridgette. Pero hindi ito makatingin sa kanya. Amelia was looking at the documents in her desk at ni minsan ay hindi nito inangat ang tingin sa kanya.

She thought that she would be able to run after Amelia yesterday, but she underestimated how much those legs could walk fast. Or maybe she lost sight of Amelia at lumiko ito sa ibang bahagi ng hallway.

There was a diversion of hallways nang makalabas siya ng kwarto ng Dad niya and she didn't know which way Amelia went. Kaya naman nag hanap pa siya but she thought that there's only a place in the hospital that Amelia could be. It was the parking pero pag punta niya doon ay alikabok na lang ng kotse nito ang nakain niya.

Tanghali siya nakarating dahil siniguro niya munang maayos ang Dad niya bago niya iwan kina Cha. Gusto niya pa naman sanang mag paliwanag kay Amelia pero iba pala ang maaabutan niya sa opisina nito.

Masaya pa siya kanina nang umalis siya sa ospital. She can't wait to see Amelia and tell her na hindi niya babae o girlfriend si Cha, that Cha is her bestfriend. At wala itong dapat ika-selos. Pero mukhang hindi na kailangan. Bumalik na ang asawa nito at pwede na siya nitong itapon na parang basahan.

Gusto niya itong tanungin ngayon kung nakapag desisyon na ito pero natatakot siya sa sasabihin nito sa kanya. She still needs to be in the RC2 para tapusin ang mentorship niya at kung sasabihin nito sa kanya na si Christian ang pipiliin nito. She doesn't know if she'll be able to continue being in the company habang nakikita ang dalawa. Hindi niya kakayanin ang sakit dahil ngayon pa lang habang tinitingnan ito na tila walang pakialam sa kanya ay para nang dinurog ang puso niya.

Namuo ang luha sa lalamunan niya but she swallowed it down. Nakuha na nito ang gusto nito sa kanya. She shouldn't let Amelia know na nagtagumpay itong saktan siya. Kung kailangan niyang magpanggap na ok lang siya ay gagawin niya.

But she couldn't help herself. Napapatingin pa rin siya sa mukha nito para makita kung titingnan siya nito. Pero kahit hindi ganun ay gusto niya lang din na pag masdan ang mukha nito. Gusto niyang itatak sa isip niya ang mahahaba nitong pilikmata. Ang singkit nitong mga mata at ang mapula nitong labi. How it feels against her lips. How those eyes looked at her like she was the only one it sees.

Ngayon na nga lang siya nag mahal. Dito pa. Sa babaeng hindi magiging kanya, dahil ang totoo ay kasal ito. Amelia just took revenge. Dapat hindi na siya nag expect pa ng higit doon. Why did she let herself fall?

Sam closed her fist tightly and bit her lip. Please....look at me... Just once.

Nakabalik na si Bridgette ay hindi siya nito tiningnan. It's like Amelia is obivious to her presence.

"Here's the documents. Just sign here." Bridgette looked at her at nagkasalubong ang mga mata nila nang ituro nito ang pipirmahan niya.

Bridgette's eyes became concerned, and she saw pity in those eyes.

Sam immediately looked down para pumirma sa papeles. She doesn't want pity from anyone. Sawa na siyang kaawaan. Mas maigi pa noon na galit sa kanya si Amelia. But now there's nothing that she could see from those hazel brown eyes.

Nag angat ng mukha si Amelia nang ibigay dito ni Bridgette and pipirmahan nito. But when their eyes met ay muli itong tumingin sa documents at binasa iyon.

Inantay niyang mag angat ito ng mukha. Sam looked at Amelia's eyes intensely nang sa wakas ay tumingin na din ito sa kanya.

"S-So... Sam since there's a clause." Amelia cleared her throat. Huminga ito ng malalim at muling tiningnan ang papel. "1 month na lang ang hihingin sayong internship. I could atleast give you that. I-Is there anything you want from the company?"

Tumayo siya at tinitigan ito. She doesn't want to let Amelia know that she was hurting. Kahit nanginginig ang kamay niya at parang gusto niya na itong sigawan ay hindi niya ginawa. She closed her hands tightly. Her heart palpitating in rage inside her chest.

"I don't want anything else. Beside the internship, Boss." Saglit siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang nag wawalang puso niya. How could Amelia be this calm? Gusto niyang sigawan ito. Gusto niyang hawakan ito sa balikat at yugyugin. Tama bang paglaruan nito ang nararamdaman niya? How could she be this cruel?

But she steadied her posture and looked down on Amelia. "Hindi na ako pwedeng maging secretary because Bridgette is already here, Boss. Saan mo ako dadalhin na department Mrs. Montenegro?"

There she said it. Ang dahilan kung bakit hanggang mistress lang siya. Hanggang kabit lang. Walang label.

The truth is Amelia is married and still loves Christian.

Mula sa pag kakatingin sa kanya ay nagbawi ito ng tingin at bumaling kay Bridgette. "B-Bridgette. Anong available na position sa Admin department?"

"Well, meron pong Assistant Manager." Bridgette answered and looked at them back and forth.

"Ok. Put Sam there and -----"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nito dahil inunahan niya na.

"Ok na sakin yun, Boss." Yumuko siya. "Thank you."

With that ay tumalikod na siya dito at kipkip ang bag na lumabas na siya sa office nito. She couldn't take another minute inside Amelia's office. Para siyang kakapusin ng hininga habang nakatingin dito. And the memories of them being there together ay nagpapadagdag pa sa sakit na nararamdaman niya.

Nangilid ang mga luha niya and her tears was about to drop nang makita niya si Christian. Automatikong nahinto sa lalamunan niya ang luha niya. It became bearable to breathe habang nakatingin siya dito.

He was leaning on the wall nang mag angat ito ng tingin at mag tama ang mga mata nila.

Then she remembered the conversation she had with him 5 months ago pa.

'I'm sorry, Christian I can't do this anymore. I am breaking up with you.'

'Why?'

Umangat ang kilay ni Sam nang makita ang mabilis nitong reply. Halatang wala itong ginagawa.

Because I felt guilty doing this to your wife. Yun sana ang gusto niyang sabihin but she doesn't want to sound high and mighty na tila ba hindi siya involve sa nangyari. She realized her mistakes and she would do anything to make up for it.

'Because you hurt a woman who is there for you through ups and down. Hindi lang naman ikaw ang nasaktan sa pag kawala ng anak niyo. Your actions are inexcusable. How could you do this to her? Paano kung ikaw ang nasa sitwasyon niya? I don't think you will not do what she had done to save the company and still be able to make you happy to keep the baby.'

'Hindi ka kawalan sakin, Sam.'

Kahit hindi nito iyon direktang sabihin sa kanya at sa chat lang ay alam na alam niya na ang tono ng boses nito. Ayaw nitong naiinsulto ang pagkatao nito.

Sam sighed. 'Kung ganun nga. You will let me go. I am breaking up with you Christian. And I hope pag isipan mong maigi ang relasyon niyo ng asawa mo.'

Pagkatapos nun ay hindi na ito nag reply.

Christian looked at her at nag tagis ang bagang nito. But he opened his mouth like he was about to say something, so Sam waited for what he was about to say. Pero tinikom na nito ang bibig at yumuko.

Sam couldn't help but lower her head down too. Nagmamadaling umalis siya sa harap nito.

Hindi niya alam kung nag bago na ba si Christian at hindi niya alam kung nagkaayos na nga ang mag asawa. Pero wala siyang karapatang mag tanong.

She is both their mistress. Mas maigi na din sigurong ganito. Siguro siya ang ginamit ng Diyos para magkaayos na ang dalawa. Kahit hindi na masuklian ni Amelia ang pag ibig niya. She would still be happy na nagkaayos ang dalawa dahil sa kanya. Kung tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkaayos ang dalawa. Paano siya lalaban?

Kahit pa siya ang masaktan. If it would mean the happiness of the woman, she loved. She'll stop her heart from beating for Amelia and move on. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now